Nang dumating ang Miyerkules, pinilit ko na ang katawan kong pumasok sa escuela at trabaho. Hindi naman na mataas ang temperature ko, sa tingin ko, saka nakayanan ko naman, e. At, no'ng Huwebes, tuluyan na akong gumaling.
Ngayong Friday, bumalik na ako sa pagre-review para sa finals. Wala na akong pasok sa mga klase ko para sa araw na 'to dahil ang kulang na lang sa mga subjects ko ay exams na lang talaga, naturo na halos lahat ng lessons. Nasa campus lang ako para sa libreng WiFi na magagamit ko sa pag-aaral. Hindi ko na ma ma-print ang ilang readings dahil nagtitipid ako, kaya gamit ko ang mabagal kong laptop.
Matapos ang ilang oras ay naisip kong mag-search tungkol sa mga orgs ng UPD. It was difficult to choose which I could do since I didn't have a specific talent to offer. Ang magagawa ko lang siguro ay tumulong sa research team o logistics team ng isang org. Subalit, ano ba'ng org ang dapat sa akin? Iyon ang inisip ko habang binabasa ang mga pokus at agendas ng UPD orgs.
Hindi ako masiyadong seryoso pagdating sa usapang edukasiyon, hindi iyon ang cause na nais kong ipaglaban ng buo. Kahit mayro'n akong sentiments tungkol do'n, hindi ganoon kalalim para sumali sa org na education-centered. Tapos, hindi rin ako sobrang interesado sa kalikasan para sumali sa mga org na tumutulong sa mga lugar ng kulang ng halaman o puno. Pati sa kahit anong sining, hindi ako magaling o marunong. Talagang research lang ang kaya kong i-offer.
Kalaunan, bumalik ako sa pagre-review. Hindi ako nakapili ng org, sa susunod ay magse-search pa ako ng mas malalim. Walang pumukaw ng atensiyon ko, e. Walang sapat sa ngayon.
While reading about Adam Smith's economic theory, tumunog ang telepono ko. Nakita ko ang message ni Iggy. Binuksan ko 'yon at binasa.
Iggy Trillano: hi, baby ♪('▽`)
Iggy Trillano: what are u doing?? vacant ko, tagal pa ng next class ko
Nagtipa ako at s-in-end ang reply. He talked to me after.
Diwa Mahalina: nag-aaral para sa finals
Iggy Trillano: okay ka na? uminom ka ba ulit ng paracetamol?
Diwa Mahalina: oo, hindi na ako uminom. ikaw?
Iggy Trillano: okay lang dinnn, date tayo bago ka mag-work? 🙏
I sent a thumbs-up and turned off my phone. Ch-in-arge ko 'yon at tinapos ang inaaral.
Medyo kabado ang isipan ko ngayon dahil wala pang tumatanggap kay Papa. Nakailang subok na siya, ngunit palagi siyang nabibigo, ayon kay Mama. E, ang dalawa kong kapatid ay magpapasukan na sa Hunyo. Kahit public school, kailangan pa rin naman ng pera, siyempre. Lalo na dahil sira na ang mga sapatos ng mga kapatid ko na pampasok. Ilang taon na rin naman sa kanila 'yon, maingat sila sa gamit, pero talagang 'pag tumagal ay nasisira ang lahat ng bagay na mura. Tapos, kailangan nila ng panibagong mga notebook at ibang gamit sa escuela.
While walking out of campus after a while, I thought of changing jobs with a higher salary. Pero ano ang ibang trabaho na magagawa ko? Hindi naman ako fresh grad para mag-apply sa mga kompanya. Hindi rin naman kakayanin ng laptop o selpon ko kung magpi-freelance ako.
Nahinto ako sa pag-iisip nang makita si Iggy na papalapit sa akin.
"KFC? Treat ko," tumango ako sa paanyaya niya at naglakad na kami. "Wala ka na klase?" umiling siya sa aking tanong bago kami dumaan sa DOJ.
"Ilang weeks na lang, tapos na tayo sa freshman year." He states. I silently agreed, realizing how fast time moved. "Magsa-summer class ka, 'di ba?" he adds. "Oo, ikaw ba?"

CITEȘTI
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
Ficțiune generalăDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...