CHAPTER 44

651 17 14
                                    

AFTER 1 WEEK (STARTS OF CLASSES)

Roni's Pov

"KUYA!!! ANG TAGAL MO DADATING NA YUNG SCHOOL BUS NATIN!!"

sigaw ko Kay kuya Mula sa baba, nakita ko namang pababa na sya at tumitig ako Kay kuya dahil nangingitim Yung baba Ng Mata nya, anyare dito? Bakit napuyat?

Nilagpasan lang ako ni kuya tsaka dumiretsyo sa labas, nakapamewang ko syang sinundan Ng tingin, dipa nag bre-breakfast yon ehh, agad akong kumuha Ng Tupperware at nilagay don Yung ham and cheese sandwich ni kuya tsaka nilagay sa paper bag at mabilis hinalikan sa pisnge si Mami at Dadi na nag hahanda na din pumunta sa resto.

"Take care huh!"

sigaw pa ni Mami kumaway lang ako sakanila at dumiretsyo na sa labas, tulala parin si kuya.

"Roni!!"

Lumingon ako sa pinanggalingan non at nakita ko si jelai at missy na papalapit samin ni kuya.

"Goodmorning yuan!!"

Masayang bati ni missy sakanya, ngumiti Naman si kuya sakanya at mabilis nag iwas Ng tingin, parang may Mali, bakit parang may nangyari sa dalawang to na diko alam?

"Uyy bati na Sila"

Si jelai na may nangaasar na tingin Kay kuya at missy.

"Goodmorning Roni!"

Si borj na kakadating lang din kasama nya si junjun, si tonsi Kasi may sariling driver Kaya di sya sumasabay samin.

"Goodmorning borj!"

Bati ko sakanya pabalik, dumating na Yung school bus at sumakay na kami mag kakatabi kaming girls habang Yung tatlo Naman nasa unahan namin.

"Pare okay ka lang ba?"

rinig Kong tanong ni junjun Kay kuya.

"Roni bakit mo Naman ako binabaan Ng telepono nung nakaraang gabi? Galit kaba?"

Sabi sakin ni missy, binabaan koba sya? Wala akong maalala na nag usap kami sa telepono last week.

"O baka Hindi mo nagustuhan Yung pag Amin ko sayo!"

Naka pout na Sabi nya, umamin sya sakin? Bakit Hindi ko alam?

"Pag Amin? Anong inamin mo Kay Roni huh?"

Sinisiko siko syang tanong ni jelai

"Nakalimutan Mona Roni, Diba sinabi ko sayong parang nag kakagu...."

"BORG!!!!!!"

Malakas na sigaw ni kuya Kaya pati Yung driver Ng school bus napahinto, nakatingin kami lahat Kay kuya at napasapo lang sya sa noo nya, umandar na ulit Yung bus at tumingin ulit ako Kay missy

"Missy ano nga ulit yon?"

Tanong ko sakanya dahil dinya natuloy Yung sasabihin nya Ng isigaw ni kuya Yung pangalan ni borj, bakit?

"Pare bakit kaba sumisigaw? Sure ka bang okay ka lang talaga?"

Tanong ni borj sakanya, tumango lang si kuya tsaka nag punas Ng pawis sa noo, anong nangyayari Kay kuya?

"Na may gusto ako sa...."

"Andito na Tayo!!"

Malakas na pag kasabi ni kuya tsaka sya nag madaling lumabas, tumingin ako sa paligid at nandito na nga kami, bumaba na kami at pumasok na sa gate Ng school, dumiretsyo na kaming tatlo sa rooms namin, katapat lang Kasi Ng room namin Yung room nila kuya, Kaya pag lalabas palang Ng pinto mag kikita Kita na kami agad.

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now