CHAPTER 6

3.1K 8 0
                                    

-

All rights reserved. No part of this story, including its mature content, may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior written permission of the author. The characters, situations, and events depicted in this work are fictitious and intended for mature audiences only. Reader discretion is advised.

-

Java's POV

Huli ko nang napagtanto na tumatayo lang ako doon dahil hindi ko magalaw ang katawan sa takot, nginig, at gulat sa nasaksihan. Natatakbo akong lumapit sa kama kung saan ko nilagay kanina ang baril.

Nasisigaw kong itinutok iyon sa kasambahay na nakadagan kay mama, galit kong kinalabit ang baril at gumawa iyon ng napakalakas na tunog halos hindi ko na makilala ang sarili dahil tuloy-tuloy ang pagbaril ko sa kanya.

Bumagsak ang katawan ng zombie at umaagos ang mga dugo nito. Nilapitan ko si mama bahagya kong sinipa ang katawan ng zombie at niyakap ang katawan ni mama na namumutla.

"Java...anak.." banggit ni mama sa pangalan ko.

"Nandito ako...please wag mo akong iwan.." Nanginginig kong iyak habang mahigpit siyang hinahawakan.

"Sorry sa nagawa ko kanina..sorry at hindi ko na yata kaya..patawarin mo ako anak sa ginawa ko kanina.." Naluluha na rin ito at nag-uumpisa ng pumuputi ang kanyang mata.

"Umalis kana dito...l-ligtas..mo ang..sarili..mahal na mahal ka namin ng papa mo.." Sumigaw ako sa sakit ng nanginginig na ito. "W-wagg..k-kang mag-alala..sa akin..makakasama ko..n-na..ang p-papa mo.."

"Ma...p-pleasee..wag kang magsabi ng ganyan.."

"Barilin m-mo na a-ako..Java..a-anakk...b-barilin mo na ako..bago pa ako m-maging halimaw..at b-baka makagat din kita...h-hindi ko na kaya J-javaa...please..a-anak.." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak ng baril. "A-ayokong..saktan ka nanaman..." Pagpatuloy nito habang ang isang kamay niya ay inaalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"H-hindi k-ko kaya Ma...ayoko.." Nahihirapan na akong makahinga.

Nansasakit ang dibdib ko nang pilit itinutok ni mama ang hawak kong baril sa kanyang ulo. Namumuti na ang kanyang mata at may bahid na ngiti ang kanyang labi na para bang sinasabi niya sa akin na magiging okay din ang lahat.

Dumagundong sa loob ng kwarto ang malakas na putok ng baril sumasabay sa sigaw at hagulgol ko. Napapikit ako ng tumalsik sa pisngi ko ang dugo nito. Niyakap ko ang walang malay na katawan ni mama habang sumisigaw.

Wala na akong pamilya. Iniwan nila ako dito sa mundo na mag-isa. Bakit palagi itong nangyayari sa akin? Ang sakit-sakit ng puso ko parang naputukan din ito ng baril.

Ilang minuto akong umiiyak habang yakap si mama, wala akong pake kung puro dugo na ang katawan ko dahil labis na nasasaktan ako sa nangyari. Mabilis kong nilingon ang isang zombie na pumasok ulit sa kwarto at sinugod ako.

Hindi ko na sinayang ang oras at mabilis itong pinaulanan ng bala. Galit at hinanagpis ang nararamdaman ko kaya ibinuhos ko iyon sa zombie na nakahandusay na ngayon sa sahig na puro dugo.

Mabilis akong tumayo at iniwan na ang katawan ni mama.

I promise you, Mom, that I will make it through this apocalypse. I swear to you that I won't let those who caused this chaos go unpunished. I will seek revenge and make them pay for what they've done. I will tap into a darker side of myself and become a force to be reckoned with. They will regret ever starting this calamity, as I will become their worst nightmare, inflicting upon them the same pain and suffering they have inflicted upon us all.

Survive the Apocalypse (18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon