Kapitulo 10

1.4K 47 28
                                    

On the day of my birthday, I looked forward to nothing but my siblings. Si Mama ay maagang umalis para hindi gabihin habang si Papa ay halos tanghali naman nang umalis. My two siblings were just watching something on YouTube on their tablet—a gift they received from tiya Perla yesterday. Kay tiya Perla kami nagpasko, lahat kaming mga anak ay binigyan ng aguinaldo bukod sa ilang regalo.

"Ate, 'di ba, birthday mo ngayon?" biglang sabi ni Racquel nang lumapit siya sa la mesa kung saan kami kumakain dahil malapit do'n ang tapunan namin. Kumakain sila ng tsitsirya, e.

"Oo," binuksan ko ang takip ng mga tirang pagkain at tumayo para kumuha ng tinidor. Kakain ako no'ng cake na uwi kahapon.

Pag-upo ko muli, nakatayo pa rin si Racquel at nakatitig sa 'kin. "Bakit?"

Imbis na sagutin, niyakap niya ako ng pagilid at binati. "Happy birthday, love you." At, siya'y umalis na para tabihan muli ang kambal niya.

Inubos ko ang cake at hinugasan ang platong pinaglagyan no'n. Tapos, pumasok ako sa kuwarto para humilata. Binuksan ko ang telepono ko at binasa ang mga mensahe ni Iggy.


Iggy Trillano: hello heartfixer 💔 nandito ako ulit

Iggy Trillano: 

Iggy Trillano: kumusta naman araw mo so far?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iggy Trillano: kumusta naman araw mo so far?

Iggy Trillano: ako, heto, naglalunch pa lang kahit alas dos na

Iggy Trillano: here's my ulam, baby:

Iggy Trillano: 

Iggy Trillano: 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napansin ko na sa halos bawat chat niya sa 'kin, may kasamang meme. Iba-iba pa.


Diwa Mahalina: bakit sobrang dami mong memes

Iggy Trillano: para naman maiyak ka na sa tawa at hindi dahil sa ibang rason 😁

Diwa Mahalina: iboblock kita

Iggy Trillano: JOKE LANG, BABY, JOKE LANG. HINDI NA TALAGA HAHAHAHA

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Where stories live. Discover now