Chapter 04

124 24 2
                                    

NANG huminto ang bus sa harap ng Vista Alegre ay napansin ni Sky ang mabilis na pagtayo ng katabi at pagbaba nito ng sasakyan. Napailing nalang siya kapagkuwan ay napako ang tingin niya sa isang bagay na naiwan ng lalaki.

Ang ID nito!

"Hey, wait lang!"

Mabilis niyang pinulot ang ID at bumaba na rin ng bus pagkatapos i-abot ang bayad sa conductor. She thought na maaabutan niya pa ito subalit parang bula itong naglaho nalang bigla. Napakurap-kurap nalang siya at muling tiningnan ang ID nitong hawak-hawak niya.

Kliev Razen Santejo
BSCE - IIIA

Napatitig siya sa picture ng lalaki at hindi maipaliwanag ni Sky kung bakit bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Napangiti nalang siya at humigpit ang hawak sa bagay na nasa kamay niya.

Kahit sa picture napaka-gwapo pala nito.

Hindi niya alam kung paano niya ibibigay ang ID sa lalaki. Sikat ito sa buong Vista Alegre at baka mapagkamalan pa siyang kinuha niya ang ID na 'yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya pero hindi niya maiwasang makaramdam ng excitement sa kaisipang makikita niya ulit ang gwapong mukha ng lalaki.

Agaran niyang sinuway ang sarili. Napailing si Sky at napabuntong-hininga na lamang. Gwapo? Seriously, Sky?

Hays. Wala naman sigurong masama kung pupurihin  niya ang lalaking iyon. Minsan lang naman siya makadama ng paghanga sa isang tao.

"ID mo, miss" sita sa kanya ng school guard no'ng magtangka siyang pumasok.

Natigilan si Sky ng mapagtantong nakalimutan niya palang isuot iyon bago umalis ng bahay. Muntikan na rin niyang ibigay sa guard ang ID na hawak niya kung hindi niya naalala na ibang ID pala iyon. Mabilis niya namang kinuha ang sariling ID sa bag at iniabot iyon sa guard.

Ganito kahigpit dito sa Vista Alegre University kaya walang outsiders na maaaring makapasok.

Tiningnan lang naman nito ang ID niya at saka tumango. Agad naman siyang pumasok at sinimulang tahakin ang hallway.

Kakaunti palang ang mga estudyante sa loob ng university. Medyo maaga pa naman kasi. Kaya naman sa halip na tahakin ang daan patungong department nila, lumiko si Sky sa isang hallway. Doon muna siya tatambay at magpapalipas ng oras sa garden ng university.

She needs to relax herself and inhale some fresh air. Pakiramdam ni Sky ay sobrang daming naganap sa loob ng isang linggo.

Napangiti ng malapad si Sky habang inililibot ang tingin sa buong garden. Naglakad siya papalapit sa isang malapad na bato na lagi niyang inuupuan kapag nagpupunta siya dito.

Nothing changed.

"Hello, little rose! How are you?"

If someone shows up in front of her at makita siyang nakikipag-usap sa isang bulaklak, mapagkakamalan siyang baliw. Sino ba naman kasi ang makikipag-usap sa isang halaman as if naman sasagutin siya nito pabalik? Definitely her.

She used to talk to a rose flower whenever she goes there in Vista Alegre garden. Aside from her, itong rose lang naman ang may saksi sa lahat ng frustration at drama niya sa buhay. Until now, wala pa rin siyang lakas ng loob ipaalam sa mga taong malapit sa kanya ang lahat ng kaganapan sa buhay niya.

Nangingilid ang luhang napatingala siya sa kalangitan. Maulap na naman, mukhang uulan na naman siguro. She doesn't know if it just a coincidence or talagang gano'n lang ang panahon. Everytime kasi na nalulungkot siya, palagi nalang din umuulan na tila ba nalulungkot ito kagaya niya.

Kasabay ng paglandas ng luha at pagpikit ng kanyang mga mata, naramdaman ni Sky ang unti-unting pagpatak ng ulan sa kanyang mukha. Umuulan na nga pero nanatili na pa rin siya sa kinauupuan niya.

Gazing the Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now