END 6/8

13 1 0
                                    

Caleb's POV

"Graduate na tayo mga tol!" masayang bati ko kay Vince at Ken pagkatapos ng graduation ceremony namin. Nagyakapan kaming tatlo at tumalon talon. I survived my college life because of these two crackheads.



"Congrats sa atin. I Love you guys," tumatawang sabi ni Vince at nagfist bump sa aming ni dalawa ni Ken.



"Sama-sama pa rin tayo sa lawschool ha," sabi ni Ken. Medyo napa iwas ako ng tingin. About that, I tried applying for a university in Canada pero wala pang result. So, I will not tell anyone yet. Imposible rin naman kasing matanggap ako dun e.



"Congratulations, Caleb!" salubong ni Annie sa akin at yumakap. Nagkantyawan naman sila Ken at Vince kaya sinita ko,  mga loko talaga.





"Kulayan na kaya natin yung outing natin? Bonding natin since naka graduate tayo ng sabay-sabay," biglang yaya ni Ken habang hawak ang PS5 console. Nandito kasi kami sa bahay ni Vince nakatambay ngayon.



"Oh sige, ano? This weekend na oh. Wala ng atrasan. G?" pagsang ayon naman ni Vince.


At dahil dun napag usapan namin na this weekend na kami magaouting. Isasama rin daw nila mga girlfriend nila kaya niyaya ko na rin si Annie at pinagpaalam sa parents niya since overnight kami doon. Buti na lang nga pumayag sila. For sure rin, mag eenjoy si Annie doon.



Pagkadating namin sa venue ang dami na naming ginawang activities. Sumakay kami ng banana boat, paragliding, naglaro ng volleyball at ngayon naga-island hopping na kami. Annie is also teaching me some basic strokes as of the moment, ang galing nga niya magturo e. Marunong na akong mag back float ngayon at kaya ko nang pumunta sa mga malalalim na area.


"Caleb! Wag ka muna pumunta sa malalalim na part di ka pa ganon ka galing hoy," sita ni Annie sa akin.





"Yeah yeah. I can manage naman. Magaling nagturo sa akin e," sabi ko kay Annie.




Naging busy ang lahat sa paglalaro ng volleyball at ako nagpaka layo layo muna at pumunta sa malalim na area dahil hindi pa naman low tide at mas gusto ko pang ma enjoy ang new swimming skills ko. Akalain mo yun, kay Annie lang pala ako natuto lumangoy.




I am doing some basic strokes when suddenly my legs felt numb, kaya hindi ako makasipa para makalangoy. Sumakto pang may paparating na malaking alon kaya I did my best na maapply ang tinuro ni Annie, but I think I did it wrong. Bigla akong nagpanic nung natangay na ako ng alon at nakakainom na ako ng tubig. Sinubukan kong iangat ang sarili ko but I can't, I am still no expert when it comes to. Naghanap ako ng makakapitan pero wala. Then the next thing I knew was everything went black.



Nagising akong umuubo at may tubig na lumabas sa bibig ko. Nakahiga ako sa sand at unang bumungad sa akin ay si Annie. Ano nangyari?


"H-hey," I greeted, still coughing.



"Caleb! Oh my gosh! Thank God, okay ka lang," she said worried. Inalalayan niya ako para makabangon.



"Ano nangyari?" I asked.




"Nalunod ka kanina tol. Buti na lang napansin ka agad namin at naligtas ka ni Annie. She even did a CPR. Halos di ka na maka hinga kanina. Loko ka. Pinag-alala mo kami," sagot ni Ken.



Napatingin ako kay Annie. Still looking worried.



"Really Annie? You did a CPR on me?" sabi ko at tinakpan ang bibig ko,"Wala na akong first kiss." pagbibiro ko para gumaan naman ang loob niya at mapatawa.


Can I be yours? (Can Epistolary series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon