DECEPTION ENTRY # 13

12.6K 324 20
                                    





DECEPTION ENTRY # 13





Naimulat ko ng marahan na marahan ang aking mata dahil sa nakakakiliting halik sa aking buong mukha. Sinalubong ako ng ngiting ngiting si Dria na naka pantulog pa, may kaunti pa ngang panis na laway sa gilid ng kanyang labi. Napangiti akong lalo ng buong gigil niyang halikan ang aking kanang pisngi habang niyayakap ako ng mahigpit. " Magandang umaga, Mommy. " nagulat ako ng walang sabi sabing tanggalin niya ang kumot na nakatakip sa aking dibdib at marahan niyang dinampian ng halik ang aking puson. " Morning din sayo, baby brother. Palaki ka dyan ha. Ako nga pala ang ate mo. Call me Ate Dria. " she said innocently while staring at my tummy full of wonder and excitement. Kumikinang kinang pa ang kanyang mga mata habang paulit ulit niyang hinahaplos haplos ang aking tiyan.





" Ang sweet sweet naman ng baby ko. Come here give Mommy a hug, again. " I smiled and gently caressed her hair. Simula ng sabihin ko sa kanyang buntis ako at magkakaroon na siya ng kapatid mas lalo siyang naging malambing hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa baby brother niya na nasa tiyan ko pa. Kahit pa nga ilang beses ko ng sinabi sa kanya na maaaring baby girl or boy ang magiging kapatid niya, pero ang tanging sagot niya sa akin ay malakas daw ang kutob niyang lalaki ang baby na nasa tiyan ko. And what really makes me happy is she's very attentive in all my needs. Nandyan yung siya pa ang nagpapaalala sa aking ng vitamins na dapat kong inumin araw araw, madalas inaagawan niya ng papel si Manang Lourdes sa pagtitimpla ng gatas ko at isang linggo pa lang ang nakakaraan simula ng sabihin ko sa kanya na ako ay buntis. Isang linggo na ring hindi nagpapakita sa akin si X-Xander. Wala akong balita kung anu na ang nangyari sa ospital since the day he left me in my private room. Kahit si Lean wala akong balita, nangangapa ako dilim. Nakakaramdam na naman ako ng takot para sa amin ng aking mga anak. Would it be the end again? Oo nga at walang kasalanan ang aking asawa, biktima lang kami ng isang babaeng nagmahal lang ng sobra sa kanya pero maraming pwedeng mangyari at iyon ang ikinakatakot ko. What if maawa siya? magpadala siya sa awa niya sa babaeng iyon. Si Lean-----



" Mommy may sorpres------------------ narinig ko pang sabi ng aking anak pero halos matulala at mapanganga ako ng mapagsino ko ang lalaking dahan dahang naglalakad papalapit sa aking kama habang may buhat buhat itong tray na punung puno ng pagkain. I-Its X-Xander. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang itsura medyo pumayat ito sa aking paningin. His face have a five o'clock shadow pero imbis na maka turn off mas naging kaaya aya siya sa aking paningin.. idagdag mo pa ang mga matang iyon na mataman na nakatitig sa akin na punung puno ng pagmamahal kasama na doon ang paghingi ng tawad sa mga araw ng wala siya sa aking tabi o sa aming tabi ni Dria. God, seriously miss na miss ko siya..Nagsimulang manginig ang aking pang ibabang labi at huli na ng mapagtanto kong umiiyak na ako. Nakita ko kung papaano manlaki ang kanyang mga mata at halos magkatapon tapon ang laman ng tray na kanyang dala dala dahil sa pagmamadaling makalapit sa akin. Walang ingat na inilapag niya iyon basta sa end table na nasa kanang bahagi lamang ng aming kama. " Mommy why are yo-------



" H-Hey baby, a-nung problema?! anung masakit!? A-ahhh d-dadalhin n-na ba kita sa ospital?!" hindi magkandatuto tuto niyang tanong sa akin habang pinupunasan niya ang aking mga luha na hindi naman maubos ubos. Kung anong pangiginig ng aking labi siyang panginginig naman ng kanyang dalawang kamay, mas lalo tuloy akong napaiyak ng maramdaman ko kung gaano kami kalapit sa isat isa.. dammit!! its been one hell of a week without him. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili samantalang natiis ko nga ang ilang taon na wala siya sa aming tabi pero isang linggo lang siyang nawala para na akong namatayan sa sobrang lungkot na aking nararamdaman.



Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg at doon.. doon ko hinayaang lumabas ang lahat ng aking luha na naipon na yata sa loob ng isang linggo. Halos hindi na ako makahinga pero kung ito na ang huling beses na mayayakap ko siya dahil baka iwanan na naman niya kami ni Dria, nakahanda akong tiisin iyon.. basta ba maramdaman ko ang buong katawan niya na talaga namang hinahanap ko.. ang init ng kanyang balat, ang mainit niyang hininga na nakakakiliti sa tuwing tatama sa aking leeg, ang kanyang mga brasong nakapaikot na rin sa aking baywang habang nasa ibabaw kami ng aming kama. " W-Where the h-hell h-have y-you been? Your were gone for almost 1 week. Ni hindi mo man nagawang tumawag d-dito sa bahay, k-kahit t-text lang hindi mo magawa. D-Do you know how it feels to be left alone again.. k-kung anu anong pumapasok sa aking isipan.. kung babalik ka pa ba? kung ano na nangyari sayo, sa inyo ni Lean. Damn!! Xander b-buntis ako pero i-inuna m-mo pang ang i-ibang tao. Y-you left m-me a-alone a-again. A-are you having doubts? Are you leav------------- sunud sunud na lintaya ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang aking sarili, para bang lahat ng sama ng loob ko kailangan kong mailabas dahil kung hindi ko gagawin iyon para akong sasabog. I am angry, hurt and I miss him terribly.



" H-hey, hey baby calm down. Goddammit!! this is worst than I thought. Where the hell did you get that idea? that I am leaving you and Dria? I'm just fixing everything para wala ng gulo.. para maaayos na.. Tinulungan ko lang si Lean na itama ang dapat itama and i think I owe a lot to my brother at iyon lang ang tanging magagawa ko ang manatili sa kanyang tabi lalo na at kailangang kailangan niya ako ngayon. Im sorry.. Im really really sorry baby kung hindi ako nakatawag or nakatext man lang.. hindi dahil hindi ko kayo namimis.. kundi dahil hindi---hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo, kung papaano ko ipapaliwanag ang lahat lahat ng mga nangyari. But damn baby.. bawat segundo, oras at araw na nagdaan hindi ka nawala sa aking isipan, kayo ng mga anak natin.. " before I know it I was cupping his face using my two hands and clashed my lips to him.. I felt him stiffened but god.. that feels good.. It seems like it has been years since I tasted his lips.. so I grabbed his neck and kiss him passionately like there's no tomorrow. Naramdaman ko ang pagtugon niya ng buong pananabik.. sa bawat pagtatagpo ng aming mga dila at hininga kinikilabutan ang aking buong pagkatao.. yung puso ko parang tambol sa lakas ng pagkabog.. nahihilo ako sa sarap ng mga haplos ng kanyang kamay sa aking baywang.. only to be interrupted by a loud shriek on my side.. at dahil doon naitulak ko si Xander na halos nakadagan na pala sa akin. Bakit ko nga ba nakalimutan na kasama namin si Dria sa kwarto at nanonood sa aming dalawa.. nakakahiya!! yung mga pagmumura naming dalawa ni Xander at lalong lalo na yung landian namin .. nakita niya.. lahat lahat.



" Ewww..stop it!! Mom, Dad!! not while Im here. Thats disgusting.. your lovey lovey in front of me. " kahit alam kong pulang pula ang aking mukha hindi ko napigilang mapatawa ng bahagya dahil sa aking narinig.. lovey lovey? baka ang ibig niyang sabihin ay loving loving.. and where the hell did she heard that? " And Daddy your crashing my baby brother on Mommy's tummy. " nakatakip ang kanyang mga mata gamit ang kanyang dalawang kamay na para bang hiyang hiya siya sa nakita niyang eksena sa kanyang harapan. Kahit kailan talaga parang sampung taong gulang ng magsalita itong si Dria.. daig pa minsan ang tatay niyang may pagka isip bata.



" Im sorry ate, masyado lang akong namiss ng Mommy mo. Nakita mo naman siya pa mismo ang humalik sa akin hindi b------------ ohhhhhmppp.." siniko ko siya ng may kalakasan sa kanyang sikmura dahilan para mapaigik ito at hinawakan niya ang bahaging nasaktan. Ang loko lokong ito, pinapalabas pang sabik na sabik ako sa kanya samantalang mas matindi ang ginawa niyang pagtugon sa halik ko kanina, kulang na lang kainin niya yung buong bibig ko, eh. Ang akala ko wala ng mas kakaiba pa sa kanyang sasabihin pero nagkamali ulit ako ng marinig ko ang mga binitawang salita ng aking munting prinsesa.



" But I understand the both you, you were going to assemble my baby brother. I read it from a book.. the brain, the arms, the legs, the eyes, every part of his body. At ang sabi pa po ni Tito Leandro gabi daw dapat ginagawa iyon, so how co----------



Did I heard it right? she said assemble every part of the body.. my baby on my tummy? a-at g-gabi daw dapat iyon ginagawa!!! nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang mga sinabi niya.. Leandro patay ka talaga sa akin oras na magkita tayong dalawa!! kng anu anong itinuturo mo sa anak ko na pamangkin mo.!! At sa tingin ko kailangan ko ng itago ang encyclopedia na nasa sala dahil kung anu anong nababasa ng aking anak doon.. damn!! why does she have to be this smart.. " Yep, we will going to assemble your baby brother so you need to cooperate ate at isa pa matagal at mahirap iyong g------------



I cant believe he said that. " Xanderrr!!!! " galit na galit ko ng tawag sa kanyang pangalan. Pero ang hudyo tumawa lang ng malakas at hinapit ako sa baywang kasabay ng pagyakap niya rin kay Dria gamit ang kaliwa niyang braso. " Im just kidding Mommy. So dont be hard headed and moody. Is that part of your pregnancy? "

I was about to retaliate again when I heard what he said that literally made me shut up and tear up again. " I miss the both of you. Being away with 1 week was hell on my part.. But I promised babawi ako.. and this time.. wala ng makakahadlang pa sa ating dalawa, baby."



" You better Daddy because we missed you too, di ba Mommy? " hindi na ako nakasagot dahil mas minabuti ko na lang na ibaon ang aking mukha leeg ng Daddy niya at doon ko ulit pinakawalan ang aking mga luha. Pero masaya ako.. masayang masaya ako.. lahat ng takot ko nawala, lahat ng agam agam ko nabura.. ng dahil lang sa isang salita..



" I - I love you.. I love you X-Xander. " bulong ko sa kanya.



" I love you more, baby. Kayo ng mga anak ko. "



























D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now