"Kanina ko pa napapansing malungkot ka, Demani. Si Van na naman ba ang iniisip mo?"
Mula sa pagmamasid sa mga pamangkin na naglalaro sa hardin ng bahay ng Lola Val nila ay napalingon siya at nakita si Maureen na nakatayo sa pinto ng veranda.
Kanina pa siya naroon at mag-isang nagmumuni-muni matapos nilang mag-lunch na buong pamilya. She took a glass of wine from the bar and went to the veranda, watching little Calvin— four years old, and Conrad, six, playing in the garden. Mga anak ang mga ito ng pinsang si Coreen, na akala nila ay hindi makapupunta pero nakahabol pa kasama ang buong pamilya.
"I'm alright," sagot niya sa pinsan bago ibinalik ang pansin sa mga batang naghahabulan. She took the wine glass to her lips and sipped a little.
"Naku... nami-miss mo lang si Van eh. Parang apat na araw lang kayong hindi magkikita pero daig mo pa ang asawa ng sundalong tutungo sa giyera kung makapag-emote diyan."
She sighed. "Kahit gabi-gabi siyang tumawag ay hindi pa rin naiibsan ang lungkot ko na wala siya sa tabi ko. I am used to seeing him every day."
Tumabi sa kaniya si Maureen at itinuon din ang pansin sa dalawang pamangkin. "Well, masanay ka na dahil nag-asawa ka ng businessman. They work even in their sleep."
"That's the thing. Nitong nakaraang dalawang linggo ay halos sa umaga na lang kami nagkikita. Sa gabi ay uuwi siya nang maaga pero madalas na naglalagi sa study room para magtrabaho. Lumalaki na ang kompanya at higit na nangangailangan ng oras niya. He even works on Saturdays. Kaya malaking bagay sa akin na makasama siya dito sa family get-together tuwing Linggo."
"Pero hindi ba at ang sabi mo, nag-book na ng ticket si Van para sa isang linggong bakasyon ninyo?"
Tumango siya.
"There you have it. May isang linggong pambawi sa'yo ang asawa mo."
"Yeah. And we won't be here next Sunday because of that. Hindi pa ako nagsasabi kina Mommy dahil baka malungkot. Sabihin nila na sa Linggo na nga lang kami nagkikita ay liliban pa ako."
"Maiintindihan naman siguro ng buong familia iyon. May asawa ka na at natural lang na unahin mo ang pagsasama ninyo ni Van."
Muli siyang bumuntong-hininga at niyuko ang hawak na wine glass. She stared at her reflection and grimaced at her sad face. "I just hope my husband won't be so busy para pareho akong may panahon sa pamilya at sa pagsasama namin."
"Well, well, well... Mukhang magbabago na ang mood mo sa nakikita ko ngayon."
Umangat ang tingin niya sa pinsan at nakitang ini-nguso nito ang gate. Hinayon niya ng tingin ang direksyong itinuro ni Maureen at nanlaki ang mga mata nang makita ang pagpasok ng kotse ng asawa.
Malakas siyang napasinghap. "That's Van's car!"
"Yep. Mukhang humabol ang asawa mo."
"Oh God!" Ibinigay niya ang hawak na wine glass kay Maureen at patakbong nilisan ang veranda. Nadaanan niya ang mga tiyahin kasama ang mommy at Lola Val niya sa malaking sala at ang-uusap-usap. Narinig niyang tinawag siya ng mommy niya at tinanong kung bakit siya nagmamadali pero nginisihan lang niya ito at mabilis na itinuloy ang pagtakbo palabas ng bahay.
Sa porch ay naroon ang mga tiyuhin niya at ang daddy niya, ang tingin ng mga ito ay nasa humintong sasakyan sa harap. Nahinto siya at nakangiting hinintay na bumaba ang asawa.
BINABASA MO ANG
ANOTHER DAY ROTTING IN VAIN
RomanceVan and Demani's story started like all other regular love stories that you read in books and saw in the movies. They met, fell in love, married, and made plans for the future. They were so perfect together, and their family even called them "the pe...
