CHAPTER 5

3.3K 12 0
                                    

-
All rights reserved. No part of this story, including its mature content, may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior written permission of the author. The characters, situations, and events depicted in this work are fictitious and intended for mature audiences only. Reader discretion is advised.

-

Java's POV

Napahinto kami sa kakatakbo nang may apat na zombie ang sumusugod sa amin. Binalingan ko si Tristan nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Habang humihingal ay napahawak ako sa dibdib dahil sumasakit iyon sa sobrang kaba, parang may tumutusok ng puso ko sa sobrang sakit nito.

Tumingin si Tristan sa gawi ko nang makitang nakahawak ako sa dibdib ko. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong nito.

Tumango ako para hindi siya mag-alala sa akin.

"Listen, Java. I need you to get out of here first and save yourself. Ako nang bahala sa apat na ito at mauna ka na lang tumakbo." Sabi niya.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at gustong tumutol. "No! Hindi kita iiwan, magsasama tayong lumabas dito. Wag kang mag-alala sa akin kaya ko pa naman ang sarili ko."

"No, listen to me carefully. Kailangan mong tumakbo para makalabas ka ng tuluyan and I'll stay here to cover you up. Don't worry about me, I can take care of myself just fine. I promise you that I will survive this."

"Ayaw ko! Pakinggan mo ako Tristan, please. Lalabas tayo dito ng magkasama, tutulungan kitang kalabanin sila. Please!" Pagmamakaawa ko, nagsisimula nanaman maglabo ang mata ko dahil sa namumuong luha.

"No! Mauna ka nang lumabas." Mariin niyang sabi, pinagsawalang bahala ang mga sinasabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang hawak niyang baril. Nanginginig ang mga kamay habang nakatingin sa palad ko, tiningnan ko siya para tumutol sa binabalak niya pero inunahan na niya ako.

"Take this with you. Mas marami sila sa labas ng eskwelahan kaya kailangan mo ito para madepensahan ang sarili mo. Use it wisely, Java. I need you to defend yourself alone this time, wag kang mag-alala sa akin at ako na bahala sa mga magtatangka na hahabol sa'yo." Marahan itong ngumiti sa akin habang ako ay naiiyak na.

"Tristan...ayoko..natatakot ako..please sabay na lang tayo.." Nahihikbi kong pagmamakaawa.

"Shh..." Pagpatahan niya sa akin, inalis niya rin ang tumutulo na luha sa pisngi ko. "I know that you're strong, Java.. Promise me that you're going to survive and save yourself. Promise me that we will see each other again." Marahan niyang sabi.

"Alam kong hindi pa nakaabot ang mga zombie sa iba't ibang parte ng lugar dito. I think that you need to go home and tell everyone what happened here in our school, may mga ilan na nakalabas na nang campus pero kailangan mo pa rin maging maingat." Pagpatuloy niya.

Magkasabay kaming lumingon nang biglang sumigaw ang apat na zombie na papalapit na sa amin.

"Umalis kana dito Java! Save yourself!" Sigaw niya ng malakas habang nakatuon ang tingin sa papalapit na zombie.

Pero bago ako tumakbo ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pinaharap sa akin.

"Promise me na makakaalis ka dito. Promise me na ililigtas mo ang sarili mo at makaalis ng buhay. Please..promise me na magkikita pa tayo...hindi ko kayang mag-isa.." Mabilis kong salita habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

Survive the Apocalypse (18+) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora