Kapitulo 28

1.1K 39 0
                                    

Mabilis na dumaan ang bawat araw simula no'ng sinagot ko si Iggy. Subalit, hindi ko alam kung bakit mayroong kaba na namumuo sa puso ko habang papalapit ang pagtatapos ng midyear. It was August already, and I have finished applying to UPD. Plantiyado nang lahat.

Hindi man sang-ayon si tiya Alessandra sa pangarap ko, hinayaan niya pa rin ako sa gusto. Basta raw mananatiling matataas ang mga grado ko, siya ang magbibigay ng allowance ko. Hindi ko na kailangan mag-dorm kapag sa Diliman ako dahil malapit lang 'yon sa bahay ko kompara sa UPM. Allowance at transpo expenses lang ang aalalahanin ni Tiya kahit na made-delay ako. Pero susubukan ko namang habulin ang mga subjects na kulang ko, e, para hindi na umabot sa limang taon ang pag-aaral ko.

"Langga," ani Iggy nang makarating kami sa Shakey's. "Bakit?"

"Actually, gusto ko pala ng burger ng Kenny Rogers. Okay lang ba na ro'n tayo? Sa kabila nga lang 'yon, pero, at least, malapit sa dorm mo."

Tumaas ang isang kilay ko. "Kahapon, sabi mo, matagal ka ng hindi nagpi-pizza, kaya rito mo gustong kumain."

Sheepishly, he smiled. "Nagbago isip ko," katuwiran niya. Tumango ako at umalis na sa Shakey's. Mabuti at hindi pa kami naka-o-order.

We walked for about ten minutes before entering Kenny Rogers. Maraming tao, subalit, nakakuha pa rin naman kami ng table. Si Iggy na ang nag-order, siya naman palagi, e. Kahit, minsan, inaalok ko siyang ako na ang kakausap sa cashier, mas gusto niyang nakaupo na ako at naghihintay. Sabi ko na lang, kakainin ko rin ang o-order-in niya.

Mahal nga rito, e... Magkano kaya magagastos ko... Sabi ko pa man din kay Iggy na huwag niya akong ilibre ngayon dahil nag-ipon ako para ngayon. Kung natuloy kami sa Shakey's, kuwentado ko na ang gagastusin ko dahil hinanap ko ang menu ng resto na 'yon no'ng nasa school ako para sa trabaho kanina.

Habang nag-aabang, pinagmasdan ko si Iggy bago tingnan ang telepono ko. Mayro'ng text do'n si Mama. Tinatanong kung makauuwi ba ako sa Friday para makapunta kami sa bahay ni tiya Perla, may kainan ulit do'n. Nag-reply ako ng tanong: ano'ng oras?

Tapos, naalala ko ang araw na ipinakilala ko siya sa magulang ko bilang nobyo. Gulat na gulat si Papa no'n, hindi niya raw alam na may nanliligaw na pala sa akin. Maraming itinanong si Papa kay Iggy. Nakitaan ko ng kaba si Iggy habang sumasagot, akala mo nagre-recitation, e. Nakatutuwa panoorin na ganoon siya, na ganoon siya kapirmi.

My sisters didn't have any reaction, though, pero halos tanging sa amin lang sila ni Iggy ang kanilang atensiyon no'ng nasa bahay kami. Ni hindi sila naglaro sa tablet nila. Pakiramdam ko, may gusto silang itanong o sabihin, pero hindi ko rin naman alam paano sila paaminin. Habang si Mama nama'y nakangiti lang at suportado kami ni Iggy bilang magkasintahan.

Nakilala ko na rin ang Mama ni Iggy at ang... mga kamag-anak niyang kasama nila ng Mama niya sa bahay. Ditse na lang niya ang hindi ko pa nakikilala. Malugod akong tinanggap ng pamilya ni Iggy, none of them commented on... my looks nor looked at me too long.

I knew why I sort of expected them to.

It was my past whispering to me.

This was the result of my long-made insecurity. Ilang taon kong kinahihiya ang mukha ko, ang itsura ko. Minsan, hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Nakagugulat kapag may nakakikita sa akin na maganda ako. It felt unreal, insincere. Or, I might have just been too pessimistic. Well, not might, I was. I grew up like that. It was difficult to simply change especially since I was still close to the person who always made me think I wasn't beautiful.

"Mga 15 minutes daw ang before ma-serve," wika ni Iggy habang umuupo sa tabi ko. I nodded and looked out the window. I saw some students from PLM entering the mall. Malapit kasi sa entrance ng mall ang resto na ito.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Where stories live. Discover now