CHAPTER 21

338 12 3
                                    

Jelai's Pov

Nakatingin lang kaming lahat Kay Roni na Ngayon ay tulog na pag pasok ko Kasi kanina dito sa kwarto ay umiiyak syang kausap Ng doctor, hay Sana maging okay kana Roni

Umalis na din pala Yung doctor pagtapos nyang lagyan Ng ace wrap Yung balakang ni Roni nag bigay lang sya Ng dagdag reseta Kay tita madel at sinabi na may intramuscular Bruise daw si Roni napasaktan Yung muscle nya sa balakang Kaya Ganon kalala Yung naging epekto nito.

"Ahm alam Kong nag aalala kayo Kay Roni guys, pero hayaan na muna natin syang makapag pahinga, okay lang ba?"

Pakiusap samin ni tita madel, tinignan kopa muna si Roni bago lumabas, nag punta kami lahat sa living room Ng bahay at pare parehas walang imik.

"Ahmm tita, tito una napo kami ni Bryan,babalik nalang po kami mamaya"

Pag kasabi ni Kristof non ay nag Mano pa muna Sila Kay Lolo Karding na kakadating lang bago tuluyang umalis

"Madel mag usap Tayo"

May pag ka strikto na Sabi ni Lolo Kaya agad sumunod si tita sakanya, namayani ulit Ang katahimikan saming lahat.

"J-jelai"

Nauutal na tawag sakin ni yuan nilingon ko naman agad

"Alam Kong galit Karin sakin dahil sa kagabi, Kaya s-sorry talaga"

Tinitigan kopa muna sya bago bumuntong hininga

"Kay Roni ka dapat mag sorry Hindi sakin dahil sakanya kayo may kasalanan"

Seryosong Sabi ko

"Jinudge nyo Kasi agad Ang bestfriend ko,dinyo inisip yon Diba? eh ano kung mas kilala nyo si apple kaylangan nyo bang ipamukha sakanya yon?"

Medyo tumataas na Yung boses ko

"Lalo kana yuan"

Tsaka ko Sya tinignan Ng masama, napayuko sya at di makatingin Ng deretsyo sakin, ganon din Sila borj, jun at tonsi pati narin si tito Charlie

"Kapatid mo paman din sya pero pinamukha mo sakanya na dimo sya kilala"

Naluluha Ng Sabi ko habang nakatayo sa harapan nilang Lima

"At Ikaw borj"

Baling ko Kay borj na napakamot nalang sa batok nya

"Akala moba kinatuwa ko Yung mga sinabi mo Kay Roni kagabi?"

Pumatak Ang luha sa mga Mata ko

"Akala koba mahal mo sya? Akala ko ba gusto mo sya? Pero bakit Ganon Ganon na lang Kung bitawan mo Yung nga salitang yon sakanya kagabi"

Garalgal na Sabi ko sakanya habang salo salo ko Yung noo ko dahil

"At kayong dalawa, nag desisyon kayo agad dahil kaibigan nyo si yuan"

Sigaw ko sa mismong Mukha nila, galit ako ngayon sakanila dahil Hindi ko ma gets Kong bakit Ganon na lang kadali para sakanilang saktan si Roni, bumaling ako Kay tito Charlie na nakatingin Ngayon sakin, bahala na Basta mailabas ko lang tong sama Ng loob ko sakanila

"Go ahead ija, tatanggapin ko Kung anong gusto mong sabihin sakin"

Mahinahon na Sabi niya, huminga ako ng malalim at nag punas Ng luha

"Tito, bakit Ganon? Anak nyo din po si Roni Diba!? Pero bakit di nyo inalam sakanya Yung totoong nangyari, bakit naniwala kayo agad sa apple na yon?"

Turo ko sa pinag takbuhan ni apple kanina, Ang bigat bigat Ng pakiramdam ko Ngayon diko alam Kung Pano naging madali para sakanila na husgahan si Roni, tapos ngayong nag kaganyan sya tsaka nila malalaman na Mali Sila

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now