Chapter 2: She Knows

19 4 2
                                    

Chapter 2: She Knows

The once silent and peaceful Misty Forest had turned into a catastrophic battlefield. Mabilis na nabahiran ng dumi ang bawat puno't halaman dahil sa tilamsik ng berdeng dugo ng mga Burnas.

Burnas have long been mortal enemies of fairies. Hisficans, fairies who have expertise in the history of the realm, have recorded that Burnas are the first creatures who went to our world and planned to eliminate the race. Until now, they are dreadfully determined to succeed.

Fera, the creatures I encountered a while ago, are part of Burnas. Sa taon-taon nilang panunubok, lumalago na rin ang kanilang lahi. They are continuously evolving.  And every one of them lies in this forest. Tumatago at bigla na lamang lilitaw kung saan. Matagal na itong pinamamahayan ng mga nilalang na katulad nila at sa oras na nakakakita sila ng katulad ko, wala silang pinapalampas na oras at agad nilang pinapatay at kinukuha ang kapangyarihan nito. 

And that is by eating its flesh and sucking its blood—it's the primary key for them to be incredibly powerful, so that they can be stronger than us.

"Rose, yuko!" Luna shouted. Agad na yumuko si Rose at inasinta naman ni Luna ang Burna sa likod ng babae gamit ang kanyang bow and arrow. Her weapon emits a yellowish glow that illuminates each enemy. With Luna's ability, she can quickly kill countless Burnas in a minute.

Isang batalyon ng mga demonyo ang hinaharap namin ngayon. Yes, it was only an easy feat pero mukhang matatagalan kami rito dahil sa dami nila.

Walang tigil kaming lima hanggang sa hindi naglaon ay isinantabi na namin ang bawat weapon at pinailaw ang aming orb sa aming likuran. This would be easily done if we will now maximize our power, using only our bare hands.

Red. Yellow. Blue. Green. Black. Panandaliang nasilaw ang mga Burnas. Our eyes enchantingly lit up as well as our hands. And most importantly, our enormous wings gradually spread. 

Iba't iba ang disenyo ng aming mga pakpak. Kung ano rin ang kulay ng aming mga mata ay iyon din ang kulay nila. When the orbs started to shine brightly, we took it as a sign to freely fly in the air. 

This would be fun.

Lima kaming nasa ere na ngayon na halos kapantay na ang mga nagtatangkarang mga puno. 

"Let's get this done," Rose fiercely said. 

Nauna nang bumulusok paibaba si Rose, Cora at Luna. Napatakip ako ng mukha ng lumiwanag ang gubat dulot ng atake ni Luna. Ginamit nito ang kanyang eye laser at doon biglang naging abo ang mga Burna sa nakakapasong liwanag na nanggagaling sa kanyang dalawang mata. Sa malakas na atake naman ng tubig ni Cora ay nalunod ang ibang mga Burnas. She circularly motioned her hands in the air and water balls appeared. Nasaksihan ko kung paano kumuha ng hangin ang mga demonyo hanggang sa tuluyan silang malagutan ng hininga. Hindi rin naman nagpatalo si Rose. As she became one with the nature, she swiftly flew in different directions while green spiky vines sprouted out of the ground, which immediately strangled Burnas to death.

Handa na akong sumunod sa kanila ngunit bago pa man ako sumenyas sa ere ay narinig ko ang boses ni Claude. "You want a challenge, Bea? The one who obtains the greatest number of Burnas killed will fully command the team for a week." His eyes were blazing as if he would be ahead of me.

"Making a bet is no use, Claude. Don't get your hopes up dahil ako pa rin naman ang mananalo sa ating dalawa." I taunted before attacking the enemies from above.

Nagawa ko pang laruin ang aking paglipad hanggang sa umatake ang limang Burnas. I gestured my hands. Mabilis kong pinagkrus ang aking mga kamay hanggang sa matumba na lamang silang lima. All at once. 

Into the Misty AbyssWhere stories live. Discover now