B A H A Y

10 1 0
                                    

Masaya ang pamilya Valdez nang sa wakas ay matapos na rin ang pinatayo nilang bahay sa Cavite. Maraming taon din ang binilang bago makamit ang pangarap nilang bahay. Para sa lalaking si Carlito na siyang haligi ng tahanan, iyon na ang pinaka magandang regalo sa kanila sa darating na pasko. Ilang araw na lang din kasi at saaapit na rin ang kapaskuhan.

"Sa wakas! Nakalipat na rin tayo rito!" Napalakas ang pagkakasabi ni Carlito kung kaya't nag-echo pa ang kanyang boses sa buong bahay.

"Pa, 'yung sinabi ko sa 'yo ah, dapat may sarili akong kwarto! College na ako, hindi ako pwedeng sumama sa mga kapatid kong highschool na maiingay," sabi naman ng binatang si Christian at tinuro pa ang dalawa niyang kapatid na lalaki rin. Si Cielo at Miko.

"Wag kayong mag-alala, may kanya kanya tayong kwarto dahil malaki itong bahay. Si Cielo at Miko magkasama, ako at ang mama ninyo ang magkasama rin, ikaw Christian, bahala ka sa buhay mo kasi solo mo lang ang kwarto mo!" Natatawa pang sabi ni Carlito.

"Ayos, yan ang gusto ko sayo, Pa!" Tuwang tuwang wika naman ni Christian. Nauna na itong umakyat sa second floor.

Naiwan ang mag asawa sa sala. Pinag mamasdan nila ang paligid. Hindi maalis sa mukha ng mag asawa ang ngiti.

"Parang dati lang nangungupahan tayo kay Aling Pasing," sabi ng babaeng si Mirasol.

"Mahal, hindi na tayo babalik doon kahit na kailan. No more upa na, wala nang pangit na maniningil sa atin."

Tinapik ni Mirasol ang lalaki.

"Grabe ka kay aling Pasing ah! Pero infairness, ang honest mo mahal!"

Parang mga baliw na nagtawanan ang mag asawa. Si Aling Pasing kasi ang dati nilang landlady, kung makasingil ito sa kanila ay para bang mamamatay na sa galit, samantalang wala pa naman ang deadline ng singilan.

Maganda ang pinagawang bahay ni Carlito. Makintab ang sahig dahil tiles ito. Ang kulang na lamang sa bahay nila ay mga appliances at ibang furniture na babagay sa porma ng loob.

Isang linggo ang nakalipas, naisipan ng mag-asawa na magpatulong sa kakilala nilang interior designer. Bukod sa makakamura sila sa bayad, alam nilang mahusay talaga ang kakilala nila.

"Check mo, baka si Willy na iyon," sabi ni Carlito sa asawa.

Agad din namang tumayo si Mirasol at pinuntahan iyon.

"Mahal, si Willy na nga!" sigaw ng babae. Ilang sandali lang ay pumasok na rin ang lalaki.

"Long time no see pare!" sabi ng lalaking si Willy at nakipag apir pa kay Carlito.

"Bigtime ka na ah, dami mo sigurong client-"

Napatigil si Carlito nang mapansin nilang natahimik bigla si Willy. May tumulong dugo sa ilong nito at tila bahagyang nahilo.

"Mahal, ikuha mo nga si Pare ng tubig, yung pinaka malamig," utos ni Carlito kay Mirasol.

Napansin ni Carlito na nililibot ni Willy ang tingin nito sa buong bahay. Mababakas ang kaba sa mukha ng lalaki na hindi alam ni Carlito kung saan nagmumula.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka yata nagdala ng payong alam mong summer na ngayon, mainit sa lansangan," sabi ni Carlito at inalalayan si Willy na makatayo.

"Ayos lang naman ako, pare. May naramdaman lang akong kakaiba," sagot nito at huminga nang malalim.

"Nararamdaman? Anong nararamdaman mo?"

Pinasadahan muli ni Willy ang kabuoan ng bahay. Hindi nito matukoy pero bigla na lang bumigat ang pakiramdam niya.

"Ang bigat ng awra ng bahay ninyo."

Guni-Guni जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें