Chapter 14

85 16 1
                                    

AGAD silang nagtungo sa cafeteria ng university after ng class nila sa Building Technology. Bigla kasing nakaramdam ng uhaw si Sky pagkatapos ng presentation nila kanina. She's very thankful dahil hindi siya nautal kanina habang nagre-report. Hindi naman kasi siya sanay sa gano'n. Kung hindi lang grades niya ang nakasalalay sa reporting nila, never siyang tatayo sa unahan para lamang mag-discuss sa harapan ng buong class kanina.

“Malapit na ang sport feast, langit. Anong sport ang sasalihan mo?” Ruin said to her.

Sport feast?

Hindi naman maiwasang ilibot ni Sky ang tingin sa loob ng cafeteria. She's right. Marami kasing naka-post na flyers sa bawat sulok ng cafeteria. And about sa nalalapit na sport feast ang nakalagay sa mga flyers na iyon.

She sighed. Wala naman siyang ibang alam na sport maliban sa badminton at volleyball. Hindi rin alam ni Sky kung marunong pa siyang maglaro ng volleyball. Sa pagkakatanda niya, junior high pa ang last na laro niya. It almost 4 years since she last played that sport.

“Hello? Earth to Sky Demeter! Lutang na naman ang beshy ko, hays...” naiiling na kumagat ito sa burger na binili nito kanina.

“Huh? S-Sorry...”

Napayuko naman si Sky at tumitig na lamang sa pizza roll na kinakain niya.

“Wala naman akong alam na sport, Rui. Ikaw nalang kaya ang sumali. Mukhang marami ka namang sport na nasalihan dati...” suggest niya pa sa kaibigan.

Napairap naman ito sa sinabi niya. “Haler! Table tennis lang po ang alam ko. At wala akong balak sumali sa kahit anong sport ek-ek na iyan. For sure, makakalaban ko na naman ang Freya na iyon. So, no way!” kumibot-kibot pa ang bibig nito habang nagsasalita.

Naiiling na natawa na lamang si Sky. Hindi naman niya masisi si Rui kung bakit sagad sa buto ang inis nito sa Freya na tinutukoy nito kanina. Nakalaban kasi ng kaibigan niya ang Freya na iyon noong intramurals sa  senior high dati. Wala siyang ibang ideya tungkol doon kasi magkaiba naman sila ng school na pinapasukan.

“Hindi ko pa nakikita ang Freya na tinutukoy mo. Maganda ba?” inosenteng tanong ni Sky sa kaibigan.

Kitang-kita niya naman ang mabilis na panlalaki ng mata ni Rui. Nakagat na lamang siya ang lower lips niya para pigilan ang tawa niya. Para kasi siyang may sinabing masama dahil sa naging reaksiyon nito.

“Maganda? Ang Freyabunini na iyon, maganda? Mas maganda pa ako sa bruhang iyon!” asar na sagot nito. May iilang estudyante naman ang napapalingon sa pwesto nila dahil sa lakas ng boses ni Rui.

“Nagtatanong lang naman—”

Napaingos ulit ito. “Hmp! Kung makikita mo lang ang babaeng iyon, baka bigla mo ring pagsisihan na nagtanong ka pa.”

Muling kumagat si Sky sa pizza roll na kinakain niya. Bigla tuloy siyang na-curious sa Freya na iyon. Alam niya na hindi lang about sa nangyari no'ng intramurals ang dahilan kung bakit ganito nalang ang pagka-asar ng kaibigan niya.

“Ituro mo nga sa akin once na makita mo, okay?” aniya dito. Napasimangot naman ito.

Magsasalita pa sana siya ng biglang tumahimik ang buong cafeteria. Agad namang dumapo ang tingin niya sa entrance, and there she saw the SSG council again. Pero tumuon ang atensiyon niya sa taong nasa unahan ng mga ito.

The SSG President of Vista Alegre, Kliev Razen Santejo.

Hindi maiwasang mapatitig ni Sky sa lalaki habang naglalakad ito papasok sa cafeteria at naghanap ng bakanteng lamesa. Pakiramdam niya bigla na lamang siyang nawala sa sarili ng magtama ang tingin nilang dalawa.

Gazing the Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now