Chapter 5: Heart Crush

22 4 0
                                    

Chapter 5: Heart Crush

Halos masunog ang matataas na mga punong malapit sa kinaroroonan ng balon dahil sa pagsabog na dulot ng kapangyarihan ni Claude. Hingal na hingal itong bumalik sa pwesto malapit sa akin.

"I guess you really can't, Bea." He welcomed me with those words which made my eyes roll in annoyance. 

"Lastly, Ms. Moore." Hindi na ako nakaimik pa dahil agad na akong tinawag ni Professor Gwendolyn. All eyes were directly on me as I went in front of the Fear Well. Wala akong kahit anong kabang naramdaman dahil lingid sa aking kaalaman na wala akong kinatatakutan.

I closed my eyes. Taimtim kong binaybay ang loob ng aking isipan upang galugarin kung ano man ang kinatatakutan ko kahit wala naman talaga. I was about to open my eyes when a scary growl instantly echoed in my ears.

"Shit."

Nagimbal ako nang isang nilalang ang lumitaw sa balon. Isang kahindik-hindik na halimaw na may itim na malalagong balahibo, malalaking kamay at kuko na sing-talas ng kutsilyo, may dalawang mahahabang sungay, may pulang pares na mga mata, at may napakahabang dila na halos umabot sa kanyang tiyan. 

I thought it was a Burna but it's different. Hindi pamilyar sa akin ang partikular na pangalan nito ngunit agad kong nahihinuha na kasama ito sa pamilya ng mga Burna. It was terribly horrendous that I almost forgot what to do.  Plus, I wasn't aware that this is my greatest fear!

I took a step back as nervousness gushed through my system. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumibilis ang pagkabog ng aking dibdib. Nanlalaki ang aking mga mata at balisa sa kung ano man ang gagawin nito. It seemed like the demon was controlling my heartbeat but it's impossible!

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Hindi pwedeng tumayo lamang ako rito at hayaan ang sariling mapahiya. I looked at those four specific fairies and they nodded. Perhaps, they're cheering me up. Natanaw ko ang mga mata ni Claude na puno sa kasabikan sa susunod kong gagawin.

Malalim akong napa-buntong hininga at pinakalma ang sarili. Nang maramdaman kong nasa tamang bugso na ang aking paghinga, dahan-dahan ko nang itinaas ang dalawang kong kamay at doon lumitaw ang isang malapad, malagkit, at kumukulong banig ng dugo. A slime made of blood.

Itinulak ko ang aking kamay pauna at kasabay noon ang paggapang ng pulang banig ng dugo patungo sa kinaroroonan ng demonyo. 

As the vast swath of blood finally uncovered the demon, I fiercely snapped my right hand. The swath of blood then detonated that made the demon vanish into thin air.

Lupaypay man ang aking mga balikat, agad akong bumalik sa aking pwesto. Tila maraming enerhiya ang nagamit ng aking orb.

"Bravo!" Professor Gwendolyn clapped as she went to the center of the class. Mariin siyang napatingin at mayuming napangiti. "That's a Chivas, Miss Moore. A fairy-eating demon, a type of Burna." 

Strange. I haven't encountered Chivas yet but the Fear Well says that this is what my heart fears. Is this some kind of joke?

"You have successfully conquered all of your fears, class. I hope that by doing so, it has nourished your magic more. Always bear in mind that we may have something to fear, but we also have the capacity within ourselves to obliterate those fears. This is because at the end of the day, fear isn't necessarily something to be felt, but something to be acknowledged and conquered. That's it for today's class. Dismissed."

Nandito na kaming apat sa cabin at kasalukuyang nagpapahinga. Hindi literal na pahinga sa kama kundi ang paggawa ng mga nais naming gawin. Ang lahat ay nasa sala at may kanya-kanyang mundo. I was currently reading a few books about the history of the realm, nang sa gayon ay mas malaman ko pa ang ilang mga entities na maaari naming makasalamuha balang araw. As usual, Claude was also reading a book. Unlike Claude, Dandie was fixing and cleaning her vanity table which contained all of her makeup. Cora was singing, I bet it has something to do with her ability. Luna was having a monologue, na para bang may kausap sa harap ng salamin. Hindi ko lang alam kung may kinalaman iyon sa kapangyarihan niya.

Into the Misty AbyssWhere stories live. Discover now