K A P A L A R A N

28 3 3
                                    

Bago ang graduation sa kolehiyo ay naisipan ng magkakaibigang Jomel, Renz at Makmak na magpahula. May nadaanan kasi silang matandang manghuhula sa Quiapo.

"Manang, pwede po bang magpahula? Magkano po?" magalang na tanong ni Jomel sa matanda.

Tumingin sa kanila ang matanda. Walang ano-ano ay hinawakan agad ng matanda ang kamay ni Jomel.

"Ah, manang, gusto ko po muna malaman kung magkano ang bayad, baka kasi kulang ang pera namin," patuloy ni Jomel.

Nakapikit lang ang matanda habang hinahaplos ang palad ng lalaki.

"Hindi ko sinisingil ang mga may masasamang kapalaran," sabi ng matanda.

Nagkatinginan ang magkakaibigan.

"Bakit po? Magiging adik po ba si Jomel sa future, o baka maging holdaper?" natatawang tanong pa ni Renz.

"Huy, manahimik ka nga, hindi makapag-focus sa 'yo si Nanay," saway naman sa kanya ni Makmak.

"Ikaw iho, magiging masalimuot ang magiging takbo ng buhay mo dalawang taon mula ngayon. Nakikita ko na may darating na pagsubok sa buhay mo. Kung gusto mong maiwasan ang pangyayaring ito, hindi ka dapat makikinig sa isang nilalang na bigla na lang magpapakita sa 'yo," sabi pa ng matanda.

Aminado ang binatang si Jomel an kinakabahan siya noong mga sandaling iyon. Kahit na hula lamang iyon, may kung anong pangamba sa puso.

Binitiwan ng matanda ang kamay ni Jomel at biglang kinuha ang kamay ni Renz. Nagulat si Renz doon ngunit hinayaan na lamang niya ang matanda.

"Magaspang ang kamay mo, masipag ka. Magiging matagumpay kang tao, basta't iiwasan mo lang ang taong magdadala sa 'yo ng kapahamakan. Dahil kapag hindi mo ginawa iyon, pati ikaw ay mamamatay."

Unti-unting nawala ang ngiti ni Renz. Tulad ni Jomel ay nakaramdam din siya ng kaba.

"Kaya niyo bang hulaan kung sino ang dapat kong iwasan? Sa gwapo ko kasing ito ang daming babae ang lumalapit sa akin e," may halong yabang na sabi ni Renz at nagtawanan pa silang tatlo.

"Kapal ng mukha, gwapo nga supot naman," sabi ni Makmak.

"Supot, baka ipulupot ko pa sa leeg mo itong alaga ko," sabi naman ni Renz.

Ibinaling ng matanda ang kanyang tingin kay Makmak. Kinuha rin ng matanda ang kamay ng binata. Hindi katulad ng dalawang nauna, mas matagal ang ginawang pagsusuri ng matanda. Nagsasalubong pa ang kilay nito na tila nahihirapan sa kanyang ginagawa.

"Nahihirapan yata si Nanay, mukhang wala kang future pre," sabi ni Jomel. Natawa naman si Renz dahil doon.

"Manahimik kayo. . ." Saway sa kanila ng matanda.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagsalita ulit ang matanda. Nanlalaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

"Ah, Nay? Ano pong problema? Magiging presidente ba ako sa hinaharap?" Nangingiting tanong ni Makmak.

Umiling ang matanda.

"Kailangan mong mamatay para sa kanilang dalawa," sabi ng matanda at tumingin pa kay Jomel at Renz.

Hindi sineryoso ni Makmak ang sinabi ng matanda. Tumawa ito ng pagkalakas lakas, hindi pa sana ito titigil kung hindi ito binatukan ni Jomel. Napansin kasi nila na parang naiinis na ang matanda.

"Kung hindi mo seseryosohin ang pangitain ko, baka hindi mo mapaghandaan ang pagkawala mo sa hinaharap," babala sa kanya ng matanda.

Nanahimik na rin si Makmak.

"Makakaalis na kayo, ay sandali, ikaw, anong pangalan mo?" tanong ng matanda kay Renz.

"Renz po," sabi niya.

Guni-Guni Where stories live. Discover now