Kapitulo 26

997 43 4
                                    

After the two week-break that Iggy and I unwantedly had, he was on the way to me to come home. I already had my bags ready. Lalabhan ko ang mga damit ko pag-uwi at ibang mga damit naman ang dadalhin pabalik dito para sa midyear classes.

The final exams were... hard. Halos puro essay 'yong bawat dulo ng exams except sa Math. Madalas, isang oras at kalahati lang ang mayro'n kaming mga estudyante para tapusin ang exam. Minsan, nagkukulang pa 'yon para sa iba. Kaya naman, ako, inuuna ko ang essay palagi bago sagutan ang mga multiple choice questions. Nakase-save pa ako ng ilang minuto para mag-double check at magtama ng mga sagot 'pag gano'n.

Bumaba na ako para maghintay sa harap ng gate. Nakasalubong ko pa si ate Charmaine.

"Uwi ka na?" tumango ako. "Ingat, see you tomorrow!"

"Sige po."

Bitbit ang isang backpack sa likod at isang ecobag sa isang kamay, binuksan ko ang gate. Sakto pala ang pagbaba ko, kadarating lang ni Iggy. He was wearing a white shirt that had a pocket on his upper left chest. Blue walking shorts and black watch. And... he had two boxes of P. Donuts.

"Bagay ba? Padala ni Ditse," he lifted his arm to show his watch. "Bagay," sagot ko habang kinukuha niya ang ecobag ko. Pinasok niya sa loob ng ecobag ang donuts, para isa lang ang bitbitin niya.

"Akin na 'yang backpack," aniya. "'Di na, ayan na lang iyo."

"Ang bigat-bigat ng itsura niyan," he tried to get it from me, but I moved my body. "Okay na," ulit ko.

"Akin na, para 'di ka na mahirapan."

"Kaya ko nga, Iggy." Umirap siya sa sinagot ko, kaya bahagya akong natawa. Ang tagal kong hindi nakita 'yon, ah! "Kumain ka na ba ng tanghalian?" I asked as we began walking towards the train station. 

"Oo, ikaw?" tumango ako bilang sagot. "Maayos naman itsura ko, 'no?" tiningnan ko siya bago pagmasdan ang bagong gupit na buhok. "Oo, bagay gupit mo sa 'yo."

Ngumiti siya. "Okay, good. Naroon ba magulang mo? O mga kapatid mo lang?"

"Naroon sina Mama at Papa siguro. Tuwing Sabado ang day off ni Mama, si Papa wala pa ulit trabaho. Bakit?"

"Siyempre, dapat pogi at maayos ako kapag nakita ng parents mo, future ano ko 'yon, e..." I glanced at him since he didn't finish his words. "Future ano mo?"

"Future in-laws," sabi niya bago namin madaanan ang DOJ. Napatingin ako sa kaniya at nakita ang proud niyang ngiti.

Wala na yatang mas sisigurado kundi ang tono ng pananalita niyang excited at mayabang na mukha sa segundong 'yon. Ni hindi ko pa siya sinasagot, umaasa na siya—o, baka mas akmang sabihin na naniniwala na siya—na kami ang dulo ng lahat ng ito. At, ang sarap maalalang simula no'ng una ay ganito na siya.

"Kumakain naman siguro sila ng donuts, 'no? O may iba ba silang hilig? Bilhin muna natin bago pumunta." I saw a sleeping kid on the pavement as he said those words.

"Hindi, ayos na 'yan. Akala ko no'ng una dala mo lang talaga 'yan at iuuwi sa pamilya, sa amin pala 'yan."

"Hindi puwedeng wala akong dala sa bahay ninyo, kailangan magpa-good shot na kay Tito para payagan akong pumunta bukas." Tumaas ang kilay ko at binalingan siya.

"Huh? Bakit ka pupunta sa amin bukas?"

"Siyempre, inuwi kita ngayon, kaya kailangan ako rin ang magdala sa 'yo pabalik sa dorm bukas. Hindi naman 'to one-time thing, Diwata. Akala mo ba first and last time na 'to na iuuwi kita? Hindi, 'no." Tumawid kami at patuloy lang siya sa pagsasalita. "Iuuwi at ibabalik kita sa dorm mo hanggang sa hindi ko na kailangan gawin 'yon."

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Where stories live. Discover now