END 1/8

25 1 0
                                    

Caleb's POV

"Caleb! Paki-serve to sa table number 8," tawag sa akin ng barista ng pinagtratrabahuan ko na coffee shop which is short house. I decided to work as a part-timer kasi para makapag ipon na ako ng sarili kong pera.




As a graduating law student alam kong magiging magastos ang lahat ng mga requirements and stuffs. Ayoko na rin naman umasa sa parents ko kaya naisipan ko nang magpart-time na. Hindi naman ako nababother sa time schedule ko because it is all a matter of time management.




"Yes po." I nod and fixed the apron which is part of my uniform here sa cafe na to. Kakatapos ko lang punasan yung table na pinagkainan ng isang customer e.




All around nga pala ang trabaho ko dito, minsan dishwasher, minsan tiga-deliver ng products tapos minsan waiter. Short-staffed rin kasi tong coffee shop na ito as of the moment.




Kinuha ko ang larged size na Caramel macchiato at medium sized lasagna at agad na dinala yun sa table number 8.



"Here's your order maam. May kailangan pa po ba kayo?" I asked politely sa customer.





"Wala na po. Thank you." the girl smiled at me for a quick second then immediately focused her attention back sa highlighter and hand outs na nasa mesa niya. I was stopped for a bit, ang cute ng smile niya. She should do that always.



I guess she is also a medtech student base sa uniform niya at I.D lanyard niya.





Palagi kong napapansin na pabalik balik yung medtech student sa coffee shop na to. Minsan siya lang mag isa at nag-aaral minsan naman may kasamang mga babae. Katulad ngayon, kasama niya ulit yung group of girls. Mga kaklase niya siguro to. Ang lalakas pa magtawanan. Napansin ko rin na kasali rin siyang nagtatawanan. Pinagmamasdan ko lang siya habang pinupunasan ko ang table na malapit mula sa occupied seat nila.





She really has this sweet smile and cute laugh. Parang ganyan yung ngiti na gusto mong pangalagaan at wag hayaan mawala sa mukha niya. I don't know why am I feeling this way though. Maybe I developed a tiny crush sa customer na ito. Palagi kasi siyang bumabalik dito and I can't deny the fact that she really is attractive.





There was also a time na nag take out siya ng food galing dito. I thought babaunin niya papunta sa school niya but I was wrong. She gave it to the street children na nakasilip sa labas ng coffee shop. It warms my heart watching her. She is not just pretty she is also kind hearted.





"Oh, Caleb? Bakit nandito ka pa? Diba out mo na?" tanong ni Jenny. Katrabaho ko dito.





"Trip ko lang. Tambay muna ako dito baka kailangan niyo pa ng tulong ko," sagot ko habang nakaupo dito sa may cashier area.






The real reason why I decided to stay here for a while even though na hindi ko na duty time is that to see if magdadine-in ba yung medtech student ngayon. Nakakapagtaka lang na hindi siya dumaan para bumili ng paborito niyang Caramel Macchiato para sa araw na to. Halos palagi na kaya yun pumupunta dito. Minsan nagtetake-out tapos minsan nagdadine in. Pero bakit ngayon wala siya? Baka busy siguro yun ngayon or may ibang lakad. Well, maka-alis na nga lang.





Inayos ko na ang ibang gamit ko at tinawag naman ako ni Jenny.





"Caleb, pwede ka ba mautusan na magdeliver muna? May customer kasi na nagchat sa facebook page," paguutos ni Jenny sa akin.




"Pwede naman. Saan ba idedeliver ngayon?" tanong ko.




"Ito oh. Tingnan mo dito." binigay niya sa akin ang service phone ng coffee shop. Agad kong tiningnan yung conversation nila para malaman ang address kung saan idedeliver.



Biglang napalaki ang mata ko pagkakita sa profile na nag chat. So, Annielisse Ocampo is her name huh? Pasimple akong napangiti.

Can I be yours? (Can Epistolary series #2)Where stories live. Discover now