DECEPTION ENTRY # 6

12.2K 308 69
                                    



DECEPTION ENTRY # 6



Marahan na marahan kong binuksan ang pintuan ng kanyang silid na kinalalagyan. Bawat hakbang na ginagawa ko pakiramdam ko sinasakal ako.. Ilang buwan ko na siya gustong makita, pero madalas niya akong pagtaguan.. Mahal na mahal ko siya pero iba ang mahal niya.. Ang saklap lang ng buhay.. ang sakit lang sa pakiramdam.. Ive been loving her since I was 18 years old, the moment Chesca brought her to our house and our eyes met.. alam kong siya na.. siya na ang babaeng pinakahihintay ko.. but destiny made a twist on our fate.. She fucking love someone else.. no.. mas matindi pa doon.. mas malakas na pwersa.. parang siyang baliw na habol ng habol sa lalaking iyon, ini-stalk niya iyon kahit sa magazine or newspaper sa internet.. ganoon siya ka obsess sa lalaking iyon..

Tinalunton ng aking mga paa ang kamang kanyang kinahihigaan, hindi ko maiwasang makaramdam ng saya dahil sa wakas nasa aking harapan na siya ulit.. napakaganda niya talaga, mula sa may pagkabrown na buhok na medyo alun alon, sa mga pilikmata niyang malalantik at mahahaba, sa may katangusan niyang ilong at sa kanyang mga labi na natural ang pagkapula.. sino ba namang lalaki ang hindi mabibighani sa kanya.. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng kamang kanyang kinahihigaan, hinawi ko ang pinong buhok na tumatabon sa kanyang noo at dahan dahan kong inilapit ang aking labi doon.. dinampian ko ng marahan at maingat na halik iyon.. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at pagsisisi.. dahil sa malaking kasalanan na ginawa ko sa kanya.. " E-Emilie.. my godd I-Im s-sorry.." puno ng pagsisisi kong bulong sa kanya. Huli ng aking maramdaman ang pagpapatakan ng aking mga luha na tumulo na pala sa kanyang mukha.. mabilis kong pinahid iyon.. only to see her eyes opened..

She blinked many times.. na para bang sinisigurado niya na ako ang nasa kanyang harapan. When she was fully recovered.. she screamed...

" Anong ginagawa mo ditong hayop ka!!! Ang kapal kapal ng pagmumukha mong magpakita pa sa akin matapos ang kawalang hiyaan na ginawa mo !!! Lumayas ka!!! Lumayas kaaaaaa!!! " I tried to reached her pero halos malaglag siya sa kamang kinahihigaan niya dahil sa ginagawa niyang pag iwas.. doon ko lang napansin ang panginginig ng kanyang buong katawan.. ang kanyang pag iyak.. umatras ako.. nagbigay ako ng distansya para kahit papaano mapanatag siyang hindi ko siya sasaktan..kahit pa nga halos saksakin niya ako sa dibdib dahil sa mga salitang binitawan niya.



" E-Emilie.. p-please h-hear me out first.. h-hayaan mo muna akong i-ipaliwan-------------- puno ng pagsusumamo kong pakiusap sa kanya.. pero-------

" S-Sinira mo ang lahat ng mga plano ko!! Sinira mo ang pagkakataon ko na mapasaakin siya ng lubos!! Alam mo!! Alam mong hayop ka na mahal na mahal ko siya!! Kinuha mo yung bagay na hindi naman sayo!! kinuha mo ang bagay na dapat ay magbubuklod sa aming dalawa!! Hayop ka!! hayop!!!" tulala akong nakatingin sa kanya.. mistula akong natuka ng ahas mula sa aking kinatatayuan.. kitang kita ko sa kanyang mga mata ng lubos na pagkasuklam, pandidiri at galit.. Ganoon nya ba talaga kamahal ang Xander na iyon.. at pati ang kahihiyan at kabutihang asal kinalimutan niya.. May asawa na yung tao.. may asawa na!! ano bang meron ang lalaking iyon at hindi niya mabitaw bitawan!! Ano!!!

" Emilie, mahal na mahal kita.. kaya ko nagawa ang bagay na iyon. My god, he was fucking married and your trying to seduce him!! Your going to give yourself to him kahit pa nga alam nating dalawa na iba ang nasa isip niya.. goddammit!! Hindi ka babaeng p*ta para gawin iyon!! Your going to rape him kung hindi ako dumating sa tamang oras malamang lamang.. iyon n-na nga ang ma-mang----------------



" Kaya hinalay mo ako ganoon ba!! ganoon ba!! Wala kang karapatan sa buhay ko, gagawin ko ang lahat ng gusto ko!! kung magpakap*ta man ako wala ka ng pakialam doon!! wala ka n-------------------------------



pak

Pikit matang ginawa ko iyon sa kanya.. sinampal ko siya sa aking pagkabigla.. Gusto kong maawa sa aking sarili dahil nagmumukha na akong tanga, gago.. sa letseng pagmamahal ko sa kanya.. pero kahit anong gawin ko.. siya pa rin.. siya pa rin ang mahal ko. " Y-your pregnant with my baby, Emilie!! That child on your womb is Mine!! Kaya wag mo ng ituloy ang mga binabalak mo!! wag na wag mong gagawin iyan sa akin dahil sinasabi ko sayo.. ibubuking kita.. "

" No!! this baby is not yours!! anak namin ito ni Xander!! anak namin!! anak namin.. ana---nami------------------- parang siyang baliw na hindi malaman ang gagawin, sinasabunutan niya ang kanyang sarili habang patuloy niyang sinasabi ang mga salitang iyon.. Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi niya.. dahil ako.. ako ang nakakuha sa pagkabirhen niya.. That night ng minsan na sundan ko sila na papunta sa condo unit ni Xander kung saan sila magcecelebrate dahil nga nakakalakad at naigagalaw ng maayos nito ang kanyang buong katawan ng walang alalay, alam kong may binabalak siyang hindi maganda.. at totoo nga ang aking naging hinala dahil ng oras na buksan niya ang pintuan ng condo ng kumatok ako .. doon nakita ko si Xander na halos hindi na makagulapay sa sofa.. lasing na lasing , tulog na tulog at bukas na ang mga butones ng kanyang long sleeve na suot suot.. idagdag mo pa ang nakita kong kahalay halay na suot ni Emilie ng gabing iyon.. litaw na litaw ang makikinis nitong hita sa suot nitong napakaiksing short at halos lumuwa na ang dibdib nito sa sobrang sikip at baba ng neckline ng suot nitong blusa.. hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ng oras na makita ko iyon kaya nagawa ko siyang halayin sa ibabaw ng kama ng lalaking iyon habang panay ang palag, paglaban at pagpiglas niya.. I had her first.. kaya ako ang ama ng ipinagbubuntis niya na pina aari niya sa iba..

" P-please.. p-pleasssseeeee Luigi.. p-parang a-awa mo na k-kung mahal mo ako.. p-pababayaan na k-kaming mag i-ina.. m-mahal na mahal ko siya.. mahal na mahal kaya siya lang ang kailangan kooooooo--------- m-mamamatay ako k-kapag h-hindi natuloy a-an---------------



" At papaano ang asawa niya, Emilie!! ang anak niya!! ang Leandro na iyon!! goddammit ng dahil sa kabaliwan mo at pagka obsess mo sa lalaking iyon madami ka ng sinirang buhay!! Ganyan ka ba talaga ka selfish!! ganyan ka kabaliw!! Buntis ang asawa niya Emilie, at muntikan ng makunan ng dahil sa mga kasinungalingan mo!!! Kailan ka titig--------------- halos manlaki ang ulo ko sa nakikita kong itsura niya.. nakangiti siya habang unti unti kong nakikitang pinipilit niyang wag tumawa... gayong walang nakakatawa sa sitwasyon na nangyayari ngayon at sa mga sinasabi ko..



baliw na ba siya?



" hahhahahahhahah.. w-wala akong pakialam sa babaeng iyon.. dahil akin si Xander!! Akin!! "







D  E  C  E  P  T  I  O  N (COMPLETED)Where stories live. Discover now