16 十六

120 11 3
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



Kat



Ilang linggo ko ng hindi nakakausap si Lucifer. Hindi siya nagte-text, tumawag, nag chat or nag e-mail man lang simula noong araw na nagkasakit siya.

Pinadalhan ko pa rin naman siya ng food and meds noong time na nagkasakit siya, nag memessage siya na nakuha niya na yung pinadala ko, tapos after nun wala na, dinedma niya na ako.

Nag me-message pa rin ako sa kanya pero hindi niya na ako nirereplyan, naisip ko nalang din na baka busy na siya.

Hindi ko na siya nakikita o naabutan man lang sa cafe. Hindi ko rin siya gaano nakikita sa University, alam ko naman na abala din siya sa kanyang kendo and archery practice.

Nagkikita naman kami sa klase ko, as usual, madalas lang niya kausap ang katabi niya. Binabati niya naman ako kapag nagkakasalubong kami. Minsan magpapaalam na siya kaagad na mauuna na't uuwi, hindi niya na rin ako inihahatid kasi nga may sasakyan na akong gamit.

Madalas ko silang makita ni Ms. Lucero na magkasama, kung hindi si Ms. Lucero ang kasama niya, si Macey o kaya si Paulo. Mabuti na rin kung ganoon, kasi panatag ako na may mga kaibigan siyang nakakasama niya.

Sa nagdaang mga linggo, nahahalata ko naman na medyo umiiwas siya sa akin, medyo nagbago talaga ang pakikitungo niya at ramdam na ramdam ko iyon. Hindi ko nalang din masiyadong binigyan pansin, tutal mas okay na rin naman kung iiwas ito sa akin ng tuluyan, at least hindi ko na iisipin kung  ano ba itong kabog ng dibdib na nararamdaman ko kapag lumalapit at ngumingiti siya sa akin.

Para naman kasing imposible na may gusto ako sa kanya. Siguro crush lang talaga. Oo ganoon na nga.

Sabihin na na'tin na tinanggap ko na sa sarili ko na crush ko ang isang Lucifer Natsume. Pwede naman yun, 'di ba? Yung magkaroon ng girl crush.

Crush ko rin naman kasi si Yeji na member ng isang girl group, maganda kasi ang boses, magaling sumayaw tapos cutie din, kaya ayun, naging girl crush ko siya.

Pero si Lucifer? Paano nga ba?

Hindi siya kumakanta, hindi ko pa siya narinig kumanta sa panahon na magkakilala kami. Hindi ko rin naman siya nakitang sumasayaw.

Cutie ba siya? Pwede naman pero para sa akin mas maganda siya. Maganda talaga. Iba yung kagandahan niya.

Totoo din naman yung sinabi ko sa kanya na isa sa naging dahilan kung bakit ko siya naging crush kasi siya lang ang kilala kong demonyo pero mabait.

Mahusay siya sa ibang bagay, katulad nalang ng kendo at archery. Napanood ko ang ibang trainings at laban niya kaya masasabi ko talaga na bihasa siya sa mga ganyang sports. Magaling magmaneho, great drifter. Napanood ko rin kasi sila ni Xenia sa track.

She's confident. Alam niya kung paano niya dalhin ang kanyang sarili. Kapansin pansin din talaga kung paano siya makitungo at makipag usap sa ibang tao.

I also know that she came from a well-off family, but she never really showed it off. Masaya na nga siya sa pagkain ng tusok-tusok sa tabi-tabi. She's simple, humble, and down to earth.

She's a sensible person. Gustong gusto ko kapag nakapag uusap kami tungkol sa mga seryosong bagay. Kahit minsan ay mapang-asar siya, madalas pa rin akong tumatawa kapag kasama ko siya. She knows how to have a good time. She encouraged me to try new things that I was not used to.

and she's really caring.





"Hi, Professor! Miss me?" Napatingin ako ngayon kay Lucifer na nasa harapan ko na. Ang tagal ko siyang hindi nakita tapos susulpot siya ngayon sa harapan ko na may malaking ngiti sa labi.

Meet LucyWhere stories live. Discover now