Kapitulo 14

1.4K 44 13
                                    

"For Amartya Sen, assessing the capabilities people have is a better way of knowing if development truly occurs, rather than looking at just the income of people. The pivotal role of capability in development is that it seeks to reveal hidden setbacks people face, unlike when an expert only looks at the income and wealth which show only little compared to the capabilities approach of Sen. This approach is focused on freedom..."

I was listening to my professor for my major subject and it was Wednesday afternoon. The aircon was not working right now, so I was sweating a river.

"Think of this: our country is mainly an agricultural country because we have a vast amount of land—but do farmers have the freedom to maximize this land in terms of utilizing it for crops?"

Napaisip ako sa tanong ng prof.

Oo. 'Di ba?

"They don't," bahagyang tumaas ang mga kilay ko, "farmers, a lot of them, don't even have lands of their own right now. Since the 80s, they never had. They don't have the freedom to use the functions of a lot of the lands of the Philippines because of many factors. They don't have the freedom to feel at ease when sowing the seeds that reaped because they get little compensation in return."

Maliit ba ang sahod nila? Ngayon ko lang nalaman 'yan... I've never really thought of them my whole life. Pero kung gayon, para silang si Papa? Ang hirap-hirap ng ginagawa, pero maliit lang ang sahod?

"It changes a lot, pero ang presiyo ng palay ngayon ay naglalaro sa 17 pesos per kilo."

Diecisiete...

Isang kilo, pero 17 pesos lang? Luging-lugi naman yata ang mga magsasaka no'n.

Bakit gano'n kaliit? It's no wonder why hirap sila sa buhay kung gano'n.

Bakit kung sino pa ang pagod, sila'ng hindi tamang hinahagod?

Sinulat ko 'yon sa notebook ko. Like usual, dinadagan ko lang ang notes ko kapag may bagong kaalaman na natututuhan. Maigi kong pinakikinggan ang lecture dahil gano'n ako mag-aral. Kapag may exam na, hindi ako subsob na subsob sa pagre-review dahil nakikinig naman ako ng mabuti kapag oras ng klase.

Ang lessons ngayon ay tungkol sa capabilities approach ng development at decolonization aid. The prior topic, for me, was mind boggling. Dahil nga lumaki akong iniisip na kapag mabuti ang ekonomiya, mabuti rin ang estado ng lipunan, nakaliliwanag malaman lalo na mali ang paniniwala ko. The prior topic talked about finding where people lacked freedom in, capabilities in, when talking about development.

Safe zone ko ang mga luma kong paniniwala. Hindi gano'n kadali bitawan 'yon, pero dahil sa panibagong kaalaman na nakuha ko ngayon at nitong nakaraang mga pag-aaral, dagdag pa ang pruweba ng mga 'yon, tuluyan na akong nailabas ng lesson na ito mula sa safe zone ko. Hindi porke mataas ang mga numero sa ilang pag-aaral ng ekonomiya, maayos na ang buhay ng mga mamamayan.

It made me think that I had been living in a bed of lies since I was a kid.

Sa katunayan, hindi ako ang tipo ng taong madaling lumabas sa safe o comfort zone ko. Alam ko na kasing mas madali ro'n dahil napatunayan ko na first-hand, usually, o itinuro na sa 'kin. Tulad ng ideya na hindi mabuti ang pagpoprotesta. Habang lumalaki ako, naririnig ko na sa news na may napapahamak dahil do'n. Siyempre, ang tumatak na sa isip ko ay masama ang pagra-rally. Bukod pa ro'n, ang mga taong tulad ni tiya Alessandra ay hindi nagpalimot sa 'kin na ang aktibong pagkuwestiyon sa gobyerno ay mali.

But there really does come a time when all your life seems like a lie because the truth is revealed.

Since the time I watched a live video of protestors in front of the Malacañang, I had... a bit of a change in perspective of rallies. Nang makita ko ang ngawa ng matandang babae no'n dahil nasa kulungan pa rin ang anak niyang walang sala, at nasaktan ang isang matandang lalaki, parang lumambot ang puso ko. Hindi ko alam ang katotohanan tungkol sa mga 'yon, pero... talagang naapektuhan ako ng sakit sa mata ng mga taong naroon.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Where stories live. Discover now