CHAPTER 005 - As Simple As That

279 12 1
                                        



Muli siyang napa-kagat labi upang pigilan ang sariling tumili sa tindi ng galak na nararamdaman.

How can she say NO to that man? Kanina pa niya ito lihim na pinapantasya!

Banayad siyang tumango bilang pagsagot dito.

Nang biglang kumulog nang malakas ay tila siya nagising sa kaniyang pantasya. Dinampot niya ang payong na nasa sahig ng front seat, binuksan iyon saka itinuloy na ang pagbaba sa sasakyan.

Bago niya ini-sara ang pinto ay muli siyang yumuko at sumilip sa loob.

"I often go to that bakeshop every weekend at eight in the morning."

Tumango ito habang hindi pa rin maalis-alis ang pag-ngiti sa mga labi. "Copy that. See you on Saturday."

Ini-sara na niya ang pinto at mabilis na tumalikod. Habang naglalakad siya papasok sa gate ay impit siyang tumili. Hindi siya makapaniwalang magkikita pa silang muli ng simpatikong estrangherong iyon.

Hind siya makapaniwalang magkakaroon ito ng interes na mas makilala pa siya.

Bahagya siyang lumingon upang tingnan kung naka-alis na ito, subalit ang kotse nito'y naroon pa rin. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang daraan at muling impit na ngumiti.

He was probably watching me until I get in. How sweet is that...?

Ngingiti-ngiti siyang naglakad hanggang sa pinto. Ang akma niyang paglingong muli ay nahinto nang bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng Lola Valentina niya.

Nanlalaki ang mga matang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa matanda at sa buong pamilyang nasa likuran nito.

Si Maureen ay nasa likuran din at naka-ngiwi.

"Sinasabi ko na nga ba at may pa-sorpresa ka sa aking bata ka kaya wala ka ngayon dito," salubong ng matanda saka lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

Despite her age, Lola Valentina still looked young and healthy. Malakas pa ito at maayos pa maglakad. Her grey hair and laugh lines didn't even make her look her age. She was always smiling and incredibly kind to everybody, kaya mahal na mahal nila itong lahat.

Ibinaba niya ang payong sa gilid ng pinto at sinilip ang mga kamag-anak na nakasunod sa likuran nito. Matamis niyang ningitian ang lahat.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaking naghatid sa kaniya, but she had to act normal in front of everybody so she pulled herself together and released a cheerful greeting.

"Happy birthday, Lola Val!" aniya sabay taas sa box na hawak.

Banayad siyang hinila nito papasok at ito na rin mismo ang nagsara ng pinto.

"Is that my favorite mango cake?" nagniningning ang mga matang tanong nito.

"Yep, and this is the most delicious mango cake in the Metro." Sinenyasan niya si Maureen na alalayan siya, at mabilis naman itong lumapit habang bitbit sa kamay ang isang lighter. Tinulungan siya nitong buksan ang cake

She and Maureen were able to remove the ribbon and open the box. Maureen was about to place and light the candle on the cake, and she was about to start singing when something made them stop.

Napa-ungol siya nang makita ang cake.

"Ano 'to, Demani?" kunot-noong tanong ni Maureen. "Alam mo naman allergic si Lola sa chocolate, bakit ito ang dala mo?"

ANOTHER DAY ROTTING IN VAINWhere stories live. Discover now