CHAPTER 24

294 13 2
                                    

Yuan's Pov

Nakatanga lang akong naka tingin sa papalayong Roni, jelai at sa kakapasok lang sa bahay na si carol, shet ano ba yon? Bat ganto nararamdaman ko, Ang bilis Ng tibok Ng puso ko at pag malapit sya sakin parang may something sa loob ng tiyan ko nakikiliti parang Ganon.

"Yuan! Hoi!!"

Yugyug sakin ni borj

"Wala na to guys, Inlove na Ang bestfriend natin

Malakas na sa Sabi sakin ni tonsi

"Ahh inlove, inlove, Inlove!!"

Turo sakin ni borj habang tumatalon talon pa

"A-anong inlove, di ako inlove"

Sigaw ko sakanila

"Uyy in denial!"

Pang aasar ni jun sakin habang sinusundot sundot Ang tagiliran ko

"Ano ba?!'

Suway ko sakanya, pero patuloy parin nila akong inasar

"Ayaw nyo talaga akong tigilan ahh, halikayo dito"

Sinugod ko silang tatlo at nag sipag takbuhan Sila, nag habulan kaming apat, dumeretsyo Sila sa tubig Kaya sinundan ko Sila don, nag hagisan pa kami Ng tubig, hanep tatlo laban sa Isa, lugi ako ahh, alam Kona, pumailalim ako sa tubig para dinila ako Makita at Ng mapansing tumigil Sila sa pag hagis sakin Ng tubig at mabilis akong umahon at dinamba silang tatlo dahilan para matumba kaming apat at rumagasa sa Mukha namin Ang alon, umahon kami Ng hinahabol Ang hininga tsaka umupo sa buhanginan Yung saktong maabot parin Ng tubig Yung mga paa namin.

"Sakit sa ilong"

Sabi ni jun habang pinipiga Ang ilong nya, si borj Naman nag hawi Ng buhok habang si tonsi Naman nakatingala at nakatingin sa langit.

"Malapit na pala tayong umuwi"

Mahina ngunit ramdam Ang malungkot na emosyon na Sabi ni tonsi

"Oo Kaya kung ako sayo yuan umamin kana Kay carol"

Tumingin ako Kay borj at sa palagay ko Hindi na normal tong nararamdaman ko sakanya

"Pano ako aamin pare Kung hindi kopa sure Kung love nga o pag kainis lang tong nararamdaman ko sakanya"

"Isa lang Yan pare, dyan palang sa nalilito ka malalaman Mona agad eh"

Sabi ni borj, kunot noo ko Naman syang tinignan, diko gets, huminga sya Ng malalim at tumingin sakin

"Kung sa tingin mong may something sa loob Ng tiyan mo, Yung parang kinikiliti Yung balun balunan mo pag nakikita mo sya, believe me don palang may kakaiba na, tapos Yung gustong gusto mo syang nakikitang naasar, don palang natutuwa kana, ibig sabihin napapasaya ka nya sa tuwing inaasar mo sya, gustong gusto mong Makita Yung mga ibat Ibang ekspresyon sa Mukha nya, Yung mga ngiti nya, Yung masungit nyang Mukha, Yung mismong kabuuan nya, at higit sa lahat, Hindi mabubuo Ang araw mo pag Hindi mo sya nakikita"

Paliwanag sakin ni borj habang nakangiting nakatingin sa kawalan

"Teka! Teka pare! Parang Hindi na tungkol sa nararamdaman ko yan ahh, tungkol na yata Yan sa nararamdaman mo sa kapatid ko?"

Nag salubong Ang kilay nya Ng marinig nya Ang mga yon at nag aalangang tumingin sakin

"Di pare ano Kasi, Yun, Yun, Kasi pare,   pinapaliwanag ko lang Yung nararamdaman ko pag utol mo kausap ko, baka sakaling Ganon din Yung sayo, Kasi kung Ganon nga I love ka pare, Yun Kasi yon"

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now