END 7/8

14 1 0
                                    

Caleb's POV

I became the happiest ever since me and Annie became official. I promised that I will do my best para hindi siya magsisi na sinagot niya ako.

Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Annie. My parents are having dinner in our dining area kaya nagmano ako sa kanila.

"Kuha ka ng plato Nak. Sabay ka na sa amin," yaya ni Papa.

"Hindi na po Pa, busog pa ako. Kumain kami ng girlfriend ko sa labas," sabi ko pero nakiupo pa rin ako sa dining table kasama sila.

May bigla namang nag-notify na email sa phone ko. Pinindot ko yun at binasa. It says that I passed my application for law school in Toronto university. I was happy and shocked at the same time. Medyo nagdadalawang isip rin.

"Ma, Pa, tanggap ako sa Toronto university!" medyo excited kong sabi l sa kanila.

"Talaga? Nakaka proud ka talaga Caleb," mama said excitingly. Tumigil to sa pagsubo ng pagkain tsaka lumapit at yumakap sa akin.


"I am so happy for you anak," sabi ni Papa at nakipag fistbump sa akin. My father is also a lawyer by the way, then RMT naman ang Mama ko.




"Thanks pa. Pero nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba talaga to," I said, sighing. Annie is the first one that comes to mind. Then second is the financial thing.



"Bakit naman? What's stopping you? If financial ang iniisip mo, don't worry about it. Kaya natin yan hanapan ng paraan. Go for the dream anak," Papa assured me.

"Kasali rin yan sa iniisip ko. Tsaka si Annie, hindi niya pa alam ang tungkol dito," sabi ko.



"If we will ask you, do you want to go to Canada?" Mama asked. Tumango ako. Canada is the dream.



"If you want to go, then go. I am sure Annie will understand Caleb. Kung totoong mahal ka niya, she will let you go for your dream," Mama said and hold my hand.

I smiled at my parents. They got a point. The only problem is hindi pa talaga ako maka hanap ng timing para sabihin sa kanya e. My plan is sa despidida party ko na lang sasabihin pero naunahan na pala ako ni Axe. Damn, this cousin of mine. Ang daldal talaga.


Nalaman ni Annie ang tungkol dito dahil kay Axe. For sure malulungkot yun kaya dumiretso na ako papunta sa bahay niya. When I arrived at her house she directly hugged me at binaon ang mukha sa dibdib ko. Nakaramdam naman ako ng basa dito. Is she crying?

"Umiiyak ka?" I asked and  caressed her back.


"Ikaw kasi e. Kung hindi sinabi ni Axe edi hindi ko malalaman," sabi niya habang umiiyak. Bumitaw siya sa yakap at pinunasan ang luha. I stopped her hand para ako na ang magpunas ng luha sa mata niya.


"You don't want me to go? Sabihin mo lang Love. I will not go to Canada for you," I softly said. Being at Canada is a dream but being with Annie is also a dream so, cancelling this might not be a lose for me if ever.



"I am not stopping you. You should go. I just hate the fact that you kept it as a secret." naka nguso niyang sabi at pinunasan ulit ang mata. I find her cute kaya nilabas ko ang phone and took a selfie with her. Hinampas niya naman ang braso ko kaya napatawa ako at yinakap siya while kissing her forehead.



The day of my flight came and I am currently here sa airport na. Hinatid ako ni Mama at Papa dito sa airport at sumama pa si Annie.

Yinakap ako ni Mama at Papa tapos nagbigay sila ng payo at habilin sa akin. Sunod ko naman na niyakap si Annie. Obvious sa mukha niya na malungkot siya pero hindi niya lang pinapahalata.

"Ingat ka doon ha. Hihintayin kita dito. Chat ka pag dumating ka na sa Canada," she said.

"Ingat ka rin dito. I love you," I whispered and kissed her forehead. I hugged her tightly and bid goodbye to them.


Bawat pagtapak ko, parang ang bigat ng pakiramdam, gusto ko na lang bumackout kasi mamimiss ko lang sila Mama, Papa at Annie. Pero kailangan to labanan it is for the dream.


Being in a long distance relationship was tough. Kailangan talaga laging may isang nag-aadjust lalo na at sobrang magkaiba ang time zone dito sa Canada at Philippines. It has a 12 hour time gap kaya ang hirap talaga. Most especially, our time schedules just don't match. Nagiging busy na rin si Annie since she is a graduating student but she is the one who is willing to sacrifice her time schedule para makapag usap sa akin. I somehow felt guilty about that. Gustuhin ko man na ako matulog ng late para sa amin hindi talaga kaya. Law school is really not that easy.



Sometimes there were also misunderstandings that happened but we fixed it right away. We will not let a day go nang hindi nagkaka ayos.




Nung nalaman kong bumagsak si Annie sa dalawa niyang major subject I knew that I was the reason to blame for that. Sabihin man niyang hindi ko kasalanan kasi ginusto at choice niya pa rin yung magpuyat para sa akin, pero we can not deny the fact na ang main reason talaga kung bakit nabagsak siya  is dahil sa akin.




Maybe nagiging distraction ako sa kanya kaya hindi niya mamaintain ang grades niya and I don't want that to happen. So, I then decided to stop talking to her. She said that she understands and cool-off muna kami and no communications.




We both think that it is for the better. But, even though we decided to "cool-off" I will still wait for her because she will always be the one that I want.



Kinontak ko rin ang Mom ni Annie para makapadala ako ng package para sa kanya because it is the least thing that I can do. We don't talk anymore pero she is all that I can think about. I even got her name tattooed in japanese symbols on my arm. I am still so whipped, I know.




One year passed and in a few days gagraduate na si Annie kaya I decided to go home to the Philippines. Since term break ko rin naman. The long wait is over.




"Caleb!" salubong nila Mama sa akin at niyakap ako. I hugged them back tightly. I missed my parents too.



"Amoy Canada ka nak," pagbibiro ni Papa kaya napatawa ako.




After eating dinner with my parents nagbihis ako and get Ryuk's car keys. Kahit kotse ko na miss ko rin.





"Ma, alis muna ako. Punta ako kay Annie," paalam ko kay Mama.




"Go anak. Talk things out with her. Malapit na ang graduation niya so hindi ka magiging distraction para sa kanya," Mama said smiling.




"Bakit alam mo?" I curiously asked. Wala akong nasabi kay Mama about it. 



"Lagi kaming nagkikita sa hospital na pinaginternship niya. Sabi niya wag ko na daw ikwento sayo e," she said and winked, "Alis ka na nak." sabi niya at tinapik ako sa balikat.


Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko at pinaandar ang makina nito. Finally, I am now going to see her!

Can I be yours? (Can Epistolary series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें