Chapter 05

103 21 1
                                    

"KUYA..."

"Wala pa ba ang instructor niyo? I have something to tell you" seryosong sabi nito sa kanya na ipinagtaka naman ni Sky. She keeps on looking at her classmates na nasa kanila rin ang buong atensiyon.

Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at muling tiningnan ang kuya Skyde niya. Seryoso pa rin ito at kunot na kunot ang noo, tila ba napakalalim ng iniisip.

She sighed deeply before she spoke. "Let's talk somewhere else, kuya Skyde..."

Hindi naman ito nagsalita at tumalikod na. Tahimik naman siyang sumunod sa kuya niya.

She have no idea why her brother needs to talk to her. Para bang napaka-importante talaga ng sasabihin nito at kailangan pa na dito sa school nila dapat pag-usapan. Hindi ba pwedeng mamaya nalang pagka-uwi nila sa bahay?

Mukha ring kararating palang nito sa Vista Alegre dahil basa pa rin ang buhok nito at dumiretso agad sa department nila para lamang kausapin siya.

Dinala siya nito sa lugar na masyadong familiar sa kanya, sa garden ng university. Nang huminto ito sa pinakagitna ng garden, doon lamang siya kinabahan.

She bit her lower lips as she wait for him to speak. Hindi niya alam kung para saan ang pag-uusapan nila. May nagawa na naman ba siyang mali na hindi niya alam?

"Kuya?"

She heard him sighed deeply. "Mom called me earlier. Gusto ka daw niyang kausapin mamaya..."

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito. She wants to talk to her later? Bakit hindi siya ang tinawagan nito?

Agad namang binuksan ni Sky ang cellphone niya to check if there's any missed call from their mom pero wala.

"Why she didn't call me, instead? If ako naman pala ang gusto niyang kausapin mamaya?" may halong pait na tanong niya sa kuya Skyde niya. Doon lamang humarap sa kanya ang kapatid.

"She told me that she keeps on calling you but you're not answering her call" nagtatakang sabi pa nito.

Doon siya mapait na natawa. She keeps on calling her? Kung gano'n, bakit wala man lang siyang natanggap na missed call ni isa mula sa mom nila?

"I don't know, kuya Skyde. At akala ko ba hanggang 3-4 days sila doon? So, paano niya ako kakausapin mamaya?" she asked him.

Iyon naman kasi ang pagkakaalam niya. Kahapon palang kasi umalis ang mga ito.

"Iyon din ang pagkakaalam ko. But she said na hindi na raw matutuloy at uuwi na sila mamaya. We need to be there at home before 5:30pm" dagdag pa nito.

5:30pm? "But, kuya Skyde, may class pa ako from 5:00pm to 6:30pm!"

"I know that, Sky. Pero kilala mo si mom..." naiiling na sagot lamang nito.

Napayuko nalang si Sky. Makikinig ba siya? Siguro nga kilala niya talaga ang mom nila na walang ibang ginawa kundi ang kontrolin ang buhay niya.

Hindi ka pa ba nagsasawa, Sky?

"I'm sorry, kuya Skyde, pero ayokong um-absent sa last class ko mamaya..." seryosong sagot niya sa kapatid.

"But, Sky—"

Seryoso niya itong tiningnan bago muling magsalita. "Why, kuya? Hindi ba pwede na even for once, sundin ko naman kung ano ang gusto ko? Kung nag-aalala kang mapagalitan ako ni mom and dad, sa tingin mo ba may bago pa do'n?"

Nakita niya kung paano nito marahas na ginulo ang buhok at tiningnan siya na para bang isang kahibangan ang pinagsasabi niya.

"Are you crazy, Sky? Mas lalong magagalit sila mom and dad sayo if magiging matigas ang ulo mo"

Gazing the Stars (Farewell Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now