Chapter 15.

43 47 0
                                    

Spencer POV.

Makalipas ang maraming araw ay tapos na rin ang mga dwelo sa pagitan ng mga nagsasanay sa'min.

Natalo sa laban ang mga kaibigan ko at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.

#flashback.

Malakas na suntok ang tumama sa tiyan ni Kaiden na naging dahilan para malakas siyang dumaing sa sakit.

Babangon na dapat siya pero marahas siyang sinakal ni Frost at muling sinikmuraan bago suntukin sa mukha na naging dahilan para mawalan siya ng malay.

Walang ingay ang namutawi sa buong lugar matapos naming mapanood ang laban nilang dalawa.

"The battle between Frost and Prince Kaiden is over! Next one will be Khalex Angelo Smith!" Anunsiyo ni Marga at pinakita sa lahat ang hawak niyang papel.

Tumingin ang lahat kay Angelo na hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayon dahil blangko ang mukha niya.

Nakita kong pinuntahan ni Katherine si Kaiden at pilit ginigising, tumayo ako at pumunta sa pwesto nila.

"I'll carry him." Mabilis siyang umalis sa pwesto niya para bigyan ako ng daan.

Dinaluhan at binuhat ko si Kaiden na puro pasa ang mukha bago tignan ang seryosong si Frost, nang maramdaman niyang tinitignan ko siya ay ngumisi siya sa'kin.

Kumuyom ang kamo ko sa inis na siya namang kinatawa niya, malakas na halakhak ang lumabas sa kaniya na naging dahilan upang tignan siya ng lahat.

"Ang gwapo niyang tumawa."

"Oh my gosh, I want to marry him."

"Kahit sa kaniya na lang at hindi sa mga prisepe, tutal mukha naman siyang hari at ako ang reyna. Hihihi,"

Umiling ako at pumunta sa direksiyon ni Chord na pagangpaga ang kaliwang mata at may mga pasa rin sa katawan.

Hiniga ko si Kaiden sa sahig at tinignan siya.

"They're strong. It's hard for me to admit it but they're really powerful than us." Seryosong komento niya habang nakatingin sa unahan.

Doon ko lang nalaman na nagsisimula na ang laban sa pagitan nila Angelo at Frost.

Umatake ng malakas na suntok si Angelo na tumama sa mukha ni Frost pero sa lakas ng suntok niya ay mukhang siya pa ang nasaktan.

Ngumisi si Frost at bumawi ng malakas na suntok sa parteng mukha ni Angelo, naiwasan niya ang atakeng yon pero hindi niya inaasahan ang sipa na tumama sa panga niya.

Tumumba si Angelo matapos niyang matanggap yon, akala ng lahat ay tapos na pero.

"Owkc!"

"Angelo/Ahh/Frost!" Hiyaw namin nila Marga matapos masaksihan na sinipa niya pa ng malakas ang walang malay na Angelo na tumalsik sa ibang direksiyon.

Mabilis namin siyang dinaluhan at tinignan ang tagiliran niya, napagtanto naming nangingitim ang bahaging yon dahil sa pamamaga.

"What have you done, Frost!" Sigaw ni Marga at mabilis pumunta sa direksiyon namin ng mga kaibigan ko, napatakip siya sa bibig nang makita ang kalagayan ni Angelo at tinignan ng masama ang kaibigan.

"Muntik mo na siyang mapatay!" Gigil na sermon niya sa lalaki na walang gana naman siyang tinignan.

"It's not my fault if I'm more powerful and stronger compared to him. Are you expecting that I'll let him win against me? Hell no! Gusto mo ba akong patayin ni Miya?" Tugon ni Frost at inirapan si Marga na tumingin naman sa ibang direksiyon.

Orion Squad; Saviours of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon