Chapter 25.

43 51 0
                                    

Marise POV.

"Is that you, Marise?"

"Dad," tinawid ko ang pagitan namin para yakapin siya.

Ganun rin ang ginawa niya at naramdaman ko ang higpit nito maging panginginig ng katawan niya.

"Now I knew everything, I'm so proud of you." Naramdam kong nabasa ang leeg ko ng mainit na luha ni ama.

Matapos ng apat na taon ay marami ako naging karansan at pinagdaanan kasama sila.

Tumawa, umiyak at nahirapan ako kasama sila pero wala akong pinagsisisihan.

Sa sobrang dami ng nangyari sa'kin ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"I'm also proud of you dad, maraming salamat dahil hindi ka katulad nila." Humiwalay siya sa yakap at sunod sunod akong hinalikan sa pisngi habang umiiyak.

Nang magsawa siyang gawin yon ay noo naman ang hinalikan niya, mahina akong tumawa habang ginagawa niya yon at yumapos bago lumambitin sa braso niya na madalas kong gawin noon.

Katulad ko ay tumawa rin siya hanggang sa sabay kaming pumuntang bulwagan, tahimik ang lugar nang pumasok kami dito dahil mabilis umuwi ang mga bisita matapos ang nangyari.

Marami ang nagmakaawa na pakawalan at huwag patayin ang mga magulang nila dahil inosente daw, pero kahit anong pagmamakaawa nila ay hindi kami pumayag dahil natukoy na namin kung sino sino ang mga bwitre sa loob at labas ng kaharian sa mga lumipas na taon.

"Marise!" Nakita naming papunta si Princess Camille kung nasaan kami ni ama.

Nagbigay galang kami sa kaniya samantalang ngumiti naman siya at kumapit sa'kin.

"I didn't expect that scenario is really happening inside the kingdoms after all this years," ngumiti ako at umiling matapos marinig ang sinabi niya.

"Me too, nung una ay hindi rin ako makapaniwala hanggang sa namatay si Master Matteo at sumali ako sa kanila."

"Your whole squad is a hero,"

"Thank you," masayang tugon ko samantalang inripan niya naman ako bago ngumuso.

"Totoo naman kasi,"

"Ate Marise!" Lahat kami ay tumingin sa unahan nang marinig ang magandang tinig ni Ariella.

Nakangiti siya habang kumakaway papunta sa'min samantalang habang pumupunta siya kung nasaan kami ay hindi ko mapigilan ang sariling ngumiti rin.

Ang ganda talaga ng babae ito, kung sa totoo lang ay mas lamang ang kagandahan niya kumpara sa'min nila Fiona at Marga pero mas maganda pa rin si Miya.

Nagbigay galang siya kay Princess Camille at nakangiting tumingin sa'kin.

"Tinatanong po ni Ate Miya kung sasama ka daw sa pagpapahirap sa mga traydor," ngumiwi ako matapos marinig ang masayang boses niya habang sinasabi yon.

"Madugong parusa ang balak gawin nila Commander Fujimoto at Miya, ayaw kong makita yon." Mahinahong tugon ko.

"Ang bilin pa nila ay kung hindi ka sasama, ikaw ang dadalo sa pagpupulong kasama ang mga hari at ilang opisyal ngayon."

Orion Squad; Saviours of MiseryWhere stories live. Discover now