Chapter 012 - Values and Beliefs Part 4

200 9 2
                                        


"Ano'ng balita sa business mo, Cori? Is it doing well?"

Nagkatingin sina Demani at Coreen nang marinig ang tanong ni Lola Val. As the matriach of the family, si Lola Val ay nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, opposite to the birthday celebrant, Demani's father.

Ka-u-umpisa pa lang nilang kumain at hindi pa man nila nangunguya ni Coreen ang unang ini-subo nang marinig ang katanungan ng matanda.

Si Sam, na hindi naman tinanong, ang sumagot. "It's doing well, Lola, wala kayong dapat ipag-alala."

Ang kapal ng mukha!

Yumuko siya upang itago ang pag-ismid at ang biglang pag-asim ng mukha niya. She hated her cousin's husband, pero dahil ama ito ng mga pamangkin niya ay mananatili siyang tahimik sa mga pinag-gagagawa nito.

"That's good to hear. Are you helping Coreen run the business, Sam? It would be better if you let your wife handle the business while you start looking for a job. Nakapag-tapos ka ng Business Management at magiging madala sa iyo ang maghanap ng trabaho. Kahit maliit ang sweldo, basta mayroon."

Doon umangat ang tingin niya saka sinulyapan si Sam upang alamin kung ano ang naging reaksyon nito sa sinabi ng matanda. Nang makita itong napayuko at tila napahiya ay lihim siyang ngumisi.

"Van, hijo?"

Napalingon siya sa Lola Val niya, kasabay ng asawa, nang marinig ang pagtawag nito.

"May mga kakilala ka ba sa business world na maaaring pagtrabahuan nitong si Sam? I know you have lots of connections, maybe you can help your cousin-in-law?"

Nalipat ang tingin niya sa asawa, at doon ay nakita niya ang blangkong tingin na ipinukol nito kay Sam. "I know a lot of people who could provide job for Sam, Lola. Iyon ay kung interesado siya?"

Ibinalik niya ang tingin kay Sam, at doon naman niya nakita ang pag-ngisi nito habang nakayuko sa pagkain. It wasn't just a grin— it was a smirk.

"That's good to hear, Van," wari pa ni Lola Val. Ang sunod nitong napansin ay ang isa pang apo, si Levi. "How about you, hijo? Kumusta na ang negosyong minana mo sa iyong ama?"

Levi shrugged his shoulders nonchalantly. "Maayos naman, Lola. Dad is guiding me, kaya h'wag po kayong mag-alala."

"How long does your father needs to guide you, Levi? Hindi ba dapat ay nagpapahinga na siya?

Nakita niya ang pagsimangot ni Levi sa huling sinabi ng lola. Sa kanilang magpipisan ay si Levi ang hindi niya gaanong kasundo. He was always quiet and reserved, although maayos naman ang pakikitungo nito sa kanila. He just didn't seem to... enjoy being with the family. Kahit ang asawa nito'y tahimik lang din, at panay lang ang ngiti sa kanila.

Nagpatuloy ang lola nila. "Tingnan mo itong sina Gin at Van. They are both independent and they can handle their business on their own. Lalo na si Van who has an international business. He is doing well and that's very admirable. Make him your inspiration."

She proudly turned to her husband and smiled at him. Pero ang asawa niya'y nanatiling seryosong nakayuko sa pagkain nito.

Si Sam ay nagsalita. "Well, if you grow up without a family, you have no choice but to stand on your own."

Kunot-noo niyang nilingon si Sam at nahuli ang pagsiko rito ni Coreen bilang pagsaway.

"Masama ba ang ganoon, Sam?" tanong pa ng daddy niya sa naging komento ni Sam. "Kahit saan ko tingnan, mas magandang matuto ang tao na tumayo sa sarili niyang mga paa nang mas maaga kaysa sa manatiling tamad hanggang sa pagtanda. Oh, and I wasn't referring to you, pero bahala ka nang mag-isip."

ANOTHER DAY ROTTING IN VAINWhere stories live. Discover now