DECEPTION ENTRY # 12

11.6K 258 30
                                    





DECEPTION ENTRY # 12





Hindi ako makahinga. Yung buong katawan ko nanginginig sa takot.. Ipinikit ko ng pagkadiin diin ang aking mga mata, padiin na rin ng padiin ang pagsasalikop ng aking dalawang kamay habang nakaupo ako sa isa sa mga upuan dito sa labas ng Emergency Room. Hindi ko maalis sa aking isipan ang tagpong dinatnan ko sa loob ng banyo ng aking condo.. paulit ulit na lang na nangyayari sa akin ang ganito.. yung una si Jas.. nung magtangka siyang magpakamatay.. ngayon naman si Emilie.. Natatakot ako.. dahil pakiramdam ko ng buhatin ko siya kanina.. hindi na maililigtas ni Chesca ang bata.. ang anak ni Emilie.. ang daming dugo.. ang dami daming dugo.. Hindi ko na alam ang mga nangyari kanina.. para akong nasa isang limbo pero hindi maalis sa aking isipan ang itsura niya ng makarating kami sa ospital ng ipasok siya agad sa ER.. she was very pale, her hands was very cold an---------damn it!!! bakit lahat ng babaeng nagugustuhan ko? Ganito ang kinahahantungan?



Kanina pa kami dito sa labas ng ER.. kanina pa namin inaabangan ang paglabas ni Chesca para malaman namin ang lagay ni Emilie. Dahil siya ang Ob-Gyne nito siya na rin ang tumingin dito. Mahigit isang oras na ang nakakaraan simula ng ipasok siya doon at habang tumatagal ang oras palakas ng palakas ang kutob kong hindi na makakaligtas ang bat----------------------- halos sabay sabay kaming lumingon sa pagbubukas ng ER. Pero mas nauna akong nakalapit kay Chesca na nagsisimula ng magtanggal ng mask pero hindi ako naging handa sa mga luhang nagmamalisbis na sa kanyang magkabilang pisngi.. kasabay noon ang panginginig ng kanyang labi at mga kamay.. kahit niya sabihin alam ko na..



" I-Im.. I-Im s-sorry.. s-sorry .. h-hindi k---------- k-kuya.. h-hindi k-ko n-na n-nailigtas a-ang b-bab-------------------- humagulhol na siya ng iyak.. bago pa siya malapitan ng kanyang kapatid.. naipaloob ko na siya agad sa aking mga bisig.. Hinayaan kong umiyak siya sa aking dibdib.. kasabay ng dahan dahang pagluha ko rin.



thug..thug..thug...

thug..thug..thug...



Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na iyon.. right there in front of my eyes.. Luigi was punching the wall using his two fists while his tears pouring in his eyes. " damn!!! damn!! no!!! no!!! m-my b-babyyyyyy------------ sumisigaw na siya, puro dugo na rin ang kanyang dalawang kamay ng akmang susuntukin niya pa ulit ung pader.. mabilis na siyang napigilan ni Kuya Xander.. pumipiglas ito pero nanatiling matibay ang pagkakahawak ni Kuya sa kanya.



" S-Sorry L-Lean.. s-sorry k-kun----------

" Shhhh.. shhh.. alam kong ginawa mo ang lahat.. alam kong h-hindi mo sila pinabayaan pero talaga s-sigurong h-hindi p-para k-kay Emilie ang b-bata.. W-Wala kang d-dapat i-ihingi ng tawad sa akin C-Chesca.. w-wala.. S-so stop crying at wag mong sisihin ang sarili mo. " sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.. pulang pula na ang kanyang buong mukha, mugtong mugto na rin ang kanyang mga mata.. nanghihina ako.. naninikip ang aking dibdib pero sa ngayon kailangan kong maging matapang.. para kay Chesca at lalong lalo na para kay Emilie..



" I-its a b-baby b-boy L-Lean.. l-lalaki a-ang b-baby n-niya.. his tiny.. 2 days n-na lang.. 5 m-months n-na siya.. P-Papaano k-ko sasabihin kay E-Emilie ? I-I c-cant.. I cant.. h-hindi k-ko kaya.. b-baka.. baka matuluyan na siya L-Le--------------



" A-A baby boy, Chesca? Lalaki s-sana ang magiging a-anak namin? " punung puno ng sakit na tanong ni Luigi sa kanyang kapatid, tanging tango na lang ang naisagot ni Chesca doon. Mas lalong lumakas ang iyak niya at hinang hina pa itong napasandal sa pader. Naaawa ako sa kanya pero at the same time hindi ko pa rin maalis sa aking isipan yung galit at inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya kaya Emilie. Parehas kasi sila ni Kuya ng pamamaraan na ginamit sa mga babaeng minamahal nila at talagang hindi ko iyon maintindihan... kung papaano nila naatim na gawin iyon sa sinasabi nilang babaeng minamahal nila.. Dahil naniniwala ako.. kapag mahal mo ang isang tao kahit kailan hindi ka gagawa ng makakasakit sa kanya.. dahil lagi mong iisipin ang makakapagpaligaya sa kanya.. pero sila.. para silang mga demonyo.. mga wala silang puso..



" Let me talk to her. Ito lang pwede kong gawin para sa kanya. Let me handle the situation baka sakaling kapag ako ang kumausap at magsabi sa kanya ng balita ay k-----------



" Not in your lifetime Xander. Hindi ako makakap------------



" Kuya, tama naman si Xand--------



" No, Chesca!! Mas lalala ang sitwasyon kung siya ang unang mabubungaran ni Emilie. Kung siya ang magsasabi sa kanya ng mga nangyari. Magkakaroon ng pag asa at kapit si Emilie kay Xander kapag hinayaan nating masunod ang kagustuhan niya. " may halong determinasyon at galit na sabi nito sa aming lahat. Nilingon niya si Kuya at sinabing. " Kahit anong mangyari, kahit marinig mo pa siyang sumigaw at magmakaawa.. wag na wag mong siyang lalapitan kung ayaw mong masira ang pagsasama niyong mag asawa, ang iyong pamilya na binubuo mo pa lang. Obsess siya sayo, at mas lalo siyang kakapit at didikit sayo kapag nagpakita ka ng awa, ng pagkalinga at pag aaruga.. hayaan mong kami ang umayos nito.. si Chesca o si Lean but not you. "



" Pero Kuy-------



" That's enough Chesca. Tama ang kapatid mo. Tama siya, hindi si Kuya Xander ang kailangan ni Emilie ngayon.. tayo.. tayong dalawa. She doesn't need anyone but us. Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya.. ako.. ako ng ang bahala sa lahat. Tutal ganito naman lagi ang papel ko.. taga-salo.. taga-sambot at taga alalay. Sanay na ako. "



Hindi ako naging handa sa dalawang kamay na nagpahid sa aking magkabilang pisngi, ang aking mga luha ay pinahiran niya . Mainit iyon, malambot at nanginginig pa pero damang dama ko ang pagdamay at awa niya para sa akin. Damnshit!! I am really pathetic.. " Stop pitying yourself Lean. Hindi ka ganoon, sadyang hindi mo pa lang nakikita ang babaeng para sayo. Every women will be happy to have you. You just have to wait for the right person. " I gave her a tight smile pero kahit iyon hindi man lang umabot sa aking mga mata.





" N-No!!!! m-my babyyyyyyy!!! myyyy babyyyyy!! i-ibalik niyo sa akin ang anak ko!!! ibalikkk niyoooooo!!! b-buhayinnnn niyooo ang anakkkk kooooo!! L-Leaaaaannnnnnn------------



Lahat kami napatingin sa Emergency Room.. sarado ang pintuan doon pero dahil sa lakas ng sigaw niya.. dinig na dinig iyon sa labas.. mistula akong natuod at nabingi sa bilis ng mga pangayayari.. hindi ba at dapat wala pa siyang malay? dapat tumalab sa kanya yung pampatulog? Papaano siya nagising na parang walang nangyari..? heto siya at sumisigaw at hinahanap ako.. ako.. pangalan ko ang isinigaw niya..



" Leaaaaannnn!!! a-ang babyyyyy k-koooooo pl-pleaseeee.. ibalikkk niyooooo!!!! "

D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt