Chapter 011 - Values and Beliefs Part 3 (First Marital Problem)

215 8 0
                                        


"I'm sorry, hon, I couldn't make it. Nagkaroon lang ng kaunting aberya sa isang business deal, and it is something that I have to fix urgently. Don't wait for me tonight though, hindi ko alam kung ano'ng oras ako uuwi."

Bagsak ang mga balikat na sinulyapan ni Demani ang mesa kung saan naroon at nakahain na ang mga pagkaing ini-handa niya para sa gabing iyon. Kanina pa ang mga iyon naghihintay sa pag-uwi ni Van— only to be informed that he wouldn't make it to dinner. She felt bad but she understood the situation. Pilit siyang tumango na tila nasa harapan lang ang kausap.

"It's okay, honey. Please don't go home too late, and don't drive if you are too tired. Baka makatulog ka at maaksidente pa sa daan," paalala niya rito.

"I'm fine, babe. Uuwi ako mamaya pero siguradong tulog ka na sa oras na iyon. And don't wait up— hindi ko alam kung anong oras ako matatapos."

Lumabi siya. "You have been busy the whole week, honey, matutuloy pa ba ang bakasyon natin ngayong may aberya na naman sa negosyo?"

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Van sa kabilang linya. "I am really sorry about this, babe. But I think we need to cancel the vacation. Hindi ko alam kung magagawan ko ng paraang maayos kaagad ang gusot na ito, pero hindi ako mapapanatag na magbakasyon kung hindi stable ang kompanya. Please bear with me, sweetheart, okay?"

"Okay..." marahan niyang sagot. Gusto niyang magtampo pero pinigilan niya ang sarili. Her husband is working hard for the future of their family. Alam niyang ang ginagawa nito'y para rin sa kinabukasan ng magiging mga anak nila. They have the lifetime to spend with each other, maliit na bagay lang ang bakasyon-bakasyon na iyon. Kapag naisaayos na ni Van ang gusot sa negosyo ay maaari nilang ituloy ang naunsiyaming bakasyon.

Sinulyapan niya ang oras na naka-sabit na malaking wall clock sa kusina. It's thirty minutes past nine. Her husband would surely come home very late.

"How about tomorrow, hon? Sabado bukas at may gusto akong bilhing carpet sa home depot. Masasamahan mo ba ako?"

"I'll try, babe, but I can't promise. Okay, I have to go, I have a call on the other line. I love you and see you later."

Akma niyang sasagutin ang sinabi nito subalit busy tone na ang sunod niyang narinig. With a heavy heart, she put back the phone on its cradle and took all the food out of the table.


*

*

*


Tunay nga sa inasahan niya, naging abala si Van sa pagta-trabaho sa study room nito sa buong Sabado. Kahit sa oras ng pagkain ay hindi ito lumalabas. Ayon dito ay nawawalan ito ng gana kapag ganoong may inaasikaso ito, kaya naman kumain siyang mag-isa— sa kabila nang naroon lang sa bahay ang asawa.

But then again, the next day's Sunday. And she needed to remind Van about it. Nataon din kasi na ang Linggong iyon ay espesyal dahil kaarawan ng daddy niya. So she and her husband should be at the party without question. Hinahanapan lang niya ng pagkakataon na sabihin iyon sa asawa, ganitong may suliranin ito.

Kaya nang hapon na iyon, ay nagkusa na siyang pasukin ito sa study room. Bitbit ang isang tasa ng kape ay pumasok siya at inabutan itong may binabasang mga dokumento. Lumapit siya sa study table nito at inilapag sa mesa ang dala.

"Thanks, babe," he said while his eyes remained on the papers.

Dumukwang siya sa desk upang kunin ang pansin nito. Hindi siya umalis doon hanggang sa hindi siya nito tapunan ng tingin.

ANOTHER DAY ROTTING IN VAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon