Chapter 02

155 25 13
                                    


"SKY..."

Napaayos si Sky ng upo sa gilid ng kama niya ng sumilip mula sa labas ng pinto ang kuya Skyde niya. Pumasok naman ito at tumabi ng upo sa kanya.

"B-Bakit k-kuya?"

Kinakabahan na naman siya. Kapag ganito lagi ka-seryoso ang kuya niya, tiyak na may nalaman na naman itong hindi maganda about sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Sky habang hinihintay na magsalita ulit ito.

Baka nakarating na dito ang nangyari kanina sa first class niya.

"Ate Daisy talked to me. Hindi ka raw kumain ng lunch kanina" seryosong sabi nito sa kanya. Akala pa naman niya kung ano na.

Nag-angat naman siya ng tingin at dahan-dahang tumango. "Busog pa nam-"

"Really? Isang pirasong pizza roll lang ang kinain mo tapos sasabihin mong busog ka? You didn't eat your breakfast also kaninang umaga. Tapos tumakas ka pa at nag-commute na naman papasok sa Vista Alegre" nagtitimping sumbat nito.

Agad siyang napaiwas ng tingin sabay kagat ng ibabang labi niya. Here we go again...

"I know isusumbong mo na naman ako kay mom-"

"I will never do that"

"O di kaya kay dad-"

"Stop. Why would I do that?" he hissed.

Nagtaka naman siya. "Huh? I thought -"

Napailing naman ito at bumuntong hininga ng malalim. "Do you really think na isinusumbong ka namin everytime na napapagalitan ka ni mom?" Napayuko siya ng mabakasan ng hinanakit ang boses nito.

Iyon naman talaga ang naiisip niya everytime na pinapagalitan siya ng mom o di kaya ng dad nila. Ang mga ito lang naman ang laging nakakaalam sa mga pinanggagawa niya.

"No, Sky. At kahit isumbong ka pa namin, mom will always had her way para malaman ang lahat ng galaw natin sa loob ng school. You know her. She will do everything just to control our life..." paliwanag pa nito.

Our life? Bakit pakiramdam niya, buhay lang naman niya ang kino-kontrol ng mga ito?

She sighed again. "Sorry, kuya. Hindi na mauulit..."

"You should be-"

"Pero ayaw ko pa ring sumabay sa inyo papuntang Vista Alegre. Mas prefer kong mag-commute ng bus o di kaya tricycle..."

Napatingin naman sa kanya ang kuya Skyde niya. "Seriously? Mas gusto mong gumastos kaysa sumabay sa amin?" nagtatakang tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Yes. At isa pa, ano bang masama sa pag-commute?" tanong niya pa.

"It's very dangerous -"

"Danger is always present, kuya Skyde. Kailangan mo lang naman ay mag-ingat. Isa pa, I want to experience everything in my life, kuya. I want to live in a normal way just like what other people did..."

"I want to go to a place na walang ibang kasama kundi sarili ko lang. I want to learn anything in my very own way. Hindi ako kailan man magg-grow up if I choose to live and stay in my own comfort zone..."

Tinapunan niya ito ng isang seryosong tingin. "I want to know and define life in my own perspective, kuya Skyde..."

Tiningnan rin siya nito pabalik. "Paano kapag nalaman ni dad ang lahat ng pinanggagawa mo?" pananakot pa nito.

Tama ang kuya Skyde niya, nakakatakot naman talaga ang dad nila. All this time, sinunod niya naman ang mga ito. Kahit ilang beses na siyang napagsalitaan ng kung anu-ano, she still trying to obey them. Kahit ilang ulit pa siyang masaktan, ayos lang sa kanya iyon. Hindi na umaasa pa si Sky na magbabago ang trato ng mga ito sa kanya.

Gazing the Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now