DECEPTION ENTRY # 15

13.2K 295 25
                                    



DECEPTION ENTRY # 15



4 months After---------



" Daddy, ayos lang po ba talaga kayo?" wala sa sariling nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Kunut na kunot ang noo ni Dria habang nakatingin sa akin. Magkatabi kami sa upuan dito sa labas ng clinic. Inaantay naming tawagin kami ng assistant ni Chesca para makapasok na kami sa loob. Ngayong araw kasi na ito malalaman namin ang gender ng aming anak ni Jas. Its been 4 months, at anim na buwan at 3 araw na ang pinagbubuntis niya.

I am excited and scared at the same time. Hindi man ito ang unang pagkakataon na kasama ako sa mga check up niya pero para pa ring first time ang feeling ko sa tuwing aapak ako sa clinic ni Chesca idagdag mo pa na ngayong araw na ito malalaman namin ang gender ng aming anak. I learned to treasure every moment that I have with them kahit gabi madalas hindi ako makapaniwala na sa dami ng mga pinagdaanan namin ni Jas.. sa lahat ng mga luha at sakit na idinulot ko sa kanya.. nandito na kami ngayon, magkasama..buo.. nagmamahalan at mas lalong tumatatag.. every seconds counts.. ika nga.. Being with them, my daughter, my wife.. ang sarap sarap sa pakiramdam.. bumabawi ako.. binabawi ko ang mga panahon na wala ako sa kanilang tabi.. pinararamdam ko sa kanila kug gaano ko silang kamahal na dalawa.. at isang napakalaking blessing ang pagbubuntis niya.. mali man ang aming simula.. dahan dahan at unti unti nagawa ko iyong itama.



" Daddy."

" Dad!!"

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang pamilyar na pamilyar na pagkairita sa mukha ng aking panganay na anak. Ganun na ganun ako ehh kapag naiinis at napipikon. Nakatayo na siya sa aking harapan habang magkasalubong ang dalawang kilay at nakapameywang. Talagang kahit saang anggulo kamukhang kamukha niya ang kanyang ina pero ang ugali mas lumamang na nakuha sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ko kung paano unti unting humaba ang kanyang napaka cute na nguso habang bubulong bulong. " Sorry na ate. Medyo kinakabahan kasi ang daddy ngayong araw na ito. Excited kasi akong malaman kung lalaki ba o babae ang kapatid mo. " puno ng lambing kong sabi sa kanya habang dahan dahan ko siyang ipinapaloob sa aking mga bisig. Hindi pa ako nakontento doon dahil dinampian ko na rin ng halik ang tuktok ng kanyang ulo ng maraming beses.



" How many times Im going to tell you Daddy. Its a boy. Its a baby boy. " natawa na lang ako ng malakas dahil may halo ng inis ang pagsagot niya sa akin. Nagmamarkulyo na naman si Dria. Pero at least ha nawala yung malakas ng kalabog ng aking dibdib at yung kaba ko na kanina ko pa nararamdaman.





" Mr. Montenegro, pwede na po kayong pumasok. " nakangiting tumango ako sa assistant ni Chesca. Binuhat ko si Dria at tuluy tuloy na pumasok ako sa loob ng klinika.



" Daddy put me down, ang laki laki ko na po para buhatin, nakakahiya. Ate na po ako di na ako pwedeng beybihin. " narinig ko ang mahinang pagtawa ng assistant ni Chesca sa aming likuran. Marahan kong ibinaba si Dria pero yumukod lang ako para magpantay ang aming mga mata. " Para sa akin Alexandria Jade, baby ka pa rin. At mananatili kang ganoon kahit magkaroon ka pa ng maraming kapatid. " namilog ang kanyang mga mata at malawak na napangiti hindi ko nga lang alam kung dahil sa sinabi kong mananatili siyang baby para sa akin o dahil sa gusto ko siyang magkaroon ng maram----------



Naputol ang mga iniisip ko ng marinig ko ng ang tinig niya nasa tuwina'y nagdudulot ng kasiyahan at kapanatagan sa akin kahit pa nga may halo iyong pagkairita o pagkainis dahil sa aking mga sinabi. " Alexander Montenegro, ano ba yang mga pinagsasabi mo . Hindi ko pa nga nailalabas itong anak mo na nasa tiyan ko.. nagbabalak ka na agad ng kasunod. Aba!! mahirap umire!! mahirap magbuntis!! puro ka kapilyuhan."



D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon