B A N G K A Y

7 3 2
                                    

Matagal nang trabaho ni Oliver ang paglilinis ng mga bakanteng nitso sa sementeryo. Ito na ang nagsilbi niyang sandalan sa tuwing may kailangan paggastusan ang kanyang kapatid na nag-aaral.

Maagang naulila sila Oliver dahil namatay na ang kanyang mga magulang noong siyam na taon pa lang siya. Naaksidente sa sasakyan ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay umuwing nakakahon galing sa ibang bansa.

Sa murang edad ay napilitan nang magbanat ng buto ang binatang si Oliver. Siya na lang din kasi ang aasahan ng kaisa isa niyang kapatid na si Banjo.

Nasa high school pa lamang si Banjo kaya todo kayod talaga sa buhay si Oliver. Aniya, ilang galon pa ng pawis ang kanyang pupunuin para mairaos ang pag-aaral ng kapatid.

"Ayos na ba 'yan?" tanong ng tumatayong boss-bossan ni Oliver na si Mang Jaime.

"Okay na 'yan, boss. Malinis na 'yan," sagot ng binata habang hawak ang balde at walis tingting.

"Mayaman ang ililibing diyan, kaya dapat talaga malinis 'yan," sabi ni Mang Jaime sabay hithit ng tabako. O

"Mayaman, bakit sa ganyang nitso lang? Tsaka hindi naman libingan ng mayayamang dito e." Natawa pa si Oliver sa sinabi niyang iyon. Akala niya kasi ay gumagawa na naman ng kwento ang lalaki. Sa halos pitong taon na kasi ni Oliver sa kanyang trabaho at ganon na rin katagal niyang kasama si Mang Jaime, nasanay na lang siya sa mga kwento nitong tila malayo sa katotohanan.

"Sa pagkakaalam ko lang ah, itong ililibing daw ay nagpakamatay. E relihiyoso ang pamilya ng maglilibing. Bawal 'yon sa kanila, kumbaga malaking kasalanan iyon. Kapag nalaman iyon ng mga kasamahan nila sa relihiyon nila ay kahihiyan iyon. Ang masaklap pa, baka itakwil sila, hindi ka ba pamilyar sa relihiyon na tinutukoy ko? Sila 'yong relihiyon na maraming bawal, tapos may mga private army pa," saad ng lalaki na sandali pang kumumpas ang kamay sa hangin habang nagkekwento.

"Wala akong alam sa mga relihiyon, e wala naman kasi akong binyag," sagot ng binata at sumilip pa sa loob ng nitso.

"Oo nga pala, basta mayaman ang ililibing diyan. Kawawa nga 'yung tao, palihim lang siyang ililibing dito sa maputik at mabahong sementeryo na ito."

Umiling si Mang Jaime na tila ba nanghihinayang.

"Sige na, Mang Jaime, uwi muna ako saglit. Mamaya ah, yung bayad aasahan ko. Pasok na kasi ng utol ko sa lunes, kailangan ko ng pera."

"Oo, 'wag kang mag-alala, ito naman akala mo naman tatakbuhan," sabi ni Mang Jaime na kumakamot pa sa tiyan.

"Malay ko ba kung mawili ka na naman sa pusoy."

Natawa na lamang si Oliver at naglakad na rin palayo. Magaan ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Bukod kasi sa nitsong paglilibingin ng sinasabi ni Mang Jaime, may mga nitso pa siyang nalinis. Dahil doon ay inaasahan na niyang medyo malaki ang kikitain niya para sa linggong iyon.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na rin siya sa kanila. Sa tapat ay pinagmasdan niya sandali ang kanilang bahay. Bulok na. Walang kaayos ayos at basta na lamang tinapalan ng mga plywood na nakuha lamang sa ilog. Napangiti na lamang nang mapait si Oliver. Sinabi niya sa kanyang sarili na darating din ang araw na magkakaroon din sila nang matinong bahay.

"Wow, sipag ah, ano 'yang ginagawa mo?" tanong ni Oliver nang tabihan ang kapatid na abala sa mga sinusulat. Hinawakan pa ni Oliver ang lamesa para hindi ito tumumba dahil sa pagiging mahina na ang tukod ng paa nito.

"Kailangan daw naming gumawa ng isang maikling kwento sa Filipino. Ang napili kong kwento ay tungkol sa mga pamahiin. May alam ka bang pamahiin kuya?"

Humawak sa baba si Oliver at napaisip. Matagal na kasi niyang limot ang mga pamahiin na dati ay paulit ulit na sinasabi ng kanilang mga magulang. Ngunit may isa siyang naaalala na lagi ring sinasabi ni Mang Jaime sa kanya.

Guni-Guni Where stories live. Discover now