CHAPTER 34

305 15 1
                                    

Roni's Pov

Pansin kong tahimik si kuya na nakaupo sa tabi ko Kaya Hindi ko maiwasang Hindi mag alala

"Ahmm kuya okay kalang ba?"

Tanong ko sakanya, tumango lang sya pero Yung isip nya lumilipad, Ang TaaS Naman nyan baka dika na makababa kuya ahh

"Sure ka?"

Tanong ko nanaman sakanya, tango lang ulit ang na tanggap ko Kaya hinayaan ko nalang, nilingon ko Naman si borj na katabi ko sa kabilang side at iritang inaalis Yung kamay Ng Trish na yon na naka sukbit sa braso nya

"Ano ba?"

Pilit nya paring inaalis pero nag mamatigas talaga si Trish, kalma ka lang roni Kaya ni borj Yan

"Trisha ano ba, Ang Dami daming tao dito tapos Kung maka lingkis ka sakin wagas"

Inis na talagang Sabi nya tumigil saglit si Trish at naka pout na naka tingin sakanya na parang iiyak pa, pero si borj inis talagang nakatingin sakanya

"Why your like that ba? Siguro you have another girl na noe? Benjamin? Do you love someone else?"

Maarte nyang pag mamaktol Kay borj, oo Meron na at Ako yon, bwiset na to

"Oo at Wala kapa sa kalingkingan nya, tsaka Isa pa Wala ka talagang panama don dahil sya Ang first love at greatest love ko"

Parang tumigil Ang Mundo at tanging si borj lang Ang nakikita ko, ohmygod!! ohmygod!!! Totoo ba yon? First and greatest love nyako? Waaaaaaaaaa kinikilig ako, Roni kalma, kumalma ka ipakita mong dika kinikilig at na bwibwiset kaparin  sakanya ngayon

"Who's that girl?"

"Si Roni!"

Sabi nya mismo sa Mukha ni Trish Kaya di lang ako Ang nagulat pati narin mga kasama namin dito sa table

"That girl?"

Sarkastikong Sabi nya habang naka turo sakin, aba iniinsulto yata ako Ng babaeng to ahh, pasalamat ka nakakapag pigil pako dahil Kung Hindi, lilipad talaga sayo tong kamao ko at pasalamat ka ulit dahil birthday Ng Mami ko Ngayon.

"Hoi mistisang mukhang keso, wag mo nganga tinuturo turo Ang sister ko"

Si jelai na tinabig Yung kamay ni Trish na nakaturo sakin

"At sino ka Naman?"

Si MJ na masamang nakatingin Kay jelai ngayon

"Ang kapal mo din at tumabi kapa talaga sa boyfriend ko, Justin come here, sit next to me"

Maarteng Sabi nya Kay Justin na agad namang binigyan sya Ng masamang tingin

"MJ pwede ba? Hindi Kita girlfriend, tsaka Hindi kaba nahihiya? Kayo?"

Turo nya Kay Trish

"Birthday party to Hindi to wrestling match Kaya kung mang gugulo kayo.."

"Marga!!"

Naputol Yung sasabihin ni junjun ng banggitin ni kuya yon Kaya bumilis bigla Ang tibok Ng puso ko

"Palayasin mo na yang mga Yan dahil nakakahiya lang Kay mami"

"Pero yuan?"

Apila pa ni marga sakanya

"Nasabi Kona, Kung gusto mo sumama ka sakanila"

Walang emosyon at prangkang sagot ni kuya sakanya, inis namang kinuha ni marga Yung bag nya at inaya Yung tatlo, sinamaan lang ako Ng tingin ni Trish, inirapan ko Naman Sya agad, deserve nga garapata, tse!!

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now