Chapter 16

92 6 0
                                    


“ANO BA— Bitawan mo nga ako!”

Nagpumiglas siya ng malakas habang pinupukol ng masamang tingin ang lalaking humihila sa kanya. Saan ba siya dadalhin nito? Muli siyang nagpumiglas.

Binitawan naman siya nito. Napaatras naman siya ng humarap ito sa kanya habang walang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Bigla naman siyang napaiwas ng tingin.

“We need to talk, Illarionova...” mahina subalit mariin na saad nito sa kanya.

Nagtatakang tinapunan naman ito ng tingin ni Sky. “Wala tayong dapat pag-usapan—”

He cut her off. “Meron.”

“Wala nga—”

“Bakit ba ang kulit mo?” iritang tanong nito. Naaparko naman ang kilay niya. Aba! Siya pa talaga ang matigas ang ulo ngayon?

“Bakit ba ang kapal ng mukha mo? At para saan ba ang paghila mo sa akin dito? Masyado ka talagang epal kahit kailan noh? Edi sana nakasakay na ako sa bus at kanina pa ako nakauwi!” naiinis na sabi niya.

Hindi mapakali si Sky. Ramdam na ramdam na naman niya ang pagwawala ng puso niya. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa lalaki dahil baka mawala na naman siya sa kanyang sarili. Shete talaga!

Napahawak naman ito sa noo na para bang nawawalan na ng pasensiya sa kanya. Doon lamang siya natahimik at lihim na nakagat ang dila niya.

“About what happened earlier—”

Agad niya namang pinutol ang dapat na sasabihin nito. “Wala akong matandaan” aniya dito.

Nakita naman niya ang pagtaas ng kilay nito kapagkuwan ay napabuntong-hininga ng malalim.

“Like what I've said, I'm sorry about earlier—”

“Wala nga akong matandaan” pagde-deny niya. “At isa pa, bakit ka ba nagso-sorry? Sa ate Skylla ko ikaw dapat mag-sorry!” sigaw niya sa lalaki. Halatang nagulat naman ito.

Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod na sa lalaki. Ito lang ba ang dahilan kung bakit siya hinila nito? Para humingi ng sorry? What's the point of him saying sorry to her? Last time she checked, wala namang nangyaring masama kanina, except sa fact na tino-two time nito ang ate niya at ang kaibigan nito.

O baka naman nag-guilty ito dahil nakita niya itong kasama ang kaibigan ng ate niya?

She looked at him again. “At pwede ba? Huwag mong pagsabayin ang ate ko pati ang kaibigan niya. Two timer ka! Feelingero hindi naman gwapo...” pahabol niya pang singhal dito.

Liar! Hindi gwapo pero hindi mawala-wala sa isip mo, Sky?

Natigilan naman si Sky ng matawa lamang ito sa sinabi niya. Napaarko naman ang kilay niya. “What's funny, huh?” tanong niya pa.

As she looks at him, amusement is written in his eyes. Tila ba natutuwa ito sa inaakto niya ngayon. Lihim naman siyang napasimangot.

“Wait— Do you really think that we're in a relationship?” he chuckled. Mas lalo namang naguluhan si Sky.

“W-What do you m-mean?” utal niyang tanong.

Napailing naman ito at amused na tumingin sa kanya. “Wala kaming relasyon ng ate Skylla mo. Always remember that, kid...” natatawang sabi pa nito.

Muli na namang natigilan si Sky. Hindi dahil sa nalaman niyang wala itong relasyon sa ate Skylla niya, kundi sa itinawag nito sa kanya.

Kid?

“Hey! Are you okay?” kapagkuwan ay biglang tanong nito nang mapansing natigilan siya. Napaiwas ng tingin si Sky dito. Is she really looks like a kid to him? Hindi niya alam pero masyadong big deal ang bagay na iyon kay Sky.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gazing the Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now