Chapter 18.

43 48 0
                                    

Marise POV.

Maaga akong gumising kesa sa nakasanayan, pumunta akong banyo at nagsipilyo.

Habang ginagawa ko yon ay bumalik sa isipan ko ang nangyari sa gubat, pumikit ako sa inis nang maalala siya.

Muling bumalik sa isipan ko ang lumuluhang mata ng bata habang nakatingin sa'kin, naiinis ako sa sarili dahil hindi man niya sabihin pero alam kong balak niya dapat humingi ng tulong sa'kin pero mas nakakahabag ang sitwasyon ko nang oras na yon.

'Kung naging mas malakas lang ako, hindi sana siya nakuha ng kalaban.'

Dumilat ako at doon lang napagtantong lumuluha na pala, mabilis kong tinapos ang ginagawa at naghilamos.

Lumabas ako sa banyo, nagpunas ng mukha gamit ang tuwalya at tinignan ang sarili sa salimin.

Jogging pants at black sando ang suot ko ngayon, naisipan kong tumakbo sa buong akademya tulad ng ginagawa namin araw araw.

Sinuot ko ang sapatos at jacket bago lumabas sa dorm, nang masarado ko ang pinto ay tinanaw ko ang labas mula sa bintana.

Nagteleport ako at pumunta sa gate bago simulan ang pagtakbo, madilim at walang kahit sino ang nasa labas dahil madaling araw pa lang.

Tumakbo ako palibot sa akademya at nang mapadaan sa tapat nang garden ay may anino akong napansin, dahan dahan akong pumunta doon at tinago ang prisensiya ko.

"Do your job properly,"

"I will my lord, pero kelan po ba natin sisimulan ang pananakop?" Naging interesado ako sa pinaguusapan nila kung kayat mas lalo pa akong nakinig ng mabuti.

"When the right time come, isa isa muna nating liligpitin ang mga Orion para hindi tayo mahirapan."

"What happened to the kid?"

"We're currently torturing him, we'll kill him right away when we collected some information."

"Poor, Jacob." Tumawa silang dalawa samantalang kahit gusto kong makita kung sino sila ay natatakot akong malamam nilang nakikinig ako.

Kung hindi ako nagkakamali ay babae at lalaki ang dalawang ito, kailangan malaman ng Orion ang tungkol dito.

Pero naalala ko ang sinabi ni Jacob, pumikit ako sa sobrang inis nang mapagtantong nasa gitna ako ng digmaan.

Wala ako dapat pagkatiwalaan.

Kung meron man ay sila Miya at Jacob yon.

"Today is our leveling examination, my lord. Do you want to watch?"

"I'm busy, goodbye."

"Goodbye my lord," nang maramdaman kong papunta siya sa direksiyon kung nasaan ako ay nagteleport ako sa taas ng puno.

Nakita kong lumabas sa garden ang hindi pamilyar na babae.

Kunot noo ko siyang tinignan dahil hindi talaga siya pamilyar sa'kin, kung tama ako ng hinala ay taga Earth Kingdom rin ang babaeng ito.

May maputi siyang balat, magandang mukha, maliit na ilong, mapulang labi, at katamtamang tangkad.

Meron rin siyang medyo itim na kayumangging buhok at kung tama ako ng pansin ay itim ang mata niya.

Pumunta siya sa likod ng puno hanggang sa nagulat ako nang lumabas siya doon bilang si Princess Sirene.

Shapeshifter.

Orion Squad; Saviours of MiseryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang