Chapter 7.

47 47 1
                                    

Zhermiya POV.

Kasalukuyan akong nakaupo sa nakatumbang puno at tahimik na tinitingnan ang lugar.

"Okay ka lang ba Marga? Ano ba kasing nakita mo kanina at hanggang ngayon ay namumula ka?" Tanong ni Fiona kay Marga na mabilis namang tumingin sa mga lalaki at namula samantalang ganun rin ang naging reaksiyon nila.

"Hu~wag mo ng a~lamin, gusto ko ng kali~mutan ang na~kita ko." Hindi mapakaling tugon niya at umiwas ng tingin.

"Mabuti na lang sakto ang mga damit ko sainyo,"

"Mara~ming sal~amat po sa dam~it, kuya."

"Walang anuman, ako si Matteo. Puwede mo akong tawaging Kuya Matt, anong pangalan mo?" Tanong ni Matteo at tumungo ng bahagya sa tapat ng bata.

"Ako po si Joel Stone, labin tatlong taong gulang. Kaya ko po kontrolin ang mga buhangin sa paligid." Tugon niya at ngumiti.

Nahahabag ako sa batang ito sapagkat nakaranas siya ng pangmumulestiya sa mura niyang edad, tumingin ako sa ibang mga lalaki na tahimik lang sa isang tabi.

"Anong pangalan niyo? Ako si Zhermiya Queen, puwede niyo ako tawaging Miya." Pakilala ko at ngumiti sa kanila.

"Ako po si Benedict. Ito po ang kaibigan kong si Alvin." Pakilala ng binatang may dilaw na buhok at kayumangging mata sabay turo sa katabi niyang may asul na buhok at mata.

"Ako si Martin," pakilala ng lalaking may inosenteng mukha, itim na buhok at mga mata.

"Ako si Daniel," pakilala ng lalaking may kayumangging buhok, maputing kutis at berdeng mga mata.

Tumingin ako sa huling lalaki na hindi pa rin nagpapakilala samantalang tinaasan niya ako ng kilay at matalim na inirapan

"Ganiyan talaga ang ugali niya, siya si Kuya Ezekiel. Pinsan ko siya." Tumango ako kay Martin at ngumiti hanggang sa tumayo ako kung kayat nakuha ko ang atensiyon ng lahat.

"Our mission is complete, let's get out of here."

"Roger!" Tumayo na rin ang mga kasama ko kung kayat sabay sabay na kaming kumilos papuntang bayan.

"Mas madali kung maglalaho na lang tayo pabalik sa sasakyan niyo, Miya." Mungkahi ni Melanie na mabilis namang sinangayunan ni Matteo.

"Tama ang mahal ko, Queen. Mukhang pagod na si-aray!" Malakas na tinapakan ni Melanie ang paa ng lalaki at mabilis na umalis.

Tinawanan siya ng iba samantalang tinapik ko ang balikat niya bago lampasan.

"Mas mabuti kung maglalakad na lang tayo, baka sakaling may matagpuan pa tayong ibang mamamayan dito sa isla." Tugon ko na tinanguan nila Kuya Chris at Frost.

Nang makabalik kami sa sentro ng bayan ay nakita naming sobrang gulo sa lugar na ito, maraming sirasirang establisimento at nagkalat ang gamit, dugo, o patay na katawan sa buong lugar.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko samantalang nang tumingin ako sa direksiyon niya.

"Natatakot ka ba Joel?" Marahang tanong ko sa bata na mabilis namang tumango habang lumilikot ang mata niya sa buong lugar.

Orion Squad; Saviours of MiseryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora