I L A W

2 1 0
                                    

Ilaw Ng Tahanan

Wala nang nagawa pa si Roldan nang ihagis ng kanyang ama ang mga gamit sa tapat ng kanilang bahay. Nagkalat ang mga kasuotan sa kalsada pati na rin ang kanyang mga paboritong libro.

"Lumayas ka na rito sa bahay na ito! Hindi ka maasahan! Wala kang kwenta! Kaya nga kita pinagtapos ng pag aaral para may mag aahon sa amin ng mama mo tapos ngayon, bigla mong sasabihin sa akin na hindi mo ibligasyon ang pagtulong? Wala kang utang na loob! Wag mong kalimutan na anak lang kita at ako ang nagpalamon sayo! Kung anong meron ka ngayon, dahil yon sakin! Wala na akong aasahan sayo! Hihintayin ko na lang makatapos ang mga kapatid mo at baka sila na ang mag ahon sa amin! Lumayas ka na, hindi ka na nabibilang sa pamilyang ito!"

Galit na galit ang kanyang ama na si Rodman. Sa lakas na boses nito ay rinig na rinig yata iyon sa kanilang strito. Walang choice ang binatang si Roldan kundi isa isang damputin ang kanyang mga gamit. Pinag titinginan na siya ng mga napapadaang tao na nagbubulung bulungan.

Matapos damputin ni Roldan ang mga gamit ay nag iwan siya ng mga salita sa kanyang ama.

"Tandaan mo ito, Pa. Kahit kailan hindi ka uunlad. Dahil darating ang panahon na lahat ng anak mo ay magkakaroon na ng sariling buhay. Habang ikaw, maiiwan kang mag isa, at dahil sa kabulukan ng ugali mo, wala ni isa sa amin ang dadalaw sa iyo hanggang sa mamatay ka at ilibing ng mga taong hindi ka kilala. Sana dumating ang araw na mapagtanto mo na ang mga anak ay hindi instrumento para sa sarili mong pag-angat. Tatay lang kita, hindi ka diyos na pwede akong ariin. . ."

Nanikip ang dibdib ng lalaking si Rodman dahil sa mga sibabi ni Roldan. Wala nang pakialam si Roldan doon at naglakad na rin siya palayo.

Isa lamang ang taong pumapasok sa isipan ng binata na maaaring makatulong siya. Walang iba kundi ang kanyang bespren na si Danilo.

Matagal na silang hindi nagkikita ng lalaki. Tanging sa mga chat at text na lamang sila nagkakaroon ng usapan.

"Si Danilo na lang pag asa ko, papayaga kaya yon?" tanong ni Roldan habang siya ay nakaupo sa gilid ng tulay.

Dinukot niya ang cell phone sa bulsa at nagsimulang magpadala ng mensahe sa kaibigan.

Wala pang ilang minuto ay nag-reply na agad si Danilo. Laking tuwa niya dahil may pansamantala na siyang tutuluyan. Pumayag ang kaibigan niya na habang wala pa siyang nahahanap na trabaho, doon na muna siya mananatili sa bahay ni Danilo.

Kabisado pa ni Roldan ang tirahan ni Danilo kung kaya't agad din siyang bumyahe. Mabuti na lamang ay may natitira pa siyang kakaunting pera.

Dakong alas diyes na ng gabi nang dumating siya sa tapat ng bahay nila Danilo.

Malaki na ang pinagbago ng bahay ng kaibigan mula nang huli siyang pumunta roon.

5 years ago, maayos pa ang kulay pulang gate na ngayon ay nabubulok na at kinakain na ng kalawang. May kadiliman na rin ang bakuran dahil sira na rin ang maliit na poste ng ilaw sa gilid. Kumpara noon, mas dumami na ang halaman sa paligid ng bahay. Ang hindi lang nagbago sa konsepto ng lugar na kinatitirikan ng bahay, ay nag iisa pa rin iyon sa area na iyon. Wala pa ring kapitbahay kagaya ng dati.

Tatawagan pa sana ni Roldan si Danilo pero nakita niya na iyong sumilip sa pinto. Kumaway ang lalaki at sumenyas na pumasok si Roldan ng gate.

Masakit sa tenga ang tunog na nilikha ng nabubulok na gate nang itulak niya iyon. Dumikit pa nga sa kanyang kamay ang kalawang.

"Pare! Long time no see! Grabe! Ang puti mo na!" masayang sabi ni Roldan nang salubungin siya ni Danilo.

"Gagi, kumusta ka pare?" masigla ring sabi ni Danilo.

Guni-Guni Kde žijí příběhy. Začni objevovat