CHAPTER 3

3.8K 14 0
                                    

-
All rights reserved. No part of this story, including its mature content, may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior written permission of the author. The characters, situations, and events depicted in this work are fictitious and intended for mature audiences only. Reader discretion is advised.

-

Java's POV

Lunch break na namin kaya mabilis kaming lahat ng mga kaklase ko lumabas sa classroom. Nakita ko naman agad si Nicole na nag-aabang sa akin, kumakaway pa ito. Hindi kami magkaklase ni Nicole dahil nasa ibang section siya kaya naman pag-nauna matapos ang kanilang klase hinihintay niya ako at ganon din naman ako kung nauuna matapos klase namin sa kanila.

"Java! Buti naman at hindi kana absent ngayon. Alam mo bang nag-alala ako sayo kahapon nang hindi kita madatnan dito, buti na lang sinabihan ako ng kaklase mo na absent ka." Mahabang salita nito nang makalapit ako sa kanya.

"Nagka-lagnat kasi ako kaya pinagbawalan muna akong pumunta nang eskwelahan kahapon." Sabi ko. "Bakit may nangyari ba?" Patuloy kong tanong.

"Wala naman, hindi lang kasi ako sanay na walang kasama pag kumakain nang pananghalian," nakangusong aniya.

"Don't worry, aalagaan ko na simula ngayon ang sarili ko para hindi ka na mag-iisa sa susunod." I smiled genuinely at her.

Bigla rin 'yon naglaho ng maalala ko ang mga pinanggagawa sa akin ng step dad ko kaya ako nagkaroon ng lagnat. He's disgusting. I despise him a lot. Siya ang rason ba't nagkakaroon ako palagi ng bangungot kada gabi.

Nanginginig na ako sa galit kung hindi pa ako hinawakan ni Nicole at marahang hinila. Nangunot ang noo ko ng makitang ibang daan ang tinatahak niya imbes na sa cafeteria.

"Saan tayo pupunta Nicole? Kailangan na nating pumunta sa cafeteria para makakain." Sabi ko pero nagpapahila pa rin ako sa kanya.

"Sa rooftop na lang tayo kakain at may dala ako ditong pagkain. Birthday ni mama kahapon at nalungkot nga siya nang hindi ka nakapunta kaya naman pinadalhan niya ako ng mga natira na pagkain kahapon para bigyan ka at syempre para kainin natin." Mahabang paliwanag nito.

Ngayon ko lang nakita ang bitbit niyang malaking plastic na may mga tupperware at pagkain sa loob na iyon.

"Hala! Oo nga pala birthday ng mama mo, sorry hindi ako nakapunta" paumanhin ko kay Nicole.

"It's fine Java, nagka-lagnat ka kaya maiintindihan iyon ni mama and besides nakadala naman ako ng pagkain kaya bilisan mo ang paglakad dahil nagugutom na ako." Sabi niya.

Umabot na kami ng rooftop at buti na lang hindi mainit ang panahon ngayon kaya hindi masakit sa balat ang araw. May nakita kaming karton sa gilid kaya nilatag namin ito at ginamit na upuan at patungan ng mga pagkain.

Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap ng mga nangyari kahapon sa birthday party ng mama niya. Maraming dalang pagkain si Nicole, may spaghetti, pancit bihon, cake, carbonara, manok, may dala rin siyang kanin na hinati namin at mango float na hindi na malamig pero masarap pa rin.

"Alam mo ba Java, ang hirap-hirap ng test namin kahapon sa math. Nakakainis, sure akong mababa ang score ko doon" nagrereklamong sabi niya.

"Bawi ka na lang sa ibang subject, ganyan ginagawa ko kapag mababa mga puntos ko sa ibang test" sagot ko sa kanya.

Natapos na kaming magtanghalian kaya bumaba na kami at naghiwalay dahil pupunta na siya sa kanyang classroom.

Pagpasok ko nang classroom umupo agad ako at nakipag kwentuhan sa mga kaklase ko.

Survive the Apocalypse (18+) Where stories live. Discover now