DECEPTION ENTRY # 4

13.9K 323 41
                                    

Dedicated to all my Readers and Supporters!! Thank you very much for understanding me, for giving me hope and encouragement na ituloy ito kahit pa nga napakaraming nagagalit sa akin!! : ) kilala niyo na ang mga sarili niyo. Love you all!! from the bottom of my heart.



DECEPTION ENTRY # 4



" H-how is she? H-how's the b-baby? " kinakabahang tanong ko kay Chesca ng lumabas siya mula sa kwartong kinalalagyan ni Jas. Hanggang ngayon hindi ko alam kung papaano ko pakakalmahin ang buong katawan ko na nanginginig pa rin.. Kung titingnan mo ako, puro dugo ang aking tshirt na suot suot, pawis na pawis din ako.. I really looked like a mess.. Para akong basang sisiw na nakasandal sa pader habang hindi malaman ang gagawin.. Dalawang beses sa araw na ito, muntikan na akong mamatay sa takot.. una kay Em tapos ngayon naman kay Jas.. si Jas.. kay Jas ako mas nakakaramdam ng takot.. seeing her like that, bring back that memory.. that time she committed suicide in Cebu and almost died ng malaman niyang buntis siya kay Dria noon. Sa totoo lang malaki ang takot ko sa ospital simula ng mangyari iyon.. Nagkaroon ako ng phobia.. kaya nga kanina ng yayaain ako ni Jas ayaw ko talagang sumama.. pero------------



" They're both fine, Lean. Kailangan lang magpahinga ni Jasmine, masyado siyang na- stress. And she need a lot of rest. Kapag ayos na ang pakiramdam niya bukas, saka ko siya i undergo sa ultrasound para malaman kung ilang months na ang baby niya. " nanghihinang dumausdos ang aking buong katawan na nakasandal sa pader.. naitingala ko ang aking ulo pataas sa kisame ng ospital.. " T-Thank god f-for a little mercy. Hindi ko alam ang aking gagawin kung sakaling may nangyaring masama sa kanilang dalawa. " unti unting naging normal ang aking paghinga, dahan dahang nawawala ang panginginig ng aking katawan. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang aking kanang kamay.

" S-Siya ba ang nakarinig sa ating dalawa kanina, Lean? Siya ba ang ----------

" Yeah, she heard everything. Alam na niya ang lahat. And to tell you honestly, hindi ko alam kung papaano niya haharapin ang lahat kapag nagkamalay na siya. Seeing her like that, breaks my heart. Actually tama siya kanina... I betrayed her, I bet------------



" Papaano na si Emilie? Pababayaan mo na lang siya, ganun ba? Matapos mo siyang paasahin na magiging maa------------- Si Emilie? talagang si Emilie pa ang naisip niya ngayon? at papaano si Jas? papaano si Dria? si Kuya?! wala na ba siyang iisipin kundi ang kapakanan ni Emilie!? mabilis pa sa alas kwatrong napatayo ako sa aking kinauupuan at hinaklit ko ang kanang braso niya papalapit sa aking katawan, suminghap siya ng malakas at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa aking ginawa. Puno ng pagkasuklam ko siyang tinignan. "Stop right there, Chesca. I offered help to her, na in the first place hindi ko dapat ginawa dahil siya ang may kasalanan ng lahat!! I offered my name to her to save her honor! to save her!! save her!! Goddammit!! kung masama lang akong tao pinatanggalan ko siya ng lisensya, kayong dalawa ng lisensya!! Naisip mo man lang ba ang kalagayan ng asawa ng kapatid ko ngayon? Napaalalahanan mo man lang ba si Emilie na rendahan niya ang kalandian niya sa kapatid ko?!! She did this to herself, now she need to face the consequences. Naisip ko nga napakalaki kong gago para i offer ko ang pangalan ko para lang maisalba at maitago ang baho na ginawa niya.. I should have tell them the truth para wala kami sa ganitong sitwasyon na ang punut dulo ay ang kaibigan mong malandi!! Hindi ko na siya pwedeng saluhin!! "



Mabilis kong napigilan ang kamay niyang dadapo sana sa aking pisngi. Hinawakan ko iyon ng mahigpit at hinaklit ko siya papalapit sa akin ng husto yung halos magdikit na ang noo namin. " Your being unprofessional, doktora. Mas mabuti pa sigurong humanap na lang ako ng ibang doktor na titingin kay Jas o kaya naman ilipat ko siya ng ibang ospital dahil baka kung ano ang maisipan mong gawin para lang masiguro mong walang magiging hadlang sa kaligayahan ng pinakamamahal mong kaibigan. " I said in a very sarcastic way.



" How dare you!! How dare you, a**hole!! " Galit na galit siyang pumiglas mula sa aking pagkakahawak pero hindi ko siya hinayaan na makatakas sa akin. Buong galit ko siyang isinandal ng walang ingat sa pader. " Wag kang mag alala, Chesca hindi ko naman pababayaan ang bata na ipinagbubuntis ni Emilie, hindi ako masamang tao. Kahit pagbali baliktarin ko man ang mundo.. kadugo ko iyon, pamangkin ko pa rin iyon. Tataglayin niya pa rin ang apelyido ng mga Montenegro pero hanggang doon na lang iyon.. Dahil hinding hindi mangyayari ang panaginip ni Em na mapapasakanya ang Kuya ko. " pasalya ko siyang binitawan at dumistansiya ako sa kanya ng ilang pulgada, kitang kita ko ang pamumula ng kanyang buong mukha at kung nakakamatay lang ang tingin na ibinibigay niya sa akin kanina pa ako pinaglalamayan.



" Sige, lokohin mo ang sarili mo Leandro. Lokohin mo ang sarili mo na wala kang nararamdaman sa kaibigan ko!! lokohin mo ang sarili mo na hindi mo mahal si Emilie!! Hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag!! " galit na galit niyang sabi sa akin bago niya ako iniwang tulala mula sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng pagkalamig lamig na tubig ng marealize ko ang mga binitawan niya salita.



Hindi iyon totoo, hindi ba?

hindi ba?

-------------------------------

" Where is she?!! Lean!! nasaan si Jas?!! nasaan an-------- humahangos na lumapit siya sa akin at halos mamutla ang mukha niya ng mapagmasdan niya ang aking itsura. Para siyang babagsak mula sa kanyang kinatatayuan kaya mabilis ko siyang nilapitan at inalalayan. Gusto kong matawa sa kanyang itsura, hindi parehas ang suot niyang sapatos, baliktad din ang tshirt na kanyang suot suot at yung pantalon niya hindi naka snap ang butones.. halatang kaliligo lang niya dahil basa pa ang buhok nito. Napailing ako.. pagdating kay Jas talaga, nawawala siya sa kanyang sarili. Ganito niya kamahal ang babaeng iyon.. kaya talagang hindi ako naniwala noon kay EMilie ng sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Kuya at nabuntis pa siya.. masyado sigurong lasing na lasing ito para maalala niya ang mga nangyari sa kanila ni Em.. masyado siyang baliw at obsess kay Jas para gumawa ng isang bagay na makakasira na naman sa kanilang dalawa.



" W-What h-happened? B-Bakit puro d-dugo ka? K-Kay J-Jas b-ba yan?!! goddammit!! tell me!! Nasaan siya!? Nasaan ang asawa ko, Leandro?!! " halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya sa aking harapan at idagdag mo pa ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kwelyo ng damit ko na para bang ako ang may kasalanan sa mga nangyari kay Jas.. well partly yes.. ako talaga ang may kasalanan.. actually kaming dalawa.. dahil hindi ko rin naman iyon gagawin kung hindi dahil sa kanya.



Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa aking kwelyo at bahagya akong dumistansya sa kanya dahil alam kong makakatikim ako ng malakas ng suntok oras na sabihin ko sa kanya ang mga nangyari. Marami na akong karanasan sa kanyang ganoon.. kaya nag iingat lang ako. " Ayos lang siya Kuya. Wag kang mag ala-----------



" Ayos lang!! ginagago mo ba ako Leandro?!! Kung ayos ang asawa ko, bakit siya nasa ospital ngayon?! At bakit kasama ka niya?! W-Wa--------



Ipinikit ko ang aking mga mata, dahil sa kabang aking nararamdaman.. its now or never, kailangan kong malaman mula sa kanyang bibig ang katotohanan.. gusto kong makasigurong hindi niya sinasadya at wala talaga siyang alam sa mga nangyari sa kanila ni Emilie. " Emilie is pregnant." yung pamumutlang nakikita ko kanina sa kanya.. dumoble at talagang nawalan na siya ng balanse mabuti na lamang at nakahawak siya sa pader agad para makabawi.. yung mga mata niya.. kitang kita ko iyong takot.. yung katotohanan.. na hinding hindi niya maitatago sa akin.



" W-What d-did y-you s-say?P-Pakiulit m-mo nga ang s-sinabi m-mo? " Pakiramdam ko lumaki yung ulo ko. Yung baga ko parang nawalan ng hangin, parang biglang sumikip ang paligid. Could it be? No!! No!! dont tell me. He knew all along!!?

" T**ng ina naman Kuya!!! "









D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum