DECEPTION ENTRY # 2

17.6K 329 23
                                    









DECEPTION ENTRY # 2







" K-Kamusta si Em, Chesca?! Y-yung baby ayos lang ba? hindi ba si---- hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko dahil sa sobrang pag aalalang aking nararamdaman ngayon.. Pagkakita ko sa kanya kanina na nakahandusay sa semento na walang malay, namumutla at pinagpapawisan daig ko pa ang sinuntok sa sikmura at pakiramdam ko yung puso ko tumigil sa pagtibok.. hanggang ngayon, nanginginig ang aking buong katawan ni hindi ko nga alam kung papaano ko siya nabuhat at naitakbo ng buong bilis kanina sa Emergency Room.. Ilang beses ko pang ichineck ang kanyang mga binti na nakahantad dahil bistida ang kanyang suot .. tinitingnan ko kung may dugo doon, dahil baka nga napasama ang bagsak niya kanina.. baka makun---













" Calm down, Leandro. Calm down, ayos lang si Emilie, ayos lang ang baby niya. Natural lang sa mga buntis na kagaya niya ang mawalan ng malay at mahilo kaya dapat lagi siyang may kasama kung may lakad man siyang pupuntahan. Kailangan niyang maging maingat Leandro lalo na at nasa ika apat na buwan na ang ipinagbubuntis niya. " mahabang paliwanag sa akin ni Chesca habang minomonitor niya ang heartbeat ni Em, hawak hawak nito ang kaliwang palapusuhan nito. Nanghihinang nailapat ko ang aking buong likod sa upuan na aking kinauupuan na nasa gilid lang ng hospital bed na kinahihigaan ni Em.. naipikit ko ang aking dalawang mga mata sa sobrang relief.. hawak hawak ko pa rin pala hanggang ngayon ang kanyang kanang kamay ng mahigpit.. natatakot kasi akong bitawan iyon.. sa hindi ko maipaliwanang na dahilan.. mainit iyon, malambot at ang sarap sarap hawakan.











" Leandro, pwede ko bang malaman kung bakit ginagagawa mo ang mga bagay na ito?" kunut noong iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko si Chesca. Nakatayo ito sa bandang ulunan ni Em habang marahan na hinahaplos haplos nito ang buhok nito ng paulit ulit.. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ganito niya kamahal ang kaibigan niya, sabagay ang sabi sa akin ni Em, para na silang magkapatid ni Chesca. Simula kasi noong mga high school sila lagi na silang magkasama.











" Kung ang balak mo ay pahirapan at pagbayarin si Emilie sa kasalanan niya sa kapatid mo, mas mabuting pang wag mo ng ituloy. Alam kong wala akong karapatan na makialam sa inyo, pero kaibigan niya ako. Kung masasaktan siya ng dahil sayo at sa kapatid mong si Xander mas mabuti pang iwanan niyo na lang si Em sa akin. Kayang kaya ko siyang alagaan at palalakihin namin ang anak nila ni Xander ng maayos. Malaking kasalanan ang ginawa niya. Malaking malaking problema, pero hindi ko siya masisisi dahil nagmahal lang siya. Minahal niya lang ng sobra sobra ang kapatid mo kaya ito ang naging resulta.. nagdadalang tao siya."











" Hindi dahilan ang sobrang pagmamahal niya sa ginawa niyang iyon, Chesca at alam mong tama ako. Alam niya.. alam niya ang maaaring mangyari ng araw na iyon, alam niya kung gaano kabaliw at kamahal ng kapatid ko ang asawa niya pero itinuloy pa rin niya ang mga balak niya. My god Ches.. kung alam mo lang ang pinagdaanan ng kapatid ko at ng asawa niya maiintindihan mo ako kung bakit ganoon na lang ang galit ko kay Em noong sabihin niya sa akin ang lahat.. "













" Kung ganoon naman pala, bakit inalok mo siya ng kasal? Bakit kailangan isakripisyo mo ang kalayaa-----







" Para iyon kay Jas, kay Xander at sa pamangkin ko. Chesca, nagsisimula pa lang ulit sila ng panibagong buhay. Ngayon pa lang bumabawi si Kuya sa pagkukulang niya sa mag ina niya. Sino ako at si Em para sirain iyon. Nagmahal din ako.. minahal ko si Jas ng sobra sobra, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali kaya nagkahiwalay sila ni Xander.. Ito na .. ito na ang kabayaran noon.. at isa pa.. pamangkin ko ang nasa sinapupunan ni Emilie. . Dugo at laman ko rin iyan. Isa ring Montenegro ang batang isisilang niya. "









D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon