END 3/8

14 1 0
                                    

Caleb's POV

Months passed and lagi kong napapansin yung mga tweets niya about her boyfriend. Damn, sinasayang lang ng lalaki na yun ang gusto ko. Ang swerte na nga niya na nasa kanya yung pinapangarap ko tapos ginaganon niya lang. Ang tanga lang. Kung ako yun di ko siya gaganonin. As much as possible I always want to make her smile.



The day came that they broke up. I don't know what exactly happened but I know that it is all the guy's fault. Ako ang nasasaktan para kay Annie. She don't deserve to be treated like that. Every women should be treated like a queen and not like a trash.






When I saw her tweet about the incident I directly messaged her and gave her comforting words. Which I hoped made her feel better as of the moment. We are not that close yet and she is not that open to me but I am hoping that one day magiging close ako sa kanya.




Months passed palagi na akong nagcha-chat and nagpapa-pansin sa kanya. I can say na unti-unti ko na rin siya nagiging ka close.





I said that I like her but hindi muna ako manliligaw for now para mas makilala niya muna ako and mas makita na pure ang intention ko sa kanya.



The day came in where I finally decided to court her. Hindi pa dapat siya papayag na ligawan ko siya, pero dahil gusto ko talaga siyang ma pursue hindi ako sumuko. Wala rin siyang magagawa sa kakulitan ko. Mana ako kay Naruto e. I don't know the meaning of giving up.




Alam kong hindi niya pa ako gusto and hindi pa siya interested sa akin plus kakagaling niya pa sa isang failed relationship kaya nahihirapan pa siyang magtiwala ulit pero, I am willing to wait and stay by her side during her healing process.





While courting her, there are moments na palagi na kaming naghahang-out. So, ganito pala ang feeling na nakakadate mo ang crush mo noh? Each moment na nakakasama ko siya parang ako pa ata ang mas nahuhulog e. There was a time na pumayag pa akong pagpraktisan niya ang mga ugat ko para sa blood extraction niya. I hate injections but since it's Annie I don't mind. Things I do for her nga naman. Lagi ko na rin siyang hatid sundo sa school niya and I always made sure na I am always by her side everytime may breakdown siya sa course niya and I admire her for that. It only means na she really want to achieve that Medical dream of hers.




"Mga tol, uwi na ako," sabi ko at inayos ang gamit ko dito sa pop down.



"Bakit naman? Isang bote pa lang ininom mo oh. Tapos nag-aral ka lang habang nandito ka. KJ mo naman," sabi naman ni Kyler. Kaklase ko.




"Kasi tol, yung nililigawan ko, lasing na kaya ihahatid ko na siya," sabi ko at tinuro si Annie.



"Yung sumisigaw na pupunta siya ng Konoha para maging Hokage? Ano siya si Naruto." hagalpak niya. Napa iling na lang ako. Ang cute nga niya e.



"Sige tol, puntahan mo na baka mag Rasenggan pa yan dito," sabi niya habang tumatawa. Tinapik pa ako sa braso.


Diretso na akong pumunta sa area kung saan kasama niya yung ka blockmate niya. Pinagtatawanan lang siya ng mga kasama niya oh.

"Excuse me, saan yung gamit ni Annie? I am Caleb, her suitor ihahatid ko na siya pauwi," pagpapakilala ko sa mga kasamahan niya.




"Hi, We know you. Kinekwento ka lang ni Annie sa amin kanina. Ikaw rin yung nasa IG stories ni Ppanyang lagi. Good to see you here. Ito gamit niya oh." binigay ng isang ka blockmate niya ang gamit ni Annie sa akin.




Agad kong binuhat si Annie in a bridal way hanggang makapasok na kami sa kotse kong si Ryuk. Buti nga tulog na siya ngayon unlike kanina na ang ingay. Pupunta daw siya ng Konoha haha.




Pagkadating ko sa bahay niya agad akong nagdoorbell sakto namang may isang babae ang nagbukas which is in her mid-40s that still looks classy and elegant even with her silky pajama na. Mom niya ata itong nagbukas.



"Hello po, are you Annie's mom?" I politely asked.



"Yes I am. Anong nangyari?" she asked and looked at Annie which I am carrying in a bridal way.


"Nalasing po kasi. Nag pop down sila ng blockmates niya," I explained.



"Haynako talaga namang batang to oh. Halika hijo, ipasok mo siya dito sa sala. Lagay mo na lang siya sa couch." her Mom and guided me inside the living room. Same scenario ah and I ain't complaining.



I gently put Annie on the couch and fixed some strands on her hair that were blocking her face. Tinuon ko naman ang atensyon sa Mom niya.


"Uhm, nga po pala pagkagising niya po, sana po wag niyo siyang pagalitan na lasing siya. This week has become stressful for her and she even had a breakdown in the cafe where she's studying at. Deserve niya po magpaka chill muna from the academic stress that she experienced these past few weeks," I calmly said. Concern lang ako kay Annie baka mamaya pagalitan at sermonan siya ng Mom niya pagka gising.



Ngumiti at tumawa ang Mom niya.



"Of course, I am not the nagger type of Mom.  Thank you for your concern. By the way, are you her blockmate?" her Mom asked.


"I am Caleb Lucas Garcia nga po pala. Your daughter's suitor," pagpapakilala ko. I asked for her hand para makapagmano sa kanya, "Mano po." I politely said as soon as she offered her hand to me.


"Did I heard it right? Suitor?" she clarified.



"Yes po," I answered again.




"I see. Anyways, nice to meet you ha. Sa lahat ng nanligaw sa anak ko, ikaw lang nagpakilala ng ganito. Yung ex ni Annie nako, halos hindi nga nagpapakita sa amin," bigla niyang kwento. I can say that parang barkada type ang Mom niya.




"Talaga po ba? Hindi naman po ako ganon. Yung tinuro rin po kasi ng Mama at Papa ko, dapat daw magpakilala ako ng maayos sa magulang ng nililigawan ko," I said.


"I can say that you were raised well. Kita ko rin naman na sincere ka sa anak ko. Kilos mo pa lang alam ko na. Thank you ha and keep it up. I hope na mapakilala ka ng anak ko bilang boyfriend soon." Her mom winked at tinapik ako sa braso.

Can I be yours? (Can Epistolary series #2)Where stories live. Discover now