23 二十三

133 11 0
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.




Kat


"Ready, Professor?"

Sinundo ako ni L ngayon sa bahay kasi pupunta kami ng Pangasinan. Tumawag siya sa akin at tinanong kung gusto ko daw ba siya samahan. Siyempre, wala ng tanong tanong pa at pumayag na kaagad ako.

Kinuha niya yung bitbit kong bag at ipinasok na sa sasakyan. "Ingat kayo." Paalam ni Andrea sa akin. "Bes, ano nga ba ulit status niyo?" Pabulong na tanong pa nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Wala, bes." I think situationship ang tawag sa ganito? Hindi ko rin sure, matanda na ako para intindihin pa ang tawag sa kung ano kami ngayon. Basta ngayon, alam ko na kahit papaano ay may chance ako sa kanya.

Hindi na rin ako magrereklamo kung ano ba itong ginagawa namin ngayon, pumayag naman kasi ako nung sinabi niyang kailangan niya ng time para ma process ang lahat, at saka alam ko rin naman kasi na nabigla siya sa pag amin ko, kaya ayos lang sa'kin yung ganito para makapag isip din siya.

"Bes, it's time." Bulong nito sa akin.

"Ha? Anong time?"

"Ipamalas mo ang talento mong mala viva max." Sagot nito at kumindat pa sa akin habang natatawa tawa. "Baka pag uwi mo, magkaroon na ng improvement yang status niyo."

"Gago ka talaga. Si Tonton h'wag mong kalimutan pakainin."





"Okay ka lang diyan, Professor?" Tanong ni L sa akin habang focus siya sa pagmamaneho.

"Oo, ayos lang."

"Daan lang muna tayo drive thru saglit ah, hindi pa kasi ako nag breakfast. I'm craving for sausage roll." Sabi niya sa akin. Sa totoo lang may ginawa akong sandwich kanina, siyempre girls scout tayo kaya kailangan handa sa mga ganitong situation. Eh kaso, ham and cheese sandwich lang yung ginawa ko kaya hindi ko na e-ooffer sa kanya kasi sausage roll naman yung cravings niya today.

"May gusto ka, Professor?" Tanong nito sa akin habang pinakikinggan yung cashier.

"Hashbrowns lang." At saka ikaw. Pwede ba kita e-take home?

"Drinks?"

"Hindi na, may dala akong water."

"And additional two hashbrowns. That's all, thanks." Kausap niya yung staff sa speaker.

Nakuha rin naman namin kaagad yung orders at bumalik na kaagad sa byahe. Kumakain itong si L ng order niyang sausage roll habang nagmamaneho, sabi ko naman sa kanya kanina puwede naman kami munang tumigil sa gilid-gilid para makakain siya ng maayos pero ang sabi niya, kaya niya naman daw kumain while driving. Hindi nalang ako nakipagtalo sa kanya at hinayaan siya.

Kinuha ko sa loob ng bag ko yung baon kong ham sandwich at nagsimula na rin kumain. Napansin ko naman na medyo sumusulyap sulyap itong katabi ko sa akin.

"What's that?" Tanong niya

"Ham sandwich, ginawa ko kanina." Ilang segundo lang ang lumipas ay bigla siyang nag hazard at ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Eh titigil ka rin naman pala." Sagot ko pa habang enjoy na kumakain ng tinapay. Hindi nagtagal ay bigla niyang hinablot sa akin yung kinakain ko.

Bastos na batang 'to! Kung hindi ko lang 'to gusto kanina ko pa siya binatukan. "Ano ba!" Pag rereklamo ko pero wala lang siyang narinig. Ibinigay niya sa akin yung sausage roll niya at siya naman ay kinagatan ang sandwich na kinakain ko.

"Ayaw ko na pala ng sausage rolls." Sabi pa nito habang puno ang bibig ng pagkain, "I like ham sandwich now."

"Stop talking, kumain ka nalang diyan." Sagot ko sa kanya. Tumango tango lang siyang parang bata at ipinagpatuloy ang pag kain. Inabutan ko siya ng tubig baka kasi mabilaukan bigla, mamaya imbes na sa Pangasinan ang punta namin, sa hospital pa kami dumiretso.

Meet LucyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang