END 4/8

16 1 0
                                    

Caleb's POV

I am outside Annie's house again at tinotono ko ang gitara ko na dala. I am planning to serenade her a song e.

Nung na tono ko na I chatted her muna na nasa labas ako ng bahay niya and started to strum my guitar.

I played On my mind by: Maximillian because it's the song that reminds me of her as of the moment.

Napangiti ako habang kumakanta nung binuksan ni Annie ang bintana mula sa kwarto niya at pinanood ako. Kahit yung parents niya nakita kong pinapanood rin ako sa balcony nila. Nandun si Tita at may kaakbay siya na lalaki which I guess Dad ni Annie kaya medyo kinabahan ako. Nakapagperform na ako sa school pero dito lang ako kinabahan. Huminga ako ng malalim at di na pinansin yung kabang nararamdaman.

Nung natapos na akong kumanta kumaway ako kay Annie at sumenyas naman siya na bababa daw siya kaya hinintay ko na lang siya at sumandal sa hood ni Ryuk.

Bumukas naman ang gate kaya umayos ako ng tayo sa pag-aakalang si Annie. It turns out Dad niya pala.



"Good evening, Sir." lumapit ako at hiningi ang kamay niya para makapagmano pero he did not give it.

"And who are you para kumanta dito. Binubulabog mo lang yung mga natutulog na kapit bahay namin," bungad ng Dad niya. Kaya napalunok ako. Ang laki ng tindig ng Dad niya halatang nakaka intimidate talaga. Pero hindi ako titiklop, syempre para kay Annie.

"I am sorry sir. I am Caleb Garcia and I just want to serenade Annie lang naman this time. Nililigawan ko po siya sir," I calmly said.

"Nililigawan? For how long? Enough with that sweet tactics of yours, kid. I know sa umpisa ka lang ganyan. Nagpapaimpress ka pa kunyari. For sure kapag matagal na at nagsawa ka na iiwan mo lang rin naman ang anak ko sa ere. Kaya kung ako sayo, stop what you are doing and leave my daughter alone. Kung tingin mo ginaganahan kami sa panghaharana mong ganyan well, sorry to hurt your ego but we don't. So, go home and find other girls that you can mess with," he thundered. May diin sa pananalita nito. Parang siya yung tipo na mag-ooffer ng sampung milyon para layuan ang anak niya.

"Hey Dad!" dating ni Annie.

"Go inside, Ppanyang kakausapin ko muna tong mokong na to," her Dad said. Annie's Dad really have this superiority vibe. Well, maybe because he is already a Head engineer of some company na rin.

"Hoy Pa, kalma ka nga. This guy's good. Na meet ko na siya," pang-aawat rin ni Tita sa husband niya.

"How can I calm down kung may bago na namang umaaligid si Prinsesa natin? This boys just don't know when to stop. They need to grow up," he said calmly to his wife.


" I can assure you that my feelings for your daughter is sincere and genuine. That is why I am here sir. I also want to formally meet you na rin even though you have this intimidating aura," I chuckled awkwardly. Sige lang Caleb, ipahiya mo pa sarili mo. Pag ikaw na bad-shot, gg ka. Napatingin naman ako kay Annie na nakatitig lang rin sa akin.



Napataas naman ang kilay ng Dad niya, "Wag puro salita. Do the work young man. Hindi nakakabusog ang words of affirmation mong ganyan ganyan. Tsaka gaano ba ako makakasigurado na seryoso ka sa kanya? I don't want my daughter to be broken when it comes to stuffs like this ever again, you know." he confronted. He now seem calm pero may diin pa rin sa sinasabi.



"Sir, I love your daughter and I am willing to wait for her no matter what. Seryoso ako sa kanya. I know you still don't trust me enough when I am with her. So, can I ask for your contact number instead para macontact kita tungkol sa whereabouts namin and para updated ka rin po tungkol sa amin," I said.



Lumapit to sa akin at bumulong "You can get my number from her Mom. I still don't trust you enough but, prove me wrong. I'll be keeping my eye on you. Good luck. Umuwi ka na sa inyo." tapik nito sa likod ko.

"Thank you sir," sabi ko. Lumapit naman siya sa asawa niya at may binulong rin.

"You okay? Pinagpawisan ka oh." lapit ni Annie at tinuro ang pawis na nasa noo ko. Agad ko yung pinunasan.

"Wala to. Ang importante mukhang payag na ang Dad mo na ligawan kita," I whispered softly.

"Ano binulong ni Dad sayo?" she curiously asked.


"Secret." I smiled. Nakatanggap naman ako ng hampas mula sa kanya.

"Nak, pasok ka na sa loob. May sasabihin rin ako kay Caleb. Gabi na rin oh," singit ni Tita.

Sumunod naman si Annie tapos kumaway sa akin bago pumasok sa bahay nila. Chat ko na lang siya mamaya.


"Yes tita?" I asked.

"Ito number ng Dad niya. Earn his trust okay? Kasi ako, botong boto na talaga ako sayo," tita said excitingly said tapos tinapik ako sa balikat.



"Talaga po Tita? Thank you po. Pano naman po kay Annie may chance po ba?" pabulong kong tanong.


"You'll get there hijo. Tingnan lang natin," her Mom replied smiling.



Hayyss. Annielisse Ocampo will always be the dream.

Can I be yours? (Can Epistolary series #2)Where stories live. Discover now