CHAPTER 16

286 16 1
                                    

Nagising nalang ako na andito na sa loob Ng kwarto namin ni jelai Kaya Naman agad akong umupo at tinignan Ang suot suot Kong damit pero napalitan na Ang mga ito, tumingin pa muna ako sa kawalan para makapag isip Ng maayos, panaginip lang Kaya yon?

"Oh anak gising kana pala"

Tumingin ako Kay dad na naka upo lang pala sa couch dito sa kwarto kasama nya si tita madel at parehas silang naka tingin sakin, tumabi si tita madel sakin at hinawan Ang dalawang kamay ko.

"Roni alam Kong naguguluhan ka sa nangyari pero Yung nakita mo kanina totoo yon alaga Sila Ng Mami ko"

Pag kasabi non ni tita madel at tumingin ako ng deretsyo sa mga Mata nya, kulay brown Ang mga ito at talagang makikita mong may sinasabi Ang mga Mata ni tita madel, namamasa ito at pabagsak na Ang mga luha

"Yung dalawang komodo na yon ay si asul at pula, si Mami Ang nag pangalan sakanilang dalawa, nakita Sila ni Mami sa gubat nung maliliit palang Sila, naawa sya Kaya kinupkop nya, una ayaw ni dad pero dahil Mahal nya si Mami pumayag din sya, napamahal Ng sobra Kay Mami Ang dalawang yon Kaya, si dad nangakonb Hindi nya ito papatayin pero.."

Yumuko si tita madel at tumulo sa kamay ko Ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan, Bakit Ganon? Bakit pati ako nasasaktan? Tumabi si dad Kay tita at hinagod hagod nya Ang likod nito, tumingin ako Kay dad at pilit na ngiti Ang ginanti nya sakin, siguro nalulungkot din si dad:(

"It's okay hon, alam Kong maiintindihan ni nanay iska Kung bakit ginawa ni tatay Karding yon"

Sabi ko dad na sinusubukang pagaanin Ang loob ni tita madel.

"I-i know hon, but I just don't get it, bakit nag desisyon agad si dad na patayin Ang mga yon Ng Hindi pinapaalam sakin, pwede nya namang ipahuli nalang Ang mga ito sa mga tagapag alaga talaga Ng mga ganong hayop, why does he need to kill them?We both know that it's the only one my mom left to guard our farm, si asul at si pula lang Ang may kayang mag bantay Ng farm na yon dahil alam nilang may ganong alaga kami sa farm Kaya walang sumusubok na mag nakaw don, pero ngayong Wala na Sila Wala Ng katatakutan Ang mga krimininal para Hindi nakawan Ang farm."

Pag katapos sabihin ni tita madel non ay naintindihan ko na Ang lahat, Kaya pala Ang sagana Ng farm nila dahil natatakot Ang mga masasamang loob napasukin yon dahil alam nilang may dalawang matinik na gwardya Ang nag babantay don, pero ngayong Wala na baka Hindi lang baka Ang mawala sakanila, nalungkot ako dahil sa nalaman Kong yon, niyakap ko si tita madel at yumakap na dinsi dad samin ni tita, Sana maging okay na si tita madel Kasi ayokong nakikita syang malungkot Hindi ako sanay, pag katapos Ng pag uusap na yon ay lumabas na Sila Ng kwarto namin ni jelai habang Ako Naman ay nakaupo parin sa kama ko at nag iisip.

"Roni Tara!"

Nawala ako sa pag iisip Ng marinig ko Ang boses na yon ni jelai na nasa pintuan haynaku Ang babaeng to parang walang nangyari ahh, tinaasan kopa muna sya Ng kilay at tinitigan, natawa lang sya at lumapit sakin sabay kuha Ng kamay ko at inugoy ugoy yon.

"San ba?"

Natatawang Sabi ko sakanya Jusko Ang babaeng to mapilit

"Don sa pang pang bonfire Tayo kasama natin Sila yuan, andon din Sila kristof Kaya halika na"

Pag pupumilit nya pa sakin, psh. Mamaya ka lang sakin jelai AHAHAHHA

"Oo na, Oo na sasama na"

"Yunnnn"

Binitawan nya na Yung kamay ko at nag suot nako Ng tsinelas at bumaba na kami Ng hagdan, pag labas namin Ng bahay at agad kaming pumunta sa pangpang Ng makalapit kami don ay nakita Kong mag katabi si borj at apple, Roni Ang puso mo wag mong hayaang umiyak nanaman Yan, relax ka lang okay, relax lang.

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now