Chapter 16.

42 48 0
                                    

Marise POV.

"Ah! I really hate her, masyado siyang mayabang. Akala niya ba ay susundin ko siya? Huh! Over my dead gorgeous bo~AY GWAPO!" Natigil ang pagbubunganga ko matapos makita ang pinakabatang miyembro ng Orion.

"My sister's not ordering you, she's asking you to do her a favor." Ngumiti siya matapos sabihin yon at mabilis na pumunta kung nasaan ako.

Nang makalapit siya ay mas ngumiti siya sa'kin at kumaway.

"Hello. You're Marise, right? I'm Jacob po, nice to meet you." Magiliw na pakilala niya habang kumakaway.

"I'm so confused, what the hell are she talking about?" Mataray na tanong ko sa bata.

Tumingin siya sa paligid at dahil sa pagtataka ay ganon rin ang ginawa ko, wala akong maramdaman na prisensiya o kung sino.

Masama kong tinignan ang bata nang hawakan niya ako sa kamay.

"Let's talk," mahinang tugon niya hanggang sa nanlaki ang mata ko nang may lumabas na dimension sa harapan naming dalawa.

"What are you plan~MAMA!" Sumigaw ako sa takot matapos niya akong hilahin papunta doon at nagtaka ako dahil sobrang lakas ng katawan niya.

Kadiliman.

Nilamon ako ng kadiliman matapos pumasok doon hanggang sa naramdaman kong muli niya akong hinila.

Wala akong nagawa kundi ang pikit matang sumama dahil hindi ko kayang magreklamo sa mga oras na ito.

Ilang sandali pa ay bigla na lang.

"MAMA!" Takot na palahaw ko nang mapagtantong bumabagsak kami mula sa langit.

"Wieh!" Masayang hagikhik naman ng batang kasama ko.

Hinanda ko ang buong katawan sa malakas na lagapak sa lupa subalit ganun na lang ang gulat ko matapos naming tumigil sa ere.

Unti unti kaming bumaba sa lupa pero hindi ko pa rin napigilang.

"Weh! Wack, oho weh!"

"Yucky! Your so ew, Ate Marise!" Hindi ko binigyang pansin ang maarteng boses ni Jacob dahil abala ako sa pagsuka.

Habang sumusuka ako ay patuloy pa rin umiikot ang diwa ko kung kayat mas lalo pa akong nahilo.

Nang maramdaman kong maayos na ako ay masama kong tinignan ang batang bakas sa itsura ang labis na pandidiri.

"What's your problem kid?! Why did you brought me here?! And why are you having that kind of ability?! I thou~,"

"Ops! Time out po, ate ganda. Isa isa lang," tumatawang pigil niya sa'kin.

Umirap ako at tinignan kung nasaan kami, maraming puno at.

"SNAKE!" Malakas na hiyaw ko at mabilis na tumakbo kay Jacob.

"I want to get out of here!" Nagsusumamong hiling ko sa bata na tinawanan naman ako.

"Relax, ate ganda. She's my friend,"

"FRIEND?! ANG DAMI MO PWEDE MAGING KAIBIGAN, BAKIT YAN PA!" Gulat na tanong ko sa bata at tinuro ang malaking anaconda.

"Bakit naman po hindi, ate ganda? Wala naman siyang pinagkaiba sa'tin eh, iba man ang itsura niya pero mas nagtitiwala ako sa kaniya kesa sa mga bagong miyebro namin ngayon." Naguluhan ako matapos marinig ang tugon ng bata.

Orion Squad; Saviours of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon