Kapitulo 29

1K 40 8
                                    

Ito na siguro ang moment sa buhay ko na pinakakabado ako. Ngayon ko malalaman kung nakapasa ako sa UPD. Mamayang hapon ko planong tingnan dahil baka matuliro ako kapag hindi ako nakapasa at pumasok ako sa trabaho.

"Langga," tawag ni Iggy sa akin habang ka-call ko siya. "Bakit?"

Nagluluto ako ng baon ko dahil wala na akong hawak na pera, binigay ko na kina Mama at Papa. Maliit ang nagiging benta ni Mama sa palengke ngayon, e, mataas kasi ang presiyo ng bilihin. Si Papa naman, sa katapusan pa ng buwan darating ang suweldo. Magpapang-abot ang bayarin sa tubig at koryente. Kaya ang natira na lang sa akin ay tatlong daan.

"Nag-aaya sina Mark uminom mamaya, sa QC." Tumango ako at binalingan siya. Nakatitig lang siya sa akin, tila may hinihintay.

"Bakit?" taka kong saad. "Okay lang ba? Biglaan kasi, e." 

"Na uminom ka? Oo naman, bakit mo 'ko tinatanong?"

"Siyempre, nagpapaalam."

Lalo akong nagtaka sa sinabi niya.

"Bakit ka naman magpapaalam sa 'kin? Hindi naman ako 'yong Mama mo."

"Langga, ganoon talaga, nagpapaalam ako kasi ayaw kong gumawa ako ng bagay na hindi mo magugustuhan."

Pumikit-buka ang aking mga mata habang pinoproseso ang winika ng nobyo ko. Somehow, I feel like I've heard this type of sentence from him before. Baka dati, sinabi niya na ang ganito, hindi ko lang maalala kailan 'yon.

Hindi ko maiwasan ang pag-init ng puso ko. Hindi kailanman nahiya si Iggy na sabihin ang mga ganitong bagay sa akin, mas lalo nga yata siyang naging honest, e. Mas lalong nang-assure kahit na ako mismo ay hindi naman siya pinag-iisipan ng kung ano-ano. Hindi niya pa rin yata nahahalatang buang na rin ako sa kaniya.

"Ahh, okay, sige, payag ako. Ingat ka, paano ka uuwi?" Iggy suddenly smiled. "Makikitulog ako sa pinsan ko ro'n; taga-Ateneo 'yon, so naka-condo siya ro'n."

I nodded and flipped the fish I was cooking. "Sige, ingat ka."

"Dadaan muna ako sa 'yo bago pumunta ro'n, kain tayong dinner."

Hindi na ako nasanay, talagang gumagawa ng paraan si Iggy na kitain ako kapag kaya niya. A little more. Maybe, a little more, and I wouldn't be suprised anymore. A little more and I'd accept this was how much effort I was worth.

"Hindi mo pa tinitingnan result?" umiling ako habang nilalagay sa ulam ko sa baunan. "Mamaya na, kapag natapos ang shift ko sa school."

"Sabay nating tingnan?" tumango ako sa paanyaya niya. "Kumusta ang cafe ninyo?"

"Ayos naman, mataas 'yong benta last week. May nag-debut na kakilala namin, sa amin nagpagawa ng cupcakes at cake, kaya malaki ang kinita namin."

"Kahapon, marami kayong customers?"

"Sakto lang, 'yong usual lang namin na day-to-day."

"Sige, baba ko na. Bye, langga." Kumaway si Iggy bago ko patayin ang tawag. Tapos, naka-receive agad ako mula sa kaniya ng mensahe.


Ignacio 🤍: you called me langga, i know youve been doing that for a while but still

Ignacio 🤍:

Ignacio 🤍:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Where stories live. Discover now