2 二

215 18 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


Kat


Isang linggo na ang nakalipas nang makilala ko ang L na sinasabi ni Xenia sa akin. Twice a week lang din kami magkita sa subject ko at sa tuwing magkikita o magkakasalubong kami ng landas ay nginingitian o kaya yumuyuko ito bilang pag galang niya sa akin.

Sa unang meeting namin ay natulog siya sa klase ko, sa pangalawa naman ay absent ito. Hindi ko alam at walang nakakaalam kung bakit siya wala, hinayaan ko lang. Meron pa naman siyang dalawang natitirang life para hindi ko siya idrop sa subject ko.

"Kat, ano sa'yo?" Tanong na aking co-professor na si Carla

"Beef kaldereta, isang rice lang." Maya maya pa ay dumating na si Carla bitbit na din ang order ko. Nandito kami sa University cafeteria, madalas din naman na dito ako kumakain dahil alam kong malinis at maayos ang mga pagkain dito.

"Sis, estudyante mo ba yun?" Nakita ko naman na ngumuso siya sa may bandang likuran ko, kaya tumingin ako dito.

Si Lucifer. Kasama ang kaibigan niyang si Macey.

"Sa isang subject lang, bakit?" Tanong ko pa dito sa kaharap ko.

"Maganda." Maikling sagot nito. Tumingin ulit ako sa gawi ni L. Totoo, hindi naman maipagkakaila na maganda ito. Mahaba ang buhok, maputi, matangos ang ilong at mamula mula ang labi. Nakasuot na naman ito ng itim na fitted turtleneck longsleeves, baggy jeans at sneakers. May bitbit din siyang denim jacket.

Mapapansin mo din kung paano ang postura niya pag nakaupo. Nakadiretso ang likod, ang mga paa ay nakalapat sa sahig. Halatang sanay ang kanyang katawan sa ganoong posisyon.

Seryoso naman silang nag uusap ng kanyang kaibigan na si Macey, mukhang meron na siyang nakakasundo dito, mabuti naman kung ganoon.

Every Tuesday and Friday ang klase ko sa kanila. Saktong tuesday ngayon at 1:00 pm ang klase ko sa kanila.

"Good afternoon, Class." Bati ko sakanila at nakatanggap din naman ako ng greetings pabalik. Isa isa kong tinawag ang pangalan ni for attendance.

"Nacpil, Nuñez, Natividad..." Lahat naman sila nag present "Natsume.." Walang sumagot, tulog na naman ba ang demonyong 'to? "Natsume?"

"Present po." Itinuloy ko lang ang pag kuha ng attendance at sinimulan ng mag discuss sa kanila.

"Brand equity refers to the value a company gains from its name recognition when compared to a generic equivalent, there are three basic components--" Naglakad ako patungo sa puwesto ni L dahil napansin kong may hawak hawak siya na lighter.

Alam ko namang sobrang init sa kaharian niya pero huwag niya naman sanang itulad ito sa mundong ibabaw. Hindi naman din siguro siya arsonist. Habang nag didiscuss ako ay isinenyas ko ang palad ko para ibigay niya yung hawak niyang lighter.

Napatingin pa siya sa akin pero wala siyang nagawa kung hindi isurrender ito. Nagpatuloy lang ako sa klase hanggang sa nakita ko na naman siya na mayroong hawak ulit na lighter. Ilang lighter ba ang dala nito? Nagtitinda ba siya ng lighter?

Katulad ng ginawa ko kanina ay wala ulit siyang nagawa. Natapos ang klase ko ng maayos, gusto kong kausapin si L tungkol dito sa lighter pero mabilis siyang nawala.

Wala akong sunod na klase kaya minabuti kong puntahan ang magaling kong kaibigan na si Xenia

"Lucifer? Seryoso?" Ayan agad ang bungad ko sa kanya.

"Ah, oo. Hindi ko rin alam kung bakit."

"Nakakumpiska ako ng dalawang lighter sa kanya ngayong araw. Ano ba namang bata 'yon, Xen? Atsaka paano mo ba naging kaibigan yun?"

Meet LucyOnde histórias criam vida. Descubra agora