CHAPTER 41

322 16 0
                                    

Jelai's Pov

Kakaalis lang namin sa canteen at papunta na kami Ngayon sa mall, katapat lang Kasi Ng school namin Yung mall Kaya nilakad nalang namin, kasabay Kong nag lalakad si missy at roni habang nasa likod Naman namin Yung boys.

Nararamdaman ko nanaman Ang panginginig Ng mga kamay ko, tatawid nanaman... Di ako marunong... Nakakainis Naman ohhh, nakita Ko Yung mga malalaking sasakyan na paparating Kaya mas Lalo akong natakot.

Pumikit ako at huminga Ng malalim, Kaya mo to jelai kasama mo Naman Sila Roni ehh, pero pag mulat ko nakatawid na si Roni at missy.

"Jelai!!!"

sigaw sa kabilang side ni missy at Roni, nag tataka namang tumingin sakin Yung apat

"Jelai? Nanginginig ka Teka takot ka parin ba tumawid?"

Tanong ni yuan sakin, tumango lang ako sakanya tsaka ako yumuko, nakakahiya HUHUHU, nagulat ako Ng may humawak Ng kamay ko at Ng tignan ko Kung sino ay si junjun pala, nakangiti sya sakin at nang aasar namang nakatingin samin Yung tatlo

"Tara na nga boys baka langgamin pa Tayo sa ka sweetan Ng dalawang to ehh"

Sabi ni tonsi sabay hatak sa dalawa pinag masdan lang Namin silang tatlo na tumawid bago ko ibaling Ang tingin Kay junjun, naku po wag Kang tumingin Ng Ganyan, kinikilig ako waaaaa

"Ano Tara na?"

Nakangiti nyang tanong sakin tumingin pa muna ako sa mga sasakyan dumadaan pero hinila nya ko agad sa may pedestrian nag tataka Naman akong tumingin sakanya

"Pag takot Kang tumawid, dito ka tumawid Kasi kusang titigil Yung mga sasakyan para lang makatawid ka"

Paliwanag nya sakin, humigpit Ang hawak nya sa kamay ko at nag simula na kaming tumawid, totoo nga Ang sinabi nya dahil humihinto talaga Yung mga sasakyan nauuna syang nag lalakad sakin habang nahuhuli Naman ako pero mag kahawak Yung kamay naming dalawa, Ang swerte ko dahil ako ng napili mong ligawan junjun ng makarating kami sa mga kaibigan namin nakatingin Sila agad sa kamay naming mag kahawak Kaya tinanggal namin agad yon

"Kayo na noe?"

Nang aasar na tanong ni Roni samin, agad Naman kaming tumangging dalawa ni junjun

"Ang tagal nya nga akong sagutin ehh"

Nakangiting Sabi ni junjun Kaya pakiramdam ko namumula na talaga Yung Mukha ko sa sobrang kilig, jelai wag pahalata.

"Kainggit talaga kayo"

Kunwaring nag tatampong Sabi ni missy

"Ligawan Mona Kasi ako para dika mainggit"

Sabi ni yuan agad sumama Ang tingin ni missy Kay yuan

"Kapal mo, mas gugustuhin ko pang ligawan si Niel Armstrong Kaysa sayo"

"Masasagot kaba non? Eh nasa buwan sya"

Sabi ni yuan Kaya tumawa kaming lahat, inis namang tumingin samin si missy

"I hate you!!".

Sigaw nya sa mismong Mukha ni yuan tsaka nag walk out.

"Missy!!"

Tawag ni Roni sakanya, hinila ako ni Roni at hinabol namin si missy, si yuan talaga oh.

Yuan's Pov

"ikaw Kasi pare ehh"

Natatawang Sabi sakin ni junjun habang pinag mamasdan namin Yung tatlo na papalayo.

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now