END 5/8

13 1 0
                                    

Caleb's POV

Things went by smoothly and fast with Annie. I even celebrated new year with her family. Her Dad also invited me to play golf with him together with Annie's cousin. Hindi ako marunong maglaro ng golf pero sumama pa rin ako.  I am really trying hard to be close with the person who is close to her. Gaya nga ng turo sa akin ng Papa ko, kung may nililigawan ako sa babaeng gusto ko  dapat kasama ang buong family niya sa panliligaw ko.



Since this is my last sem as a student nagiging busy na talaga ako sa schedule ko. I even quit my part-time job sa short house kasi hindi na talaga kaya ng time management ko. Idagdag mo pa ang OJT at Thesis ko na ilang beses nang pinapa revise.




Because of the daily stresses bigla na lang akong napagod and wanted to give up. Sobrang daming pressure sa internship tapos idagdag mo pa tong seniors ko na grabe makapagbigay ng workloads. Sumabay pa ang overthinking at anxiety ko because of this course. I don't want my parents to be bothered so I did not tell them as well as my friends. The only person I ran to was Annie. She supported me and still gave me words of encouragement which I really needed.



"Sorry, if I disturbed you. I don't want my parents to worry too much kaya sayo na ako tumakbo," I exhaustingly said.  She just hugged me as a comfort.

"It's okay. You can run to me anytime. You were also there when I had a breakdown so, I will also do the same to you. Everything will be fine. Being tired just means that you are doing well. Keep going."  she caressed my back that made me calmed down. She really is my pahinga.

"Thank you," I slowly said.



"What the fuck?!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sa likod kaya napabitaw ako sa yakap ni Annie at tiningnan namin kung sino yun.



I was shocked nung bigla na lang ako nitong inatake at sinalubong ng suntok that made me fall out of balance. Damn, this Conrad. What is he even doing here?


"Ano ba? What are you doing here Conrad?" pasigaw na sambit ni Annie at dali-daling inawat si Conrad para mapalayo sa akin.

"Ako dapat magtanong sayo niyan Annie. Anong ginagawa niyo? I came here to fix things between us tapos ito makikita ko," he raged. Galit na galit pa kung umasta.


"Wala kang pake Conrad. Just go home will you? Wala nang kailangan pang ayusin sa atin ano ba doon ang hindi mo maintindihan?" Annie calmly said and  inalalayan ako para makatayo.


"Bakit ayaw mo nang ayusin? Dahil ba sa lalaking yan? Yan ba ang dahilan ha? Kung hindi siya umepal, maayos pa natin ang relasyon natin e. Siya ang sumira sa ating dalawa. Tsaka diba, while we are together you are already talking with him behind my back? Nagchicheat ka rin Annie," he splurted. Does he even know what he's saying? Napaka gaslighter naman ng lalaking to.



"Dude, tumigil ka nga. Walang ginagawang masama si Annie dito ah. Nakalimutan mo atang ikaw ang tunay na nag-cheat dito," singit ko. Di ko na mapigilan e. Baka may masabi pa tong ibang insulto kay Annie.



"Wag mo akong ma dude, dude ha. Hindi tayo magka tropa. Tsaka tigilan mo nga yang pa acting like a cool guy mo dito. Nababanas ako sa mukha mong Garcia ka," he angrily said and threw a punch at me again. Hindi ko yun inasahan kaya hindi ako nakailag. Tumama ang kamao niya sa gilid ng labi ko. Napahawak ako dito at nakitang may dugo to. His punch really sting.


Kinumo ko ang kamao ko para maka ganti ng suntok sa kanya kaya lang hinawakan na ni Annie ang palapulsuhan ko at umiling.


What does it mean? She don't want me to hurt Conrad ba?

"Wag mo nang gantihan. Do not stoop down on his level," she calmly said, "Let's go. Gamotin na natin yang sugat mo." she hold my wrist, "Go home, Conrad." she coldly said and turned her back to Conrad.

Inalalayan ako ni Annie papasok sa bahay niya habang si Conrad nasa labas at tinatawag pa si Annie, "Wait Annie. Let's talk. Ayusin natin to. Please. I can't live without you." sumisigaw na sabi ni Conrad pero hindi na to binigyan pansin ni Annie.



Dinala niya ako sa sala nila at kumuha siya ng first aid kit tsaka sinimulan gamutin ang sugat ko.

"Where's your Mom and Dad?" tanong ko habang inaayos niya ang first aid kit. Sinimulan na rin niyang dampian ng cotton na may alcohol ang sugat ko.


"They attended their highschool reunion. Buti na lang nga na wala sila e, para hindi na nila makita ang panggugulo ni Conrad. Haayss..  Kakainis. Nangyari tuloy to sayo. Pag nakita ko yun ulit ako na ang gaganti ng suntok para sayo," naiinis niyang sabi.  Diniinan niya ang sugat sa may labi ko kaya nakaramdam ako ng kirot.

"A-aray. Dahan-dahan Annie," sabi ko at hinawakan yung palapulsuhan niya. Napatingin naman siya sa hawak ko kaya dahan dahan ko yung binitiwan at umiwas ng tingin. I heard her chuckled naman.



Nilagyan na niya rin ng cold compress yung iba ko pang pasa na natamo. Grabe yung suntok ni Conrad ah.



"Hoy, punta ka sa rooftop. Nandoon si Annie. Ako na muna bahala mag entertain sa iba nating relatives," sabi ni Axe.



We are here at Flavoroso Diner kasi celebrating the date of my birth. Simpleng handaan lang kasama ang relatives at blockmates ko.

Agad na rin akong dumiretso doon and there I saw Annie, enjoying the view from the city lights. Little did she know that she is the best view here. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti rin ako.


"Birthday boy! Nandito ka na pala. Halika ibibigay ko yung gift ko oh." lapit niya sa akin at hinila ako.


May hinablot siya sa isang paper bag at binigay sa akin ang isang scrapbook.

Binuksan ko yun napangiti ako. Ang effort naman. Sa loob ng scrapbook is puno ng pictures naming dalawa. Naaliw lang ako sa pagtingin ng bawat pictures. Ang dami na rin pala naming pinagsamahan. It's like going back to the memory lane. After scrolling it, napatingin ako kay Annie na nakangiti.

"Meron pa akong isang gift. Pikit ka," naeexcite niyang sabi  kaya pumikit ako. May naramdaman naman akong malamig sa leeg ko at malamig sa wrist ko.


"Open your eyes na," sabi niya kaya sinunod ko naman. Pagtingin ko sa leeg at wrist ko there was a necklace and a silver watch. Tiningnan ko yung box na pinagbuksan ni Annie, it was a luxury gift set for men. I know that brand and I can say that it is quite pricey.


"Woah. Thank you Annie," I joyfully said and pinched her cheek, "Pero, isn't it a little too much? The brand is pricey right? I don't want you spending expensive gifts for me." I said. Don't get me wrong I really appreciate her gift, pero ayoko rin na gumagastos siya ng malaki para sa akin.


"Why not? Trust me, walang too much basta pagdating sayo Caleb. I just want to give you the best," she said smiling. Kinuha niya ang kamay ko and looked at me in the eyes.

Bigla naman akong nakaramdam ng kulo mula sa tiyan ko. Sana hindi niya napansin.



"Wanna know why? Because I lo-"  naputol ang sasabihin niya nang biglang may sound na lumabas sa pwet ko. Bakit sa dami daming panahon ngayon pa talaga na kung saan parang may importanteng sasabihin si Annie, at talagang sa harapan niya pa talaga ako napautot. Jusko nakakahiya.




"I am so sorry Annie. CR muna ako ha," nagmamadaling sabi ko at tumakbo. Natatawang napa iling na lang siya.



Alam kong may importanteng sasabihin si Annie kaya lang naputol. I tried asking her about it again pero hindi niya na sinabi pa ulit. Nakakainis tong pwet na to nakakasira ng momentum tbh.

Can I be yours? (Can Epistolary series #2)Where stories live. Discover now